Chapter 4

63 4 0
                                    

ERICA



NAKAUWI na ako ng apartment at wala pa rin si ate, Baka mamaya pa yung uwi nun ang sabi niya kasi may biglaang change of schedule sila sa flight kaya baka gabihin na siya.
Pinag handa ko nalang muna siya ng maka kain niya tsaka ako nag ayos at nahiga sa kama.

Ay oo nga pala baka mag alala yung Langit. Este si Sky. Sabi pa niya Atleast text her daw kapag nakauwi na ako. Hmmm. Concern na fubu? CHECK!


Me:
Nakauwi na ako. Ingat ka rin
pag uwi mo, Salamat kanina.

Sky:
You should rest, Thanks for today
Miss vergara. Nyt.

Pinatay ko na ang cellphone ko at natulog na rin, Maaga pa ako para sa training ko bukas. Medyo nakaka tamad nga e pero kailangan.






-



"So for today's training, We will make sure na lahat ay magiging on hands pag dating sa iba't ibang gawain sa loob ng eroplano" . Sabi nung trainer namin.

Habang mariin akong nakikinig ay nabaling ang tuon namin ng may dumating at tila pati trainer namin ay kinilig din.

"Nandyan pala si captain sky.-Guys? I want you to meet our Captain. Captain Sky Avryl Torez, Bunsong anak ng nag iisa nating CEO. Isa din si captain sky sa pinaka the best captain ng Sky asia.". Sabi nung trainer namin.

"Hi guys! nice to meet you all!". Masiglang bati sa amin ni sky habang naka titig sa akin. Ay no. Hindi ka gaganyan for today.


Umalis din naman si sky matapos ng maikling introduction, Bigla kong naalala na may flight pala siya pa coron ngayon. Nakakalungkot naman wala na namang haharot saken.











-





Lunch na at lahat kaming mga trainee ay nasa caf para manang halian, Hanggang ngayon wala pa ring text sa akin si Sky. Teka bakit ba ako nag hihintay?. Nilapag ko ang phone ko at nag focus nalang sa pag kain.

"Mukhang matamlay tong si erica ohhhh". Sabi ni raine.

"Kalandian lang iniisip niyan, wag mo na istorbohin". Si Sofia ang nag salita. Sa totoo lang OO. kalandian talaga iniisip ko. Jusko hanggang kailan ba ang pilotong yun doon?

"Manahimik nga kayo. Palibhasa kasi ang lulungkot ng pechay niyo"

"Ay! ganun?! - Teka? so ibig sabihin may kalandian ka na naman ngayon? Tangina spill the tea!". Ang chismosang si raine ang naki ososyo.

"Hay nako bahala kayo diyan. Mauna na nga ako, May lakad pa ako"

"Hindi! hindi ka aalis hanggat hidi mo sinasabi sa amin kung sino yarn!". Naka ngiting pag pipigil ni sofia sa akin.

"Uyy wala nga, enebe". Malandi kong sabi.

"Ay? commited kana? ganun?"

"Kabahan ka nga raine! kahit kailan hindi ako magiging commited no! Taga mo sa bato!"

"Sus, Pag ikaw talaga kinarma? Ma memeet mo yung taong mag papatino sayo.. I swear". Sofia said.

"Ay! knock on wood anteh!"








MATAPOS ang nakakapagod na training ay dumiretso kami sa paborito naming tambayan, Ang bahay ni LORENCE or RENCE for short. Isa pa tong kumag na to, walang ibang inaatupag kundi ang computer niya. Sa aming apat si rence lang ang nag iisang lalaki. Wala eh, sa kaniya kami komportable.





Sky is the Limit  (Gxg)Where stories live. Discover now