MARIIN NA NAPAPIKIT si Miles. Hindi niya kailangan na sumilip dahil buo na ang kaniyang kalooban; hindi siya titira sa bahay na 'to.
Ang bahay na halos noong huling buwan pa lang nila nalaman na nag-e-exist. Ito ay pamana mula sa tiyahin ng Mama niya. Hindi nagkaanak ang tiyahin kaya namatay na walang tagapagmana. Ewan lang ni Miles kung bakit sa Mama niya naisipang ipamana itong bahay. Hindi naman halata na close ang mag-tiyahin sa isa't isa.
Bago nga lang, may nakaaway na naman ang Papa niya. Kaya naisipan nila nalumipat at manirahan sa lumang bahay.
"Kasalanan mo 'to," asik niya sa ama na katabi lamang. Nilampasan niya ito at nanguna sa pagpasok. Wala naman kasi siyang choice, dapat niyang tanggapin ang pagbabago na 'to.
Hitsura pa lang sa labas ay lehitimong pang-horror movie na. Ano nalang kaya ang pagmumukha sa loob nito.
Napaismid siya ng mapansin ang itim na pusa sa bakanan ng pinto.
"Alis!" singhal niya dito. Hindi ito nasindak at nagpatuloy lang sa pagpapahinga. Kainis!
Nagtungo siya sa pinto ng iniiwasan ang pusa. Nang siya ay nalapit ay biglang umalis nalang ito.
"Ano ba, magbukas ka!"
"Hindi mo 'yan mabubuksan," sita ng Papa ni Miles. Pinigil siya nito sa pagsubok na buksan ang pinto. Bumunot ito ang susi at binuksan ang pinto.
'Di wow. Akala niya naman kasi ay matutumba na ang pinto kung sisipain.
"Hindi man maganda ang bahay na 'to ngayon, pero pag nalinisan ay sigurado akong magmumukha itong bago."
Pinaikutan niya ito ng mata, ngunit dahilan ito upang makurot siya ng ina.
"Alam naming hindi mo talaga gusto ang paglipat na 'to, Miles. Pero huwag mo namang ma-disrespeto ang iyong ama," sermon nito.
Lalong sumiklab ang kaniyang pagkainis. Hindi niya naiintindihan kung bakit ayos lang sa Mama niya ang kanilang paglipat. Ayos lang ba talaga na iwan ang buhay nila sa syudad? Hindi ba nila naiintindihan na ang unfair ito para sa kaniya? At para saan? Para sa nasisirang bahay na 'to?
Dalawang araw na ang lumipas at hindi pa rin sila nag-uusap ng mga magulang niya. Hindi pinapansin ni Miles ang mga effort nito na makausap siya. Manigas sila.
Hapon nang siya ay natutulog ay bigla may nambulabog na kaguluhan sa labas. Pambihira, may kaaway na naman ba?
Dahil sa pagka-inip ay napilitan siyang buksan ang bintana sa unang pagkakataon. Nahihirapan siyang mabuksan ito. Puno pa ng mga alikabok.
Mula sa second floor window ay natanaw niya ang bakuran. Madumi rin, kagaya sa buong hinayupak na bahay.
Abala naman sa paglilinis sa ibaba ang kaniyang Mama. Hindi naman mahagilap ang kinaroroonan ng Papa niya.
Bumaba siya at nagtungo sa bakuran. Hindi pa man siya nakalalapit sa kaniyang magulang ay biglang may tumawag sa kaniya.
"Pst! Hoy dito!" sitsit ng lalake mula sa bakod ng kapitbahay.
"Bakit?" Naiirita niya itong hinarap.
Hindi siya nito pinansin at tumingin lamang ito sa likod niya.
"Ama mo 'yon 'di ba?" tanong nito.
Tiningnan niya naman ang gawi ng mata nito. Nandoon ang Papa niya sa may puno, tila may plano ata na putulin iyon.
"Papa ko nga. Ano sa'yo?"
"Pigilan mo siya. Huwag mong ipaputol ang malaking puno na 'yon," utos nito at itinuro ang puno sa malayong dako ng bakuran.
Napatawa si Miles. Ba't ba nangingialam ang lalaking 'to?
YOU ARE READING
Ang Puno sa may Bahay
HorrorHindi matanggap ni Miles ang paglipat nila ng tirahan. Ilang araw lang ang lumipas at nagsimula siyang makaramdam ng kakaiba. Hindi siya naniniwala na ang kapre ang dahilan ng mga nararanasan niya. Ngunit maitatanggi pa ba niya ang paggugulo nito sa...