"ANG kyut mo talaga baby,"pinisil ko ang matambok niyang pisngi. Nakakagigil talaga ang kanyang kakyutan. Andito kami sa may harden ng bahay nakaupo habang naka patong naman sa hita ko si baby Ria.
Wala naman siyang pake sa panggigigil ko sa kanyang chubby face dahil abala siya sa paglalaro sa kanyang maliliit na mga kamay. Naglalaway na nga e. Ginawa niyang lollipop yung kamay niya at hinayaan ko na muna.
One week na rin ako rito. Medyo nasanay na sa pagiging buhay nanny kay baby Ria. Pakiramdam ko nga ay pwede na akong maging mommy...charot lang! Sabi nila masakit raw ang manganak,pupunitin raw ang kipay mo kaya it's a no! Pasarap muna tayo sa buhay...
As a sex partner ni sir Gabriel ay madalang lang kami mag jugjugan kasi abala siya masyado sa work niya,madalas ay malalim na ang gabing umuuwi siya at pagod pa kaya 'di na makasingit ang kipay ko. Napag-alaman kong CEO siya sa isa sa kompanya ng kanilang pamilya. Bahala na kung madalang pero atleast natitikman ko siya at natitikman niya ang kipay ko.
"Parang balak mo atang maligo sa sarili mong laway,baby a,"kumuha ako ng panyo at pinahiran ang mga tumulong laway sa dibdib niya pati narin ang kanyang mukha't kamay.
Yung tungkol sa mommy ni baby Ria ay hindi ko pa nakikitang bumibisita rito. Nauntog ata ang babaeng yun at nawala na sa isipan ang kanyang anak. Sa totoo lang ay naaawa ako kay baby Ria,I know the feelings na galing sa broken family, ang hirap.
"Inday Elay,hali na kayo rito naghanda ako ng meryenda!" Sigaw ni manang Rosa mula sa loob ng bahay. Speaking of meryenda ay pinakiramdaman ko ang aking sikmura,gutom na ako.
"Baby,tayo na sa loob,"nakatitig lang siya sa
akin habang sangal na naman sa bibig niya yung mga daliri niya,pinisil ko yung ilong niyang kyut. Ang kyut ng baby doll ko."Oy! Ang sarap naman niyang hinanda mong meryenda manang Rosa,pinaypay na saging,"inamoy ko na muna bago nilantakan. Ang bango at ang sarap. Ngumiti lang si manang Rosa habang kumakain din.
Andito kami sa may sala kumakain. Si baby Ria ay nilapag ko na muna sa sahig na may sapin,abala siya sa paglalaro ng staff toys niya.
"Ang ganda niyang bata 'no?" Tanong ni
manang Rosa habang nakatitig kay baby Ria."Ah oo,mukha siyang buhay na manikang sanggol."
"Hawig na hawig siya sa kanyang ina,yung kulay lang ng mga mata ang namana niya sa ama,"a talagang maganda ang mommy niya kung ganun.
"Matanong lang kita manang,ano yung buong kwento tungkol sa ina ni baby Ria at kung bakit walang awa niya 'tong iniwan?" Nag ala marites na naman ako. Curious lang ako,ano ba.
Bumuga siya ng hangin. Parang pinag-iisipan niya pa kung ano ang kanyang sasabihin at kung dapat ba niyang sabihin.
"Sa pagkakaalam ko lang ay hindi sila masaya ni dodong Gabriel,yun ang napapansin ko sa relasyon nila. Palagi silang nag-aaway,maldita rin kasi yung si madam Allena. 'Di ko nga alam kung bakit natiis ni dodong yung ugali ng babaeng iyon sa loob ng ilang taon. Matapos niyang isilang si Ria ay para niyang basurang iniwan ang dalawa. Napag-alaman ko nalang na sumama na pala sa ibang lalaki,"ramdam ko yung lungkot sa boses ni manang Rosa. "Kahit hindi man sabihin ni dodong ay ramdam ko kung gaano siya nasaktan sa nangyari. Ako rin naman ay nasaktan, naaawa sa kanilang mag ama,"dugtong pa ni manang.
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot sa mga sinabi ni manang Rosa. Naaawa ako kay sir Gabriel,naaawa ako kay baby Ria. Nakaramdam ako ng inis sa Allena'ng iyon. Kung ano man yung rason niya at kung bakit sumama siya sa ibang lalaki ay mali parin yung ginawa niya. Ang liit pa nung anak niya,sanggol pa nung iniwan niya. 'Di man lang siya naaawa kahit sa anak man lang niya. Kahit pukpok ako ay alam ko ang ganyang pakiramdam, ang maiwan. Masakit ang maiwan. Masakit ang walang buong pamilya tapos 'di pa kayo masaya. I feel it,paano nalang kaya pag lumaki na si baby Ria. Yes,mayaman ang dad niya at lahat ng kagustuhan niya ay mabibili at may mga taong minamahal siya pero dadating rin ang araw na hahanap-hanapin niya parin yung isang masayang buong pamilya na kasama ang ina't ama. Hahanapin niya ang pagmamahal ng mga magulang.Ang hirap kaya magkaroon ng isang broken family.
YOU ARE READING
Slut ( ONGOING 2024-2025)
RomanceWARNING‼️ This book is forbidden below 18 years old. Babaeng mababa ang lipad ang tawag sa kanya,pukpok sa maikling salita. Maria Ella Emilo a.k.a Elay-siya'y nagtatrabaho sa isang club bilang isang babaeng parausan. May pag-asa pa kayang maahon si...