NAKATINGIN ako sa labs ng bintana habang prenteng naka upo rito sa loob ng taxi. Alas sais na ng hapon at papunta na ako ngayon sa tinatrabahuan kong club. Nakasuot ako ng fit na red dress, hanggang tuhod ang haba nito at medyo lantad sa may dibdib. Kahit papaano ay medyo malusog parin naman tingnan ang dalawa kong melon. Nakalugay ang aking buhok na curly sa dulo. Naka light make-up rin ako, hindi na kailangan pa ng makapal na pinta sa mukha kasi natural ang ganda ko. Nakasuot rin ako ng pulang takong na terno sa suot kong dress. Sa maikling salita ay maganda ako at sexy pa.Medyo madilim na sa labas, nagsibukas na ang mga ilaw sa paligid. Ang gandang tignan,nagmistulang mga bituin ang ilaw sa mga gusali.Mabuti't hindi traffic ngayon.
Binuksan ko yung phone ko at nag log in sa facebook. Gusto kong libangin ang sarili habang nasa byahe para hindi ako makatulog.
Andami kong notification na natanggap. Marami ring nag send ng friend request sa akin ,karamihan ay mga arabo. Binuksan ko ang inbox ko ng makatanggap ako ng anim na mensahe. Puro mga parokyano lang naman ang nag chat. Binalik ko nalang sa home at nagbasa-basa ng mga post,karamihan ay mga hugot sa buhay.
"Ma'am,narito na tayo,"sabi ni manong driver at hininto ang sasakyan sa harap ng isang building.
Tinago ko ang phone ko sa bag at kumuha ng bayad sa pitaka ko. Inabot ko yung bayad kay manong at bumaba na sa sasakyan.
I took a deep breathe. Pinasadahan ko ng tingin ang building bago ako pumasok. Bumati sa akin ang isang bouncer na si Maloy,nginitian ko naman siya at bumati rin pabalik.
"Goodnight too,sila Gigi?" Tanong ko kay Maloy,ang tinutukoy ko ay ang kapwa kagaya kong pukpok.
"On duty,kasama ang isang parokyanong arabo sa VIP room,"walang pag-alinlangan niyang sagot.
Tumango ako. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Medyo kaunti pa ang mga tao rito sa club,mamaya-maya nito ay dadami rin. Karamihan sa mga pumupunta rito ay may pangangailangan na kipay lang ang katapat.
It's been four years,apat na taon na akong nagtatrabaho rito. Sa apat na taon ay hindi ko na mabilang ang mga lalaking dumaan sa akin. No hard feelings,trabaho lang. Ni minsan ay hindi ako na fall in love sa mga naging customer ko. Nagwapuhan,oo. Normal lang naman ang humanga lalo na't gwapo tas matcho. May naging boyfriend ako,isa pero n'ong kabataan ko pa yun back when I was in highschool.
Mahabang kwento kung bakit ako naging ganito at kung bakit ganitong trabaho ang napili ko. Ang maging pukpok.
"Mabuti at andito kana,Elay,"si Bernadette na lumabas galing sa isang kwarto. Galing ata sa giyera ang babaeng 'to,magulo ang buhok at gusot ang suot na damit.
"Mabuti at nakatayo ka pa,"sabi ko.
"Anong akala mo sa akin?Yakang-yaka ng epep ko ang kahit anong naglalakihan at naghahabaang kargada,"mayabang talaga ang babaeng 'to,"s'ya nga pala kanina ka pa hinahanap ni madam. "
"May iba pa bang sinabi?"
"Ay puntahan mo nalang sa opisina niya,mukhang may panauhin nga yun,"sinusuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang daliri.
Iniwan ko na s'ya at naglakad patungong opisina ni madam. Ano naman kaya ang kailangan nun?
Malayo palang ako ay tanaw na ako ni madam na may malapad na ngiting naglalakad papalapit sa akin. Bilib rin ako sa pang-amoy nito.
"I've been waiting for you,Elay,"hindi parin mawala sa labi niya yung ngiting abot tenga. Anyare sa baklang 'to? Nanalo ba s'ya sa lotto kaya ganyan siya maka ngiti,ngiting aso.
"Ano ba kasi yun madam?" Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.
"Malapit nang mag bago ang takbo ng iyong buhay,Elay. Tanggal kana sa trabaho,"nagulat ako sa huli niyang sinabi.
YOU ARE READING
Slut ( ONGOING 2024-2025)
RomantizmWARNING‼️ This book is forbidden below 18 years old. Babaeng mababa ang lipad ang tawag sa kanya,pukpok sa maikling salita. Maria Ella Emilo a.k.a Elay-siya'y nagtatrabaho sa isang club bilang isang babaeng parausan. May pag-asa pa kayang maahon si...