Hello! Annyeong! ^________^
Salamat sa pagdaan sa istoryang ito... Nawa bigyan niyo po siya ng pagkakataon para basahin. And I hope you'll like this story.
This is purely fictional. At lahat ng nakasulat dito ay pawang pagewang gewang na thoughts lang. Produkto ngpagkabored pero nawa magustuhan niyo dahil binuhos ko ang puso at utak ko sa istoryang ito. hahahahaha... XD
Bago pa lang akong nagsusulat dito, though this wasnt my first attempt. And wala pa kong mga friends dito pero eventually sana magkaroon din. Sana pansinin niyo po ang gawa ko. hehe^__^
You can VOTE, COMMENT and befriend me if you like... And if you think the story deserves it. Thank you...
ENJOY♥
*LA~~ *Sandara wave**
______
CATCH YOU ♥
[Formerly entitled My Girlfriend is a Snatcher ♥]
Copyright © April, 2013, Skullangellee02
ALL RIGHTS RESERVED
Foreword:
Princess Sta. Ana. Her past is like a blackhole, hinihigop siya nito sa kawalan, making her feel empty and worthless. Ni pangalan niya nga ay hindi niya sigurado kung iyon talaga ang totoo niyang pangalan. Wala siyang nakaraan. Pero mayroon siyang kinabukasan. And she would do everything para punan ang future niya. She dreams to be a painter at tutuparin niya ang pangarap niya na yon dahil yon ang bubuo sa basag niyang pagkatao.
Raijin Domingo. For the past years, he's been waiting—patiently waiting for the arrival of his one and only princess. Lahat sila sumuko na; nawalan ng pag-asa na babalik pa ang nawawalang kababata. Pero siya, hindi pa. Hindi siya bumibitaw; patuloy siyang umaasa. Patuloy siyang kumakapit sa nakaraan.
A girl fulfilling her future; a guy who's holding tight on his past. Meeting each other in a mischievous way, anong mangyayari sa aso't pusa nilang relasyon? What will happen if the past SHE can't remember is the future HE's been waiting—the puzzle piece that would both complete them? What will be the ending when everything started when SHE STOLE HIS WALLET?
Preview:
"MISS," her eyes traced his red thin lips. "Sa susunod mag- iingat ka. Nagmamadali kasi ako eh," saad ng mala- anghel na lalaking nakabangga niya. An angel—she would say he must be a fallen angel if he didn't speak. Matalim kasi sa pandinig niya ang mga salitang binitawan nito at nakaramdam siya ng pagkainis dito kahit pa mukha itong anghel.
Kagyat niyang itinulak palayo ang lalaki. "Hoy kuya, 'wag mo akong sisihin, okay? Parehas naman tayong naabala nito eh. Kung nagmamadali ka, ako naman, nawi- wiwi na kaya quits lang tayo, okay? Kasalan ko ba kung maraming tao at hindi ko makita ang dinadaanan ko?" angil niya dito.
"This is a bar so obviously, there are lots of people here."
"Exactly!" she pointed out sarcastically. "Alam mo naman palang bar to eh, magrereklamo ka pa kung mabangga ka. Arte mo, huh!" pairap niyang saad.
"You know what, why don't you just thank me that even though you bumped at me, I still rescued you? Sinalo pa'rin kita."
"Wow, huh! Ayos ka'rin, eh nuh? So utang na loob ko pa sa'yo yun? Neknek mo! Hindi ko naman sinabi sa'yong saluhin mo ko eh. At isa pa, hindi ko kailangang magpasalamat sa isang mayabang na unggoy na tulad mo!" pagtataray pa niya.
But the confidence of this guy is oozing. Nakuha pa nitong ngisian siya.
"Miss, are you blind? Sinong unggoy, ako?" he pointed to himself and chuckled. Wala siyang masabi sa kayabangan nito, though on the other hand, he is telling the truth. Saying that he's good looking is an understatement. Pero lahat ng kagwapuhang taglay nito ay nahuhulas sa kayabangang ipinapakita nito sa kanya.
Inis na inirapan pa niya ito. Pero sa halip na mabahala ito sa pagkainis niya, tila lalo pa siyang inaasar nito. Paano'y napakalapad pa ng pagkakangisi nito sa kanya na para bang namamangha pa ito sa kanya. Pero kahit na gaano pa siya kainis dito, hindi siya dapat na magpatalo!
And a bright and mean idea came crashing into her silly mind. Napangisi siya. Gaganti siya! Ayaw kasi niya sa mga taong mayayabang at akala mo ay kung sinong umasta. Tuturuan lang naman niya ito ng kaunting leksiyon, hindi ba?
Hawak- hawak ang ideyang nabuo sa kanyang isipan, inirapan niya ang mokong na nasa harapan niya at dali-daling nilagpasan ito. Pero bago niya ito tuluyang nalampasan ay nadukot na niya ang wallet nito. Napangisi siya. Walang kaalam-alam ang unggoy!
"Hoy unggoy!" tawag niya dito ng hindi pa siya gaanong nakakalayo. Lumingon naman ito. At nang-iinis niyang ipinakita ang hawak niyang wallet na nadukot mula dito. Bumakas ang pagtataka sa mukha nito.
"Loser!" she mouthed that word to him and winked, leaving the poor arrogant man puzzled, with a huge grin on her lips.
Little did they know that that's the start of the collision of their worlds.
~~
PS.
HI! I changed the title because I think the former title is not that suitable. I hope I didnt make any confusion here. Enjoy reading! Godbless :)
~~
UPDATE AS OF JUNE 1, 2020
Hello! After many years, Catch You will also be now available on Dreame. A new and a better version will be released there. So if you want to reminisce the days you read this story, please follow me on Dreame. My user name is Lara Crasom.
See you there!

BINABASA MO ANG
Catch You [Completed]
Teen FictionPrincess Sta. Ana was once a snatcher, a pickpocket--isang magnanakaw. Raijin Domingo is the rich, handsome and famous lead vocalist of The Zenith. But he is also a jerk. Kaya naman ng magtagpo ang landas nila, hindi agad sila nagkasundo-- na humant...