TATLONG oras na ang lumipas simula nang makarating ako rito sa bahay ni sir Gabriel,nakilala ko narin ang anak niya na si baby Abriallena—isang taong gulang na babae.Buti at isa lang ang anak niya,'di ako mahihirapan sa pag-aalaga.
Sa laki ng bahay ay isa lang ang katulong niya rito,si manang Rosa na tantiya ko ay nasa sekwenta na.
"Inday Elay,tapos kana ba sa pag-aayos ng mga gamit mo?" Bungad sa akin ni manang Rosa ng pumasok ako sa loob ng kusina.
"Opo,"nagsalin ako ng tubig sa baso at ininom iyon. Nang ibaba ko ang baso sa lamesa ay tiningnan ko si manang Rosa na abala sa pagluluto ng hapunan.
"Matanong lang kita manang,bakit walang ibang katulong rito bukod sa'yo? Ang laki ng bahay,"lumingon siya sa akin sandali.
"Ayaw ni dodong Gab ng maraming tao sa bahay,"sagot niya. Ay ganun?
"Manang,may tanong pa ako. Saan na pala ang asawa ni sir Gabriel?" Sana naman sagutin mo manang ang tanong ko,curios lang ako e.
"Naku inday hinaan mo yang boses mo baka biglang dumating si dodong Gabriel at marinig ka,ayaw niyang pinag-uusapan yung tungkol kay madam Allena," a kaya pala Abriellena ang pangalan ni baby kasi Gabriel at Allena. Perfect combination!
"Ay sorry na po manang,curios lang po ako. Sabihin niyo na po..."halos pabulong na yung boses ko. Suminyas siya sa akin na lumapit ako sa kanya at agad naman akong lumapit.
"Sumama sa ibang lalaki,"mahinang sabi niya. Tumango ako. Kaya pala. Sumilay naman ang ngiti sa aking labi nang mapagtanto ko na hindi ako magiging dahilan ng pagkasira ng pamilya nila dahil sira na pala. At kaya pala naghahanap ng sex partner si sir Gabriel kasi wala na ang Allena'ng magpapaligaya sa kanya. Sumama na sa ibang talong,kawawang sir Gab but it's ok dahil andito na ako para serbisyohan siya. Pero ano naman kayang nalunok ng Allena na yun at talagang 'di pa nakuntento kay sir Gab. Malamang Elay, talong rin ang nalunok nun!
"Sayang naman pala kung ganun. Nakaka-awa yung bata,pinagkaitan ng isang masayang pamilya," komento ko.
"Yun nga e inday, naaawa ako sa bata,"aniya manang.
Nagkwentuhan pa kami ni manang sandali. Nagtatanong ako tungkol sa mga dapat kong gawin rito sa bahay kahit na alam ko naman kung ano yun. Ang pinaka main job ko talaga ay ang pag-aalaga sa bata at syempre ang pagiging fuck buddy ni sir Gabriel. Natapos ang pag-uusap namin ni manang Rosa ng marinig kong umiiyak si baby Ria.
Gising na pala si baby. Dali-dali kong pinuntahan sa kanya silid at tarantang kinarga ito sa aking bisig. Medyo mabigat kasi may pagka-chubby siya.
"Tahan na baby,"tinatapik-tapik ko ng mahina ang kanyang pwetan habang dinuduyan sa aking bisig. Ganito ang nakikita ko sa YouTube. Tumahan naman siya at maamong tumitig sa akin. Parang kinabisado niya ang mukha ko." Yeah I know baby,maganda ako,"hinawakan ko ang maliit niyang kamay.
Ang cute niya,nakakagigil ang kakyutan. Namana niya mula sa kanyang ama ang kulay berdeng mga mata. Hula ko'y ang gandang babae nito paglaki. She looks like a baby doll. Maganda rin siguro ang mama nito.
Hiniga ko siya sa kama at nilaro. She's giggling when i tickle her little feet.
"Bah!" Tinago ko ang aking mukha sa dalawa kong palad at ginulat ko siya. Tumawa lang siya. Nakakagaan ng damdamin ang pagtawa niya. Yung pakiramdam na makita mo siyang masaya ay masaya ka narin. Parang ganun.
Napatakip ako ng ilong ng may maamoy akong mabaho. Amoy tae. Nanlaki ang mga mata kong nakatingin kay baby Ria. "Tumae ka?"
Nataranta ako.Hinubad ko ang suot niyang pajama at sinilip ang kanyang suot na diaper. Tumae nga. At mukhang basa pa yung tae niya.
YOU ARE READING
Slut ( ONGOING 2024-2025)
RomanceWARNING‼️ This book is forbidden below 18 years old. Babaeng mababa ang lipad ang tawag sa kanya,pukpok sa maikling salita. Maria Ella Emilo a.k.a Elay-siya'y nagtatrabaho sa isang club bilang isang babaeng parausan. May pag-asa pa kayang maahon si...