Chapter 2

1.3K 20 2
                                    

Chapter 2 ♥

Blurry Visions of her Past

“MoOMMY! Daddy!!” napabalikwas si Pri sa kama niya dahil napanaginipan na naman niya ang eksenang yun sa teritoryo ni tatang Diego. Napahikbi na lang siya hanggang sa tuluyan na lang siyang umiyak habang pakiramdam niya ay nanliliit siya sa takot, sa lungkot, sa pagkalito. She can only hug her knees and cry. Hanggang ngayon kasi ay nakatanim padin ang lahat sa kanyang isipan. At sa tuwing dinadalaw siya ng multo ng mapait niyang kahapon, wala siyang ibang magawa kundi ang umiyak nalang. At tulad ng walang patid niyang pagluha, walang patid din ang pagdaloy ng mga alaala ng kahapon sa isipan niya, kahit pa ayaw niya itong maalala.

***

Marahan niyang iminulat ang mga mata niya. Nasilaw siya sa liwanag na bumabalot sa lugar. Iginala niya ang kanyang mga mata. Kulay puti lang lahat ng nakikita niya. Nasa langit na ba siya?

“Gising ka na pala,” saad ng isang matandang lalaki na balot ng balbas ang mukha. “Kamusta ang pakiramdam mo hija?”

Hindi siya sumagot. Wala siyang maisagot. Wala siyang maramdaman. Blanko ang laman ng utak niya.

“Anong nangyari sayo bata? Nakita kitang nakahandusay sa kalsada. Puno ka ng sugat. Kaya dinala na kita dito sa ospital,” saad pa ng lalaki pero parang naglalagos lang ang mga ito sa tainga niya. Wala siyang maintindihan.

Maya-maya lang ay dumating na ang isang doktor kasama ang isa pang nurse. Chineck nito ang kalagayan niya. Pero nanatili lang siyang nakatulala. Wala siyang maramdaman.

“Kayo po ba nang magulang ng bata?” naulingan niyang tanong ng doktor sa lalaki.

Magulang. Parang may tumuktok sa puso niya ng narinig niya yun.

“Ah, o-oo… oo, ako nga,” naga-atubiling saad nung lalaki.

Dahil dun, ipinaliwanag ng doktor ang kung anu-anong mga bagay na hindi na naman niya naintindihan. Pero pakiramdam niya gumana na kahit paano ang utak niya at patuloy nito sini-synthesize ang salitang ‘magulang’.

“Mommy… Daddy!” bulong niya. “Daddy!! Daddy!! DADDY!!!” hanggang sa napasigaw na siya at napapalahaw. Dinaluhan naman agad siya ng mga doktor at pinakalma siya.

Ilang araw pa ang dumaan at nakalabas nadin siya ng ospital.

“Ano bang pangalan mo, hija?” tanong ng lalaki sa kanya. Hindi siya sumagot. Hanggang ngayon, blanko padin ang utak niya. Sino siya? Anong nagyari sa kanya? Peste, wala siyang maalala!

Napabuntong hininga matandang lalaki. “Hanggang ngayon hindi ka padin umiimik. Sino bang mga magulang mo? Ano ba talagang nangyari sayo? Bata?” kinawayan siya ng matandang lalaki pero naglalagos lang ang paningin niya. “Sabi ng doktor, ang mga sugat mo ay dahil sa pagkaka-aksidente. Pero ang hindi mo pagsasalita, hindi namin malaman. Sayang ka naman oh, kung hindi ka magsasalita. Pero kung sabagay, mas nakakaawa yun.”

Ininspeksyon siya ng mama at nakita nito ang suot niyang kwintas.

“Uy, mukhang mamahalin ito ah. HK,” basa nito sa mga letrang nakasulat doon. “Anong kayang ibig sabihin noon? Initials bay an ng pangalan mo?”

“Princess…”

“Uy, nagsasalita ka na?” gulat na tanong ng mama. “Princess ba ang pangalan mo?”

“Princess… Princess…”

“Nasaan ang mga magulang mo, huh, Princess?” tanong ulit nito.

Catch You [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon