Chapter 3 ♥
Fulfilling Dreams
ALAS singko pa lang ay gising na gising na ang diwa ni Pri pero nanatili lang siyang nakatunganga sa kwarto niya hanggang sa maisipan niyang bumaba na. Sa totoo lang naman talaga, hindi pa siya nakakatulog dahil muling pagmumulto ng nakaraan. Nabagabag na naman ang kalooban niya kaya minabuti na lang niyang bumaba sa kusina at kumain ng tsokolate at rocky road flavored icecream na naka-imbak sa fridge nila. Ito ang sarili niyang paraan para kahit paano ay mabawasan ang pagka-stress niya at ang pagkalitong nararamdaman na naman niya.
“Pri… napanaginipan mo na naman ba?” nalingunan niya ang nakadantay sa pader na si Camille, nakatingin sa chocolate bar na nilalantakan niya at sa icecream na nakapatong sa mesa. Talagang kilalang kilala na siya ng kaibigan niya. Alam kasi nito na sa tuwing nagugulumihanan siya ay kung ano- anong chocolate flavored food ang nilalantakan niya ng sabay-sabay.
“Oo… Nakakatawa nga eh, paulit-ulit lang siya pero wala namang nadadagdag kahit na kaiting na alaala…”
Lumapit sa kanya ang kaibigan at inakbayan siya.
“Mag-smile ka na nga… Hindi bagay sayo ang senti eh. Hmmm… alam ko na, mamasyal nalang tayo buong araw para malibang ka, okay?”
“Ah, I have a better idea,” saad niya at napangiti na’rin. Agad siyang nagtungo sa kwarto niya at kinuha ang laman ng wallet ni Mr. Arrogant Monkey—ung biwsit na nakabangga niya sa bar.
She and Camille went to the orphanage na naging pansamantalang tirahan nila noon ni Camille matapos nilang ma-rescue sa kamay ni tatang Diego. Minsan, kahit isang beses lang sa isang taon o pag may libre silang oras ay nagpupunta sila dito ni Camille. Nakagawian na nilang bisitahin ang mga bata dito sa orphanage kaya naman maluwang at mainit silang tinanggap ng mga bata dito, pati na ang mga staffs.
“Uy, si ate Pri at si ate Camille!” saad ng isang bata na nakapansin sa presensya nila. Agad namang naglingunan sa kanila ang mga bata at excited na lumapit ang mga ito. Pawang mga natutuwa ang mga ito sa pagkakita sa kanila. At ganoon din naman sila. Sobrang saya niya kapag nakikita niya ang mga batang ito.
Paano kasi ay pakiramdam niya, kung meron mang nakakaintindi ng lubos sa mga batang ito, siya yon. Siya yon dahil gaya nila, wala din siyang magulang. Kaya parang may pising nagdudugtong sa kanila ng mga batang ito. At gusto niya na kahit paano ay makatulong sa mga batang ito, mabawasan ang kanilang kalituhan sa kalagayan nila, at bigyan sila ng inspirasyon na may bukas pang naghihintay sa kanila kahit na wala silang mga magulang.
“Ate Pri,” nakangiting kinalabit siya ni Samantha at yumakap ito sa kanya.
“Uy, Sam, ang laki mo na ah. Ang ganda-ganda mo pa,” nakangiti niyang puna sa batang nasa pitong taong gulang. Lumuhod siya para maging magkapantay sila nito at yumakap din siya dito. “Kamusta ka na? Naging good girl ka ba, huh?”
“Okay lang ako ate. Good girl po ako kahit po tanungin mo sila.”
“Very good,” she patted the little girl’s head. “Yan naman ang gusto ko sayo eh.”
“Ate, basahan mo po ulit kami ng stories mamaya ah,” kalabit naman sa kanya ni Niko.
“Sure,” agad na sagot niya. Para na kasing ritwal na sa tuwing nandito sila ay binabasahan nila ang mga bata ng mga kwento na minsan ay ina-arte pa nila ni Camille.
“Camille, Pri, buti naman at napadalaw kayo,” saad ni Miss Nepomuceno, ang head ng orphanage. Nakangiti itong nakatunghay sa kanila. “Na-miss kayo ng mga bata.”
“Oo nga po eh. Na-miss din po naming sila,” tugon ni Camille. “Naging busy lang po kami sa pag-aaral at kanya-kanyang gawain kaya hindi po kami madalas makadalaw.”
BINABASA MO ANG
Catch You [Completed]
Teen FictionPrincess Sta. Ana was once a snatcher, a pickpocket--isang magnanakaw. Raijin Domingo is the rich, handsome and famous lead vocalist of The Zenith. But he is also a jerk. Kaya naman ng magtagpo ang landas nila, hindi agad sila nagkasundo-- na humant...