Chapter 4

1.2K 16 4
                                    

Hey guys!!! :)

Thanks for dropping by here sa story na ito. Yes, I know this is something cliche but I really hope you'll give this a shot. This story promises something, so I hope you'll see the beauty in it. XD

SUBSCRIBE. COMMENT. and FOLLOW me. Let's be friends. Thankyou. I wanna hear you. Hope you can voice out what you think about this story. :)))

-La~~

_______

Chapter 4 ♥

Welcome to International Pilot School for the Arts

Princess faced herself at the mirror. She’s now wearing IPSA’s uniform. She’s now a certified student of the most prestigious and popular art school in the country—International Pilot School for the Arts. Ang institusyong ito ay sikat dahil sa moderno at magaling nitong paghuhubog sa mga mag-aaral nito sa iba’t ibang larangan ng arts. And those who got the talent, and the money are the only ones privileged to study in this academy. Parang dati ay pangarap niya lang na makapasok dito, makatuntong at makapag-aral. Never did she think that it will all come into reality. Salamat at nakilala niya si Miss Jessica Alonzo na nagbigay sa kanya ng pagkakataon para matupad niya ang pangarap niya.

But despite her overwhelming happiness, she also has this fear inside her. Kinakabahan siya lalo pa’t ito ang unang araw niya sa paaralan. Ibang mundo ang papasukin niya. Mundo iyon ng mga mayayaman, makapangyarihan at sopistikadang mga tao. Malayo sa mundo ng isang simpleng taong tulad niya. Pero kahit gaano man siya kinakabahan sa pagharap niya sa bagong mundo niya, kailangan niyang tatagan ang loob niya. Marami na siyang mas mahirap na pinagdaanan at nalampasan. Dahil para ito sa pangarap niya. Dahil dito magsisimula ang kabuluhan ng buhay niya.

Ilang sandali pa ay umalis na siya papuntang paaralan. At abot-abot ang kaba ng dibdib niya ng sa wakas ay nasa loob na siya ng IPSA. Kanina, habang ini-scan ang ID niya sa malaking gate ng paaralan, talagang hindi pa din siya makapaniwala sa nangyayari sa kanya. Parang pangarap lang ang lahat.

“Ang laki pala talaga ng IPSA. Maliligaw yata ako dito… Grabe~” saad niya sa sarili. Nagpalinga-linga siya sa malaking paligid habang hawak ang isang mapa ng paaralan na nagtuturo ng direksyon ng paaralan. Oo, ganoon ito kalaki na kinakailangan pa ng mapa para sa mga bagong estudyanteng tulad niya. At talagang napakaganda ng paaralang ito. Malalaki at mukhang modern at class ang matatayog na building na nakatayo. Malaki rin ang sakop ng green open field na nagsisilbing tambayan ng mga estudyante pag wala pang klase. Doon din siya nakatapak ngayon, wala ni katiting na ideya kung saan matatagpuan ang building na assign sa kanya.

“Para akong nasa ibang bansa… Grabe…” di parin makapaniwa niyang saad. “Teka, nasa’n na ba ako? Kanina pa ako palakad- lakad dito, hindi ko pa’din nakikita yung Fine Arts building. Nasa’n na kaya yun?” napakamot-ulo niyang saad habang nagkakakanda-haba ang leeg na tumatanaw sa mga building na nadadaanan.

Napatigil siya sa paglalakad ng may marinig na tunog ng gitara hindi kalayuan sa kanya. At parang may sariling utak ang kanyang mga paa na basta nalang itong naglakad papunta sa pinanggagalingan ng tugtog. The sound was like calling her. She likes the way its calm rhythm sounds. And without her noticing it, she’s already hiding heself from some bushes at tinatanaw ang isang lalaking tumutugtog ng gitara habang nakaupo ito sa bench. She can see him in a side view pero hindi iyon hadlang para hindi niya makita kung gaano ito ka-soulful habang tinugtugtog ang gitara, with his eyes closed.

“Hay~” napabuntong hininga siya habang pinagmamasdan pa din ang lalaki. “Male-late ako sa ginagawa kong ito eh. Why am I watching that guy anyway?”

Iiling-iling na nagsimula siyang maglakad palayo. Pero batid niya na pre-occupied pa’din ng tunog ng gitara ang utak niya. At tila nabalik lang siya sa katinuan ng may marinig siyang daing.

Catch You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon