Hello Hello ulit ^______^
Ayan na... Heto na!!! Unti-unti ng nagkakasense yata ung storya ko... :) Sana magustuhan nyo... :)
Pwede kayong magparamdam... hehe XD
COMMENT. VOTE and FOLLOW if you LIKE ^___^ v Lezz be friends :))
Anyways, the names of my characters are pronounced as:
**RAIJIN-- Rey- Jin
**JAIRON-- Jey-ron
**HAYLIN-- Hey-lin
_______
Chapter 5 ♥
The Zenith
Sa wakas ay narating na ni Princess ang Fine arts building. She was impressed sa disenyo ng building na iyon. Sa unahan palang ay bubungad na kakaibang paintings at murals. Ito na yata ang pinaka-artistic na building sa buong campus. Well, dapat lang. Afterall, building ito ng mga student painters. Kumpleto din sa facilities ang gusali. May gallery pa kung saan nakalagay ang mga obra ng mga outstanding students.
She entered a room designated for her class. She’s on her first year sa senior high. Kahit kasi tapos na siya ng highschool, she still cannot just enter the college division dahil kailangan niyang sumunod sa curriculum ng paaralan. Palibhasa kasi ay international academy ito kaya ganoon. At bilang isang senior high student, they will be taught the basics of their craft. Dito din sila io-orient ng mabuti about sa craft na gusto nilang gawing propesyon para malalaman nila kung talagang para sila sa propesyong gusto nila.
She sat in a corner and filled her eyes with scenery inside the convenient and modernized room. Marami ng mga estudyante ang naroon sa loob ng room. They all looked sophisticated. Halatang-halata na mayayaman ang mga ito. Pero sa kabila ng yaman na taglay ng mga ito, she knows they are also equally talented. Hindi lang naman kasi pagiging mayaman ang requirement para makapasok sa school na ito, they must also possess the talent, or else, hindi ka talaga nila ipapasa kahit ikaw pa ang anak ng president o ng pinakamayamang tao sa mundo. Kaya nga napaka- blessed niya at isa talagang malaking biyaya para sa kanya ang makapasok at makapag-aral sa eksklusibong paaralang ito.
Maya-maya lang ay may babaeng pumasok sa room nila. Nagpakilala itong si Ms. Jacquelyn Uy, ang propesor na magpa-facilitate sa kanila ngayong araw. At gaya ng karaniwang first day class, isa-isa silang pinatayo sa unahan para magpakilala sa lahat.
Nang siya na ang pinatayo at nagpakilala sa sarili, kaunting information lang ang sinabi niya. Wala din naman siyang ibang masasabi. At sigurado din naman siyang wala namang gustong makinig sa sasabihin niya. Afterall, isa siyang alien dito at hindi niya kauri ang mga tao dito. Pagkatapos niyang magpakilala, agad siyang bumalik sa pwesto niya at nagsumiksik ulit doon at tahimik na nagmasid. Pero pakiramdam niya ay may nakatingin sa kanya. Kaya naman luminga-linga siya at hinanap Kung mayroon ngang nagbabantay sa mga kilos niya.
And she was greeted by a pair of chinky eyes of a girl who’s just sitting beside her. Naka-nerdy glasses ito pero hindi iyon dahilan para hindi niya mapansin ang ganda ng mga mata nito. The girl also has a long straight brownish hair na bahagyang tumatabing sa mukha nito. But what really caught her more is how the girl looked at her intently. Para bang pinag-aaralan nito ang kabuuan niya.

BINABASA MO ANG
Catch You [Completed]
Teen FictionPrincess Sta. Ana was once a snatcher, a pickpocket--isang magnanakaw. Raijin Domingo is the rich, handsome and famous lead vocalist of The Zenith. But he is also a jerk. Kaya naman ng magtagpo ang landas nila, hindi agad sila nagkasundo-- na humant...