Saksi si Adlaw sa minsang pagbawi ng ngiti sa kanyang labi,
Ang saya ay ikinubli
Nang minsan s'ya ay umalis sa aking tabi.
Dito na pala matatapos ang simula't huli.Hindi naman gaanong katagal,
Ngunit bakit ang sarili'y pagal?Nabibingi na lamang sa katahimikan.
Walang marinig, tanging isipan.Nasaan ka nuong mga araw na iyan?
Hindi kita mahanap sa may kawalan.
Mapapagod naman si Adlaw,
Hindi lang ngayon, baka sa mga susunod na araw.Isinuot ko ang singsing na mula sa silid,
Naaninag ko ang dating alaala sa paligid.
Kailan kitang muling masisilayan
Kung gayong ako ay iyo nang iniwan?
BINABASA MO ANG
Mga tula ni Adlaw para kay Bulan
PoetryAng namimighating pusong naghintay sa kawalan ng daigdig at ang pusong napuno ng pag-ibig. Paano kung bigla na lamang s'yang nawala, hindi na mahanap at 'di na makita? Hihintayin mo pa rin ba s'ya? O 'di kaya'y sasabay ka kaya sa mariing paghilom n...