YUNG pakiramdam na parang tinutunaw ka sa kanilang mga titig. Mga matang may sinasabi,sumisigaw ng 'andito na naman ang salot sa lipunan!'. Kung nakakamatay lang talaga ang kanilang mga tingin ay baka kanina pa ako naka bulagta.
May mga naririnig rin akong mga bulong-bulungan na kulang nalang ay isigaw. Bulong kuno pero naririnig ko naman. Mga tagahanga kong kapitbahay na hindi kompleto ang kanilang buhay kung hindi ako ma-husgahan. Sabi ko nga kung sino yung mga kontrabida sa buhay mo,sila yung mga die hard fan mo.
Hindi na bago sa akin ang mga ganitong kaganapan kapag umuuwi ako. Nasanay na ako sa mga kapitbahay ko. Sila lang itong hindi sanay sa akin.
"Andito na naman ang haliparot,kailangan ko na talagang ipapunta sa ibang bayan si Junjun!" Matakot ka! Baka mamaya o bukas ay tumira sa kipay ko yang Junjun mo.
"Yun ngang asawa ko,pina-abroad ko na,"huli ka na,bago mo pa pina-abroad yung asawa mo ay nakipag jack 'n poy pa yun sa akin.
"Bakit ba kasi ay hindi pa umaalis yang pukpok na 'yan rito sa barangay natin,nagdudulot lang s'ya ng kamalasan!" Grabe ka naman 'te,hindi ko naman kasalanan kung minalas ka sa kagandahan.
"Like mother,like daughter talaga. Mga pukpok!" Makapagsalita 'to para namang yung anak niya ay hindi pinagsaluhan ng iba't ibang mga lalaki.
"Tama nga talaga yung hula ko noon na magiging katulad lang rin siya ng kanyang ina na sawsawan ng bayan,"tama rin yung hula ko 'te na kabet mo yung kapatid ng asawa mo. Sana mahuli ka nang mapatay ka ng asawa mo!
Sari-saring usapan. Hindi ko na pinakinggan pa. Nagpatuloy na lamang ako sa paglalakad. Sabi ko nga,sikat ako rito sa barangay namin. Mga tao na kapwa ang pinag-iinitan kasi hindi nila kayang husgahan ang kanilang sariling baho. Malinis daw sila,sobrang linis. Yung luluhod sila sa simbahan tapos paglabas nakikichismis na naman. Nakakatawa talaga tayong mga tao.
Minsan lang ako umuuwi rito kasi madalas ay sa apartment ni Mia ako tumatambay.
Sa labas palang ng bahay ay naririnig ko na ang sari-saring mga boses. Sa tingin ko ay nagpa-sugal na naman ang butihin kong ina.
Maliit lang yung bahay namin. Kalahating semento,kalahating kahoy. Luma narin,nagkabutas-butas na nga yung dingding.
Bago ko pa man mabuksan ang pinto ay bumukas na ito at iniluwa ang isang babae na kasing tangkad ko lang pero hindi kasing ganda ko dahil mas maganda ako. Umawang ang mapula nitong labi ng makita ako.
Parang hindi ata siya masaya na makita ako,marahil ay nalalamangan ko ang kanyang ganda. Kapatid ko siya sa ina,isang taon lang ang agwat namin. Mas matanda ako sa kanya ng isang taon pero mas mukha naman akong bata.
"Umuwi ka pa,"sabi niya at tinalikuran ako.
"Malamang,bahay ko rin 'to,"pumasok na ako sa loob.
Nakita kong maraming nag susugal rito sa loob. Nangangamoy sigarilyo ang bahay.
May mga napapatingin sa akin. Sanay na ako,maganda ako e. Nagpatuloy na ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang aking silid pero bago pa man ako makapasok ay may narinig akong ungol mula sa kabilang kwarto.
Napa-iling ako. Hindi lang pala pasugalan 'tong bahay namin,ginawa naring motel.
Tumuloy na ako sa aking silid. Isang maliit na kwarto na may maliit na kama sa gilid na kasya lamang ang isang tao. Isang aparador para sa mga damit at isang maliit na mesa sa tabi,ito yung study table ko noong nag-aaral pa lamang ako.
Binuksan ko yung bintana upang pumasok ang liwanag ng araw. Nakapamewang akong inikot ang tingin sa bawat sulok ng kwarto. Walang aircon kundi isang lumang electric fan lang. Malinis naman ang aking kwarto,kahit maliit ay hindi naman magulong tignan.
YOU ARE READING
Slut ( ONGOING 2024-2025)
RomanceWARNING‼️ This book is forbidden below 18 years old. Babaeng mababa ang lipad ang tawag sa kanya,pukpok sa maikling salita. Maria Ella Emilo a.k.a Elay-siya'y nagtatrabaho sa isang club bilang isang babaeng parausan. May pag-asa pa kayang maahon si...