Chapter 1 ♥
The Jerk and the Snatcher
MAINGAY. Magulo. Makulay. Masaya. Iyan ang bumungad kay Princess nang pumasok sila ng kaibigan niyang si Camille sa isang kilala at sosyal na resto-bar na madalas tambayan ng mga mayayamang kabataan at party-goers. Everyone seemed to be having a really good time, dancing and swaying their bodies into the rhythm of that playful music loudly banging the stereo. Nakiki-ayon din dito ang malikot na pagsasayaw ng mga ilaw na ikinasasakit ng mata niya.
“Ano bang ginagawa natin dito Pri?” tanong ni Camille sa kanya. “Bakit tayo dito nagpunta?”
She gave her friend a mischievous smile. “Well, narinig ko na mas dinadayo na ngayon ang resto-bar na ito dahil sa isang banda na tumutugtog dito. Magaling daw talaga sila, and I want you to check out on them.”
“Ahh…” Camille nodded in satisfaction. Musical enthusiast kasi ang kaibigan niyang si Camille. Sa katunayan, may mga pagkakataon na tumutugtog din ito bilang vocalist ng isang amateur band kapag may oras siya. Music is Camille’s real passion. Ang problema nga lang ay hindi ito magawang maseryoso ng kaibigan niya dahil hindi iyon ang gusto ng mga magulang niya para sa kanya. So music has just become her hobby—a stress reliever kapag gusto niyang mag-unwind at mag-relax.
This past few days have been stressful for her friend dahil sa ugok nitong boyfriend na wala naman talaga siyang katiwa-tiwala para sa kaibigan niya. Kaya gusto niya na kahit paano ay pagaanin ang loob ng best friend niya. Isa pa, gusto niya ding mag-relax ng kahit kaunti dahil nai-stress na’rin siya sa ilang araw na kakahanap ng trabaho.
They went on a side of that bar and sat on an unoccupied place. Mula doon ay kitang- kita ang center stage kung saan naka- set up na ang mga musical instruments na gagamitin ng banda. Then, the loud music slowly faded as the rolling lights started to stay calm, lighting up the stage. And everybody stopped on what they are doing. Para bang ang lahat ay tumigil sa kani- kailang ginagawa dahil ang kanilang inaasahang masaksihan ay paparating na.
“Zenith! Zenith! Zenith!” the crowd started to shout as if it was a chant needed for the band to come out. And the crowd went wild, especially the girls, when four particularly and utterly handsome men one by one emerged and made a dominating presence in the stage.
Nagkatingingan sila ni Camille sa naging reaksyon ng mga manunuod. Daig pa yata nila ang propesyunal na mga banda sa lakas ng sigawan ng mga fans nila.
“Hello!” sambit ng lalaking inukopa ang mikropono. Marahil, ito ang lead vocalist ng banda. “Good evening everyone. Are you all doing fine?”
“Yeah!!” sabay- sabay na sagot ng mga tao.
“I love you Jairon!” sigaw ng isang babaeng halatang kiniklig sa presensya ng lead vocalist.
“Go Gian Carlo!” sigaw ng isa pa. Kumaway naman ang rhythmic guitarist ng banda sabay bigay ng isang malapad na ngiti na marahil ay ikinatunaw ng marami.
“I love you Moon! I love you Gabryel!” sigaw ng iba pa patungkol sa drummer at lead guitarist ng banda.

BINABASA MO ANG
Catch You [Completed]
Teen FictionPrincess Sta. Ana was once a snatcher, a pickpocket--isang magnanakaw. Raijin Domingo is the rich, handsome and famous lead vocalist of The Zenith. But he is also a jerk. Kaya naman ng magtagpo ang landas nila, hindi agad sila nagkasundo-- na humant...