Chapter 16

728 29 3
                                    

"What are you doing here?" Ang alam ko ay nasa ibang bansa sya para sa kanyang photoshoot doon. Ngumisi naman ang mokong.

"Ano bang ginagawa rito? Hindi naman ako pwedeng matulog dito, dude." Sinamaan ko ito ng tingin. "Chill! I'm just kidding."

"Akala ko ba nasa abroad kayo para sa photoshoot? Teka, sinong kasama mo rito?" Napalinga ako sa paligid at baka kasama nya pa ang tatlo pero wala akong nakita. So, it's just Rio.

"Ako lang. Gav is still on his photoshoot, Kurt is busy in the fast food chain, nagpapataba ata ang isang iyon. And ofcourse, Cassian, busy magpayaman habang nilalango sa alak ang mga tao sa kanyang bar. Ikaw? Hindi ka busy?" Mahaba nitong saad. Napatingin na ako sa race track nang magsimula na ang laban.

"Tapos na ang trabaho ko. Why are you here?" tanong ko habang hindi inaalis ang tingin kay Kael.

"I'm bored. Saka may nabalitaan ako na magandang chicks na racer na lalaban ngayon kaya gusto kong makilala." Doon na ako mabilis na napalingon sa kaibigan. Mula sa panonood sa field ay nakangiti itong lumingon sa akin habang nagtataas-baba ng kanyang kilay.

"Saan mo naman nabalitaan yan?"

"Ano ka ba, dude? Maraming co-models ko ang nanoonood ng mga ganitong laban lalo na kung babae ang driver. And then I heard them admiring this one girl..."

Kasabay nang kalabog ng aking dibdib ay ang pagsalubong ng aking kilay. Konti lang ang babaeng racer dito at si Kael na ang pinkasikat sa kanila. Sya rin ang may pinakaangat ang ganda at may pinakamalakas ang dating. Knowing now that there are so many boys admiring her makes me uneasy.

"They describe her as a feisty woman on the racetrack. Halimaw sa race pero may angelic face," pagtutuloy nito sabay balik nang tingin sa mga naglalaban. Napalunok ako.

Damn! That's my Kael he was talking about. Why? Why on earth is it always Rio? Rio is the one who had a crush on Jassie, and now on Kael? Seriously?

"How about you? Akala ko ba hindi kana interisadong bumalik sa race? Bakit ka nandito?"

Tumingin ako kung nasaan si Kael at pinakatitigan ang bawat galaw nito sa racetrack.

"I'm here to support my girl."

Ramdam ko ang paglingon nito sa akin dahil sa narinig. Alam kong gusto nitong magtanong. Tsismoso pa naman ang isang ito. Pero dahil hindi ko na sya nilingon ay nanood na lamang din ito sa mga nagkakarera.

Kahit sobrang ingay nang paligid ay parang hindi ko ito naririnig. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi nitong si Rio at ang nalaman ko na isa sya sa interisado kay Kael.

I can't deny the fact that I'm starting to feel something unfamiliar with Kael. It's different from other girls from my past, so it's an unfamiliar feeling for me.

Sa kalagitnaan ng aking malalim na pag-iisip ay bigla akong napatayo nang makitang gumewang ang motor ni Kael dahil sa paggitgit nang kalaban.

“Shit!”

Tumigil lamang ito saglit at agad ding humarurot nang alis. Last lap na 'to at kung hindi sya makakahabol ay matatalo sya.

“Woah! I think that's the girl I was talking about. Grabe! Totoo nga ang tsismis!” Doon ko lamang napansin na kanina pang nakatayo si Rio habang nanonood at hindi inaalis ang tingin kay Kael.

Dahil sa mahabang buhok ni Kael na nakatirintas lamang ay malalaman talagang babae ang driver nung itim na motor nito.

“Yes! Wohoo! Ang galing mo!” sigaw ni Rio.

Nakahabol si Kael at sya ang nag first. Nag second lamang ang gumitgit sa kanya na lalaki pala ang driver. Tss.

Agad akong bumaba sa bleacher para puntahan si Kael.

Womanizer Series #2 : Crius Irvin HoltTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon