Where is she?
Palinga-linga ako habang bumababa ng hagdan mula sa office ko rito sa Holt Garage. Magla-lunch na rin at katatapos ko lang mag check ng mga emails.
Pagbaba ay nakasalubong ko si Jeff at Jayson, ang dalawa sa mga mekaniko rito.
“Hey! Where is she?” They looked to each other, confused. “Isa lang ang babae sa garaheng ito, Jeff and Jayson.”
“Ah! Si Kael po?” Tanong ni Jeff. “Nasa ilalim po nang Ford Ranger pick up.” Pagtutukoy nito sa bagong dating na sasakyan. Nagsalubong ang kilay ko. Sa ilalim?
“Sa ilalim?”
“Opo, sir. Sinisimulan na niya i-check ang mga bagong dating na sasakyan.” Sagot naman ni Jayson.
“Pero... Bakit siya ang nasa ilalim ng sasakyan?”
“Dahil mekaniko po siya,” agad naman na sagot ni Jeff kaya tinitigan ko ito. Mabilis na napalingon sa kaniya si Jayson dahil sa gulat. “H-Hindi po ba?”
I know! Tss. This man! Pero bakit hindi sila ang humiga sa ilalim?
Huminga na lamang ako ng malalim at nilampasan na silang dalawa.
Lumapit ako sa nasabing sasakyan at nakita ko nga ang kalhati ng katawan ni Kael. Naka bend ang isa nitong tuhod at isa naman ay prenteng nakalapat sa sahig.
Kung titignan ay parang lalaki ang nagmamay-ari ng kalahati nang katawan.
Mahina kong sinipa ang kanyang paa. Sobrang hina lang naman para malaman niyang tinatawag ko siya.
“Minion!”
Itinulak nito ang sarili na nakahiga sa creep mula sa ilalim ng sasakyan palabas kaya umusog ako ng kaunti. May suot itong gloves at may hawak na tools. May kaunting grasa na rin sa kaniyang pisngi. Naalala ko bigla nang una ko siyang nakita sa shop ni Darwin. Mas maamos nga lang siya noon.
“Oh?” parang lalaki nitong tanong.
“Bakit nandyan kapa sa ilalim?”
“Aba, malamang naggagawa! Alangan namang nagsa-sun bathing?” sagot naman nito.
Ito na. Kasisimula pa lamang sa trabaho mukhang magsisimula na rin ang sakit ng ulo ko sa babaeng 'to.
“I mean, lunch break na. Mabubusog ka ba sa ilalim ng sasakyan?”
“Kapag ininom ko siguro 'yung langis?”
“Kael.” Nauubusang pasensya na tawag ko sa kanyang pangalan. Nginitan pa ako!
Naupo ito at sumandal sa sasakyan. Ipinatong pa ang isang kamay sa kaniyang tuhod habang nakatingala sa akin.
“Alam mo, tatanda ka ng maaga.” Nakangiti nitong sabi. Nakakaasar 'yung ngiti niya!
Naghalukipkip ako. “At siguro alam mo kung bakit?”
“Oh! Ako na naman sisisihin mo e ikaw 'tong palaging galit.”
“Dahil hindi ka makausap ng matino.”
“Dahil hindi ka naman matino magtanong.”
Napapikit ako sabay buntong hininga. Palagi talaga siyang may rebat sa mga sinasabi ko. Iyon ang nakakainis sa babaeng 'to.
“Mag lunch kana.” Iyon na lamang ang nasabi ko. Nakatitig na ito sa akin. Naningkit ang mga mata nito.
“Huwag mo ako masyadong alalahanin. Hindi pa ako mamatay kung hindi ako kakain ngayon. Masyado kang concern sa akin.”
BINABASA MO ANG
Womanizer Series #2 : Crius Irvin Holt
RomanceHe's a womanizer, a bachelor car dealer, a racer, and a loving son to her mom. He met this girl mechanic who hates him, and he hates her. They are like cats and dogs when they see each other. Their eyes can electrify themselves once they meet. How c...