It's been three days since what happened. I mean... When Kael opened up about her life. I'm still waiting for her call if she changes her mind about working here. Pero wala. Kahit anino niya ay walang paramdam.
Napangiti na lamang ako nang maalala ko ang nangyari.
I hugged her...
Pagkatapos niyang umiyak ay nanahimik na lamang kaming dalawa habang pinapanood ang mga ilaw ng ilang minuto. Dahil malamig na ay nag-aya na rin siyang umalis.
“Uhm...”
Napatingin ako sa kaniya pagkasakay ko sa aking motor. Nakasakay na rin ito sa kanya habang hawak ang itim na helmet. Tumaas ang aking kilay, naghihintay ng kaniyang sasabihin.
“Salamat,” dugtong nito at ngumiti nang bahagya. Ilang segundo pa akong natigilan bago tumango, hindi alam ang isasagot.
Nang isusuot na niya ang kaniyang helmet ay ako naman ang nagsalita dahilan para hindi niya naituloy ang pagsusuot nito.
“K-Kael...” kinakabahan kong tawag. I feel like this is the first time I called her by her name.
“Oh?” maangas naman nitong tanong. Bumalik na agad siya sa dati. Tss. Kinabahan ako lalo.
“Uhm... B-baka magbago pa ang isip mo. Laging bukas ang Holt Garage para sa 'yo. Just give me a beep.“ Tinitigan ako nito na lalo lamang nagpakaba sa akin. “A-ano... D-delikado ka kasi sa shop ni Darwin lalo at mag-isa ka lang.” Napalunok ako matapos nun. Daig ko pa nag p-present sa conference room. Shit!
Ngumiti ito, “Sige, pag-iisipan ko. Una na ako, ha! Ingat ka.”
“S-Sige.”
Pero tatlong araw na, wala pa rin siya.
Napabuntong hininga ako at sumandal sa aking swivel chair.
“Ayaw yata talaga ako nun maging boss. Tss.”
Bumukas ang pinto at dumungaw si Justin.
“Sir—”
“Am I a bad boss, Justin?” I asked him randomly.
“P-po?” nagtataka nitong tanong at ilang beses kumurap-kurap.
“Kung masama ba akong boss? You know?”
Tinitigan pa ako nitong mabuti tila inaalam kung ako ba talaga ang kausap. Tss.
“What?”
“Po? H-hindi, sir. H-hindi naman. Bakit po?”
Naningkit ang aking mga mata. “Are you sure? Baka naman sinasabi mo lang 'yan para hindi ako magalit?” Pinagtaasan ko ito ng kilay at humalukipkip.
“B-Bakit parang may pagbabanta, sir?”
“What? No!” Agad kong ibinaba ang aking braso at naupo nang maayos.
Ngumiti ito at napakamot sa kaniyang sentido. “Joke lang po! Syempre po hindi. Hindi naman po ako magtatagal sa inyo kung masama kayong boss. Bakit nyo nga po pala natanong?”
“Uhm... W-Wala naman. Natanong ko lang. Teka—bakit ka nga pala nandito? May problema ba?”
Napatayo ito nang maayos at doon pa lamang naalala kung bakit sya nasa office ko.
“Oo nga pala! May tawag po mula sa Garage Holt, may applicant daw po roon ngayon.”
“And?” walang gana kong tanong. Bakit ako kailangan, e may sariling HR naman ang garage?
“Babae raw po at kayo ang hanap—”
“What?!” Agad akong napatayo. “Are you sure na babae ang applicant?”naniningkit na matang tanong ko.
BINABASA MO ANG
Womanizer Series #2 : Crius Irvin Holt
Storie d'amoreHe's a womanizer, a bachelor car dealer, a racer, and a loving son to her mom. He met this girl mechanic who hates him, and he hates her. They are like cats and dogs when they see each other. Their eyes can electrify themselves once they meet. How c...