“Ito na ba ang lahat ng sasakyan na inorder natin?” tanong ko.
“Yes, sir.” Sagot naman ni Justin na nakasunod sa aking paglalakad habang isa-isa kong tinitignan ang bagong dating na mga sasakyan.
“May mekaniko na ba na naka duty para i-check ang mga ito?”
“Ahm...”
Natigilan ako sa paglalakad at tinignan si Justine na bigla namang yumuko.
“What? Is there any problem?”
“Sir, busy po ang lahat ng mekaniko natin kaya hindi pa po nila matignan ang mga bagong dating na sasakyan.”
I closed my eyes and held the bridge of my nose and sigh deeply.
Oo nga pala. Maraming naka line up at maraming schedule for PMS ngayon. Kulang na kulang talaga kami sa mekaniko rito sa garage.
“Sige. Ako na ang bahala. Bumalik kana sa office at i-check mo kung may mga kailangan pa ba akong pirmahan. Ako na ang bahala rito sa Holt Garage.”
Yumuko ito nang bahagya, “Sige po, sir. Mauna na po ako,” sabi nito at tumango lamang ako bilang sagot.
Ilang mekaniko na ang sumubok na magtrabaho rito pero hindi naman pumasa sa standard na hinahanap ko at ng mga mekaniko rito. Kagaya ko, ang gusto nila ay 'yung hindi baguhan sa ganitong trabaho, mabilis kumilos at syempre 'yung maraming alam sa sasakyan.
Natigilan ako. Isang tao lang ang pumasok sa isip ko na may ganoong kakayahan. Kaya lang... Mataas pa sa kanya ang pride nya kaya nahihirapan akong kumbinsihin. Tss. Lalo na kung nakatangkad ang minion na 'yon! Lalo na siguro 'yun nag-inarte.
Chineck ko ang phone ko kung may unknown number manlang ba na nagtext pero wala. Puro text lamang ng mga kaibigan ko.
“Tss. Hindi ba talaga magbabago ang isip nya?”
Napailing na lamang ako at muling itinago ang aking cellphone.
Nang mga nakaraang araw ay madalas kong samahan at kumustahin si Kurt. Mahirap na. Baka mamaya bigla na lamang mautas ang isang iyon dahil iniwan nang hindi naman niya naging girlfriend. Tsk.
Kidding aside, naaawa na rin naman ako sa kaibigan ko na 'yon. Oo at nakikipaglandian na sya ulit sa ibang babae pero makikita mong may nag-iba. Parang nabaguhan sya. Parang napipilitan na lamang sya. Ginagawa na lamang nya siguro 'yon para makalimot. Makalimutan kahit papaano na nasasaktan sya. I hope he can handle this one and get through it. It's gonna be hard, but I know he can.
Kinabukasan ay tanghali na akong nagising. Dahil linggo naman at walang trabaho, naka off ang alarm ko at hindi rin ako pinapagising ni Mommy dahil nga rest day. Buong team and workers ay day off ng sunday. Ibinigay ko ang araw na iyon para naman makaroon sila ng time sa kanikanilang pamilya. They deserve a break.
“Where are you going?” my mom asked.
Dala ang susi ng aking big bike at helmet, naabutan ko si Mommy sa sala habang nagkakape.
“Short ride lang, Mom.”
“Mm... Okay. Ingat sa pagda-drive, okay?”
I nodded and approached her to kiss her forehead. “Yes po.” Sabi ko pa bago lumabas ng bahay.
Lumapit ako sa malawak na garahe namin at tinanggal ang nakabalot sa aking motor. My red Ducati Superleggera V4. Kahit two years na sya sa akin ay parang bago pa rin dahil madalang ko na lamang magamit.
I decided that I would stop by Cassian's bar first before continuing on the short ride even though there was no planned place to go.
Nang inabot ako ng stop light ay may tumigil na big bike sa tabi ko. Ducati rin ang motor pero kulay itim. Mula sa motor ay umangat ang aking tingin sa driver nito. Naka hoodie na black, naka cargo pants na itim at itim na helmet. Sa suot nito ay hindi mo makikilala kung sino ang driver at hindi malalaman kung babae ba o lalaki ang driver. Pero sa tingin ko sa kanyang porma ay lalaki ito.
BINABASA MO ANG
Womanizer Series #2 : Crius Irvin Holt
RomanceHe's a womanizer, a bachelor car dealer, a racer, and a loving son to her mom. He met this girl mechanic who hates him, and he hates her. They are like cats and dogs when they see each other. Their eyes can electrify themselves once they meet. How c...