Chapter 1

175 8 4
                                    

Chapter 1

Ang Date

Nandito ako ngayon sa isang restaurant na mamahalin kung saan gaganapin ang date namin ng boyfriend kong si Luke.

Kung saan ay anniversary namin. Na-eexcite ako masyado. Nageexpect din ako ng sobra. Naka-simple dress lang ako dahil wala naman akong kaartehan sa katawan para mag fashion pa.

Hinihintay ko ang boyfriend kong umalis dahil daw may nakalimutan daw siyang dalhin ibibigay daw niya sakin. Kyaaaaaaa!

May surprise pa pala pwera sa dinner. Kaya dali dali siyang umalis dito sa restaurant na ito.

Ang tagal naman nun. After 123456789 years , wala pa din siya. Hindi na ata sisipot yun. Magsasarado na kaya itong restaurant at nandito pa din ako. Naghihintay sa boyfriend ko.

Pina-aalis na nga ako nung mga waiter dito dahil nga sa magsasarado na sila.

Lumabas ako ng restaturant at naglakad ako sa isang iskinita. Na hindi naman kadiliman pero nakakatakot parin yung aura sa lugar na ito. Hahanap na nga lang ng taxi wala pang dumadaan. Kamalasan! Nakaramdam na ako ng pagkabog ng dibdib ko.

Malas no? Hindi dapat ako minamalas kasi anniversary ko itong araw na ito , anniversary namin ni Luke!

May narinig akong sigawan.

"GAG* KA!! MAGBABAYAD KA SA GINAWA MO!"

Isang away ang nakikita ko ngayon at sobrang lapit ko lang sa kanila. Hindi ko maaninag ang lalaking nagpapatayan doon.

Hindi kasi sila hagip ng ilaw at medyo pamilyar yung boses na yun. Hindi ko na nagawang lumapit, syempre natatakot ako baka masali pa ako sa away nila.

Nakakita ako ng isang taxi.Tumakbo ako para makasakay na. Nakasakay naman ako ng buhay pero sa pagdaan ulit namin dun sa may iskinita. Nakita ko sa dilim ang matatalas niyang tingin.

Pagdating ko ng bahay. Sinalubong agad ako ng mommy ko.

"Oh? Anak , musta date?" salubong ni Mommy.

"Inindian ako, ma." malamig kong pagsabi.

"Magpapahinga na ko." sambit ko bago pa siya magtanong ulit.

Pagod ako Mommy, sorry :(

Nakita ko ang lungkot na pilit niyang ngiti.

Umakyat na ako. Wala pa din ang Daddy. Busy naman kasi lagi yun.

By the way, bukas na ako magpapakilala. Wala ako sa mood. Mukhang namanigno ako ng lalaking yun.

*KINABUKASAN*

7:00 am pa lang...

At ang pasok ko eeh , mamayang 9:30 am pa.

So maliligo muna ako at magtotooth brush bago ako magpakilala. After 45 mins. sa banyo.

Osya excited kayo! I'm Denise Ramirez. Isa akong 4th year highschool at may boyfriend akong gwapo, sweet at gentleman, siya ay si Luke Dela Cruz at siya ang first boyfriend ko at kahapon ang first anniversary kaso hindi siya nagparamdam sakin.

Hindi naman ako nagsisisi na kung bakit ganun si Luke. Marami lang siyang ginagawa. Isa kasi siyang varsity sa school, isang hearthrob at isang namamahala ng school na pinapasukan ko. Hindi ko alam kung magkakaoras pa yun sakin pero kinakaya ko naman.

Iintindihin ko na lang siya. Diba ang babae dapat malaki ang pasensya. Hindi yung pride ang ipang iibabaw ko panigurado hindi kami aabot ng anniversary ni Luke kung ganon ang ginagawa ko.

Iginala ko muna ang aso namin na si Jinky. Haha. Wala akong magandang pangalan na maiibibigay noon at tsaka 8 years old lang ako nung binigay sakin ni Daddy ito.Birthday gift niya sakin.

Noon kasi palaging nandito si Daddy eeh habang lumalaki ako wala nagiging busy na siya. Iisa lang naman akong anak eeh bakit sobrang kayod niya sa trabaho.

Naglibot kami ni Jinky sa subdivision namin. Maaga pa nga lang eh, 8:15 am pero syempre mga 10 mins. lang kami ni Jinky dito ,aba! matagal mag-commute. Nakakainis naman kasi kaya hinahanap ko ang daddy ko at inaantay kung dadating pa ba siya eh kasi yung ipanangako niyang car sakin para hindi na ako nag-co-commute.

Nandito na ko samin at nagbibihis na para sa school at magpapasa pa ng thesis. Buti at tapos ko na ito.

Habang naglalakad na ako patungo sa eskwelahan na pinapasukan ko..Subalit..

"Sorry po,Mr--"

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo hindi yung nakayuko ka diyan!" Sabi nung nakabunggo ko.

Tumingala ako para tingnan kung sino itong nilalang na ito..

Napanga nga ako sa nakita ko!

ANG GWAPO!!!!!!!!!!! KYAAAAAAAAAAAA!

© Copyright of iKilledThatSmile's Stories

I Met a Gangster (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon