Chapter 14

1K 34 4
                                    

“Hey! Hey, Minion!” Tawag ko rito habang naglalakad kami palabas nung race track pero hindi manlang ako nito nililingon.

“Ang ingay mo! Ano bang problema mo?” sagot nito habang nauuna sa akin maglakad. Ang liit liit pero ang bilis maglakad. Tsk.

“I'm asking you, are you Darwin's girlfriend?”

Bigla itong tumigil sa paglalakad kaya tumigil rin ako nang muntik na akong bumangga sa kanya. Bumuntong hininga pa ito bago ako harapin.

Humakbang ito ng isang beses dahilan para mas lumiit ang pagitan namin. Dahil maliit ito ay kailangan pa nyang tumingala at kailangan ko namang yumuko nang bahagya. Pero nang magtagpo na ang aming mga mata ay ito na naman ang pakiramdam ko, kinakabahan sa hindi malamang dahilan.

Ilang segundo itong seryosong nakatingin sa akin bago ngumiti ng kaunti, napalunok ako.

“Bakit ba interisadong interisado kang malaman kung girlfriend ako ni Darwin?” malumanay nitong tanong dahil sa sobrang lapit lang namin.

Hindi ako nakasagot pero hindi ko rin inalis ang tingin ko sa kanya.

Ang ganda ng singkit nyang mga mata...

“Kaya mo bang panindigan ang mga titig mo na 'yan?” tanong nito na nagpakurap sa akin.

“H-huh?”

Dahil sa naging reaksyon ko ay tumawa ito at humakbang palayo sa akin.

“Gandang-ganda kana naman sa 'kin, bossing!”

Napalunok ako at nagsalubong ang kilay, “w-what?!”

“Hindi vitamins ang ganda ko, huwag mong araw-arawing titigan.” Saad nito sabay tawa.

Minsan lang talaga sya tumawa nang ganito kapag magkausap kami kaya hindi ko maiwasan na mapatingin. Kaya lang ay hindi na mawala ang pagyayabang nya para lamang inisin ako. Naging hobby na nya talaga 'yon.

“Asa! Kung ikaw lang din naman ang vitamins, no thanks.”

“Ganda ko ang sinasabi ko, hindi ako. Ako ba mismo ang gusto mong gawing vitamins?” nakangisi nitong tanong.

“What the...” Lalo lamang itong tumawa dahil sa reaksyon ko. Nagbuntong hininga ako, nagpipigil ng inis. Ang hirap manalo sa isang 'to.

“Oh, sya, uuwi na ako at may trabaho pa bukas. Umuwi kana rin.”

“Wait,” pigil ko sa akma nitong pagtalikod sa akin. “Naka motor ka ba?” tanong ko.

“Oo. Huwag kang mag-alala may helmet ako sa motor ko.”

“Sinong nag-aalala? Tss.” Pilit nyang pinipigilan ang kanyang tawa.

“Hindi ka nag-aalala. Sino nga bang may sabi na nag-aalala ka? Dahil wala akong suot na helmet kanina sa race? Dahil delikado at wala akong suot na kahit anong gear? Syempre hindi ka nag-aalala, ano ka ba!” sarkastiko nitong sabi sabay yuko, nagpipigil ng tawa.

“Ewan ko sa 'yo! Uuwi na ako, bahala ka sa buhay mo!” inis na sabi ko.

Sa pagtalikod ko ay doon ko na narinig ang halakhak nito. Natigilan ako at gusto sana syang panoorin sa paghalakhak pero pinigilan ko ang sarili.

“Ingat, bossing!” She shouted. Feeling ko nakangiti pa rin ito.

Nagbuntong hininga na lamang ako at napapailing na umalis.

That woman. She can make me annoyed in every conversation. But I can't deny that I want it if we had a little fight. I feel like she can't make me seriously mad at her with her silly attitude.

Womanizer Series #2 : Crius Irvin HoltTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon