Hunyo labing-isa

2 0 0
                                    


Nagkita tayo sa dating tagpuan
Habang hawak mo ang labingsiyam na rosas.
Nagbigay ka ng matamis na ngiting 'di ko malimutan.
Sa saya ng ating araw ay 'di mo ako hinayaang makatakas.

Pagtapos ng oras na ito'y sumakay tayo sa sasakyan at ito ay umandar.
Naglakbay tayo sa isang malamig na lugar.
Tumigil tayo sa may pasyalang sa tingin ko'y pamilyar.

Sa may mapuno't masisilungan,
Ang aking kamay ay iyong hinawakan.
Inilabas mo ang isang singsing na tanda ng pag-iibigan
At sinambit ang mga salitang mula sa iyong isipan.

"Maaari bang ikaw ay mapasa'kin?"
At doon ay 'di ko na pinatagal ang nais kong sambitin.
"Oo."
'Yan ang salitang hinintay mong marinig
At ako'y iyo nang kinulong sa'yong bisig.

Mga tula ni Adlaw para kay BulanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon