Chapter 5

83 4 0
                                    

Chapter 5

Deal

Oo nga noh, kanino niya nga pala nakuha ang number ko. Hindi ko naman ipinamimigay kung kani-kanino ang numero ko at tska bawal akong may katext kilala mo naman si BOYFRIEND. Jealous MUCH.

Kaya wala akong pinagbibigayan ng number maliban sa bestfriend ko at mga close friends ko.

Baka siguro na kuha niya kay bestfriend yung number ko tapos may binabalak siyang hindi maganda kaya niya ako binalaan kagabi.

HALA?!

Bestfriend naman eh! Ipinahamak ako...

Hindi ko nga nakita maghapon ang bestfriend ko mukhang siya nga ata ang nagbigay. Umuwi na lang ako pero dumaan muna ako sa Mcdo, nagcrave ako sa french fries eh.

 Habang papauwi ako napansin ko bakit hindi ako hinatid ni Luke? Baka busy siya.

Anyway,kaya ko namang umuwi mag-isa.

*KINABUKASAN AGAIN*

So 9:00am ulit ang pasok ko. Mag-aantay lang ako dahil 7:30 ako na gising eh. Mag-antay ka bestfriend. Yari ka sakin!

Pumunta muna ako sa malapit na market dito. Buti nga ang aga nila magbukas. May na bibili na agad na makakain.

Kakatuwa nga eh, kahit medyo maliit lang ito fresh ang foods kaya dumugin ito ng tao sa umaga. Kaya bumili lang ako ng kakainin ko at ipapaluto sa maid. Hahaha, BOBO ko noh. May maid ako hindi na lang sila ang inutusan ko mamili pero syempre masipag ako kaya ako na lang tsaka dagdag exercise ang paglalakad sa umaga.

Di ko na sinama si Jinky gawa ng hindi naman park ang pupuntahan ko.

Nakita ko si Luke.

Yeah!

Kitang kita ng dalawa kong mata. GRRRR!

Sabi niya hinding hindi siyang mangbabae ganun pala yun.Tingnan natin mamaya. May nalalaman pang-akbay akbay

Tinext ko ang number ni Ken magbabalak ako ng hindi mganda pero this time ako naman ang kakawawa sa kanya. Halos sinunod ko lahat ng gusto niya to trying to be his best girl pero grabe lang eh parang nung isang araw wala daw lokohan! Pusang gala yan!

Nagpunta ako sa meeting place namin nung Ken. Yeah kung magtatanong kayo kung bakit. Is nagka-deal kami.

Deal ko sa kanya is pagseselosin yung boyfriend kong bakulaw. So magiging kami pero force lang yun.

At ang deal niya naman sakin is I'll be his girl in a month! Pero sabi ko pagseselosin lang not in a relationship AGAD!

Pero symepre pumayag ako. Hindi ko makikita yung halaga ko kay Luke kung hindi ako pumayag! How pathetic Denise but I'm desperate! Kasi akala ko siya na, AKALA lang pala. Maling akala!

Andito kami sa isang cafe.Yung madalang ang tao dahil hindi kami pwedeng makita ng iba dahil mabubuking kami na pinag-usapan lang namin yun.

Sa dulo ito ng cafe. Naka-disguise siya ako din pero hindi bongga. Yung sobra sa saplot hindi yun isang shades lang ayos na.

"Bakit ka nga pala nakipagdeal?" tanong niya para mabasag ang katahimik na namamagitan samin.

"Kase ang boyfriend ko dakilang cheater pala! Kainis talaga so ang plano ko imbis na umiyak ako ay ang gawin ko na lang ay ang bawian siya." sabi ako.

Alam kong mali ang gumanti, kasi bakit ganun siya kung keylan kakatapos lang ng anniversary namin pumatos na siya ng iba! Ibang klase!

"Ok. Dapat hindi na pinagsasayangan ng oras ang ganyang bagay"  sani nito pero hindi ko narinig yung huling sinabi niya.

Umalis na si Ken pero nakita ko yung tattoo niya sa leeg niya...

Familiar? Keylan ko ba nakita yun? Hmm...

Nagpunta na ako sa bahay at 8:30 na tapos hindi pa din ako kumakain, nawawala akong gana.

Panic ako ngayon. Ayoko na malate pa ulit.

Dali daling akong naligo at iniwan na lang sa maid yung pinamili ko siguro mamaya ko na lang kakainin yun.

Takbo ako sa labas hanggang sa sakayan. Sorry ka Denise wala ka pang Student's License.Kaya hindi pa ako pwedeng mag-drive. Nakita ko na ang sasakyan ko upo sabay tingin sa orasan.

8:50 wushu..DRIVER magpaka-flash ka na po. Buti ay medyo di kalayuan ang eskwelahan.

Malapit na!

*BOOOOGGSSHH*

Ang sakit naman nun. May nabunggo ako this time babae.

"Ingat ingat miss." ako na nagtaray.

"FYI , ikaw yung hindi tumitingin sa dinadaanan mo!"  aba palaban ang loka.

Sasamplain ko na sana siya pero may pumigil sa kamay ko.Kilala mo kung sino? Ang magiting kong BOYFRIEND na si Luke.

Habang hawak hawak niya ang kamay ko na dahilan para manghina ang mga tuhod ko.

"Don't dare to touch her!!"

Narinig ko ang sabat na nasa likod ko na ikina-bigla ko naman.

"You're the one unprivileged to touch my girl! Kaya bitawan mo siya kung ayaw mong mamilipit yang kamay mo."

Nagulat ako dahil hinigit niya ko malayo kay Luke. Nung makalayo na kami hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko.

Napapunta kami sa likod ng school at dun ko binuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Tahimik lang yung lalaking humigit sakin.

So para malaman niyo kung sino edi si Ken. Siya yung humigit sakin dito sa likod ng school. Imbis na patahanin ako ay sinabi na lang ang katagang ito,

"Matuto ka ngang lumaban."

Sabay alis at iniwan niya lang talaga ako dito ni hindi niya man lang ako nilibang para tumahan. Nagdecide na akong hindi na pumasok dahil wala ako sa mood. Nagpunta na lang ako sa isang Ice Cream Parlor dito malapit sa school. Bumili ako ng isang Vanilla Ice Cream at inenjoy ang pagkain ng Ice Cream mag-isa.

Mas ikabubuti ko pa ito :D Imbis na iyakan ang lalaking yun.

© Copyright of iKilledThatSmile's Stories

I Met a Gangster (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon