Hindi man natin makita ang katiwasayan
Patuloy mo pa rin na hilingin ang kapayapaan
Hayaan mong lumubay ang pagal na nararamdaman
At isabay sa yugtong pangmatagalanHayaan mo munang pumatak ang bawat butil ng luha.
Kung sakali, ang ligaya ay muling makukuha.
Hindi man matamasa ang liwanag sa ngayon,
Hayaan mo at ito rin ay lalaon."Hindi ka sayang sa mga panahong ito at sa mga susunod pang mga araw"
BINABASA MO ANG
Mga tula ni Adlaw para kay Bulan
PoesíaAng namimighating pusong naghintay sa kawalan ng daigdig at ang pusong napuno ng pag-ibig. Paano kung bigla na lamang s'yang nawala, hindi na mahanap at 'di na makita? Hihintayin mo pa rin ba s'ya? O 'di kaya'y sasabay ka kaya sa mariing paghilom n...