Chapter 11

7 0 0
                                    

Update!!!!

Jhyro Luna

Matalino at marunong kumilatis ng Tao, marunong maglaro ng baseball at isang captain ito. Ngunit sa kabila ng taglay nito ay may Karaang matagal niya ng ibinaon sa hukay.

Ash POV

"Ano nanamang tong pinang gagawa mo Ash ha?" Nagagalit na wika ni mama habang nakayuko lamang ako sa counter ng kusina. "Sorry Po ma"

Kakauwi lang namin galing principal office at oo nakakainis nahuli pa talaga kaming dalawa ni Rain.

Alang hiya rin ng saltik na yun eh. Nasama pa talaga ako sa gulo niya. Nagiging dragon na si mama oh!

Buti nalang hindi kami na suspend. Parusa lang naming dalawa ay maglinis ng mga banyo after class.

After class pa talaga!

"Pinapaaral kita ng mabuti tas ganyan Lang isasauli mo sakin!" Napayuko naman ako lalo ng ulo ko. "Nakakahiya Kang bata ka!"

Napakuyom na lamang ako saking kamao at napatahimik na lamang. "Kong ganito lang naman mapapala ko sayu bat kapa nag aral!"

sorry

"anong napala mo? at ano yung ginagawa mo sa principal office?! wag monng sabihin nag nakaw ka dun!" napatingin ako kaagad sa kanya "h-hindi po"

Sinampal niya ako bigla saking pisnge dahilan Para mamula ito. Ramdam na ramdam ko ang mala kuryenteng sakit na dumadaloy mula saking pisnge.

Hindi naman ako nakapagsalita dahil doon "SABIHIN MO ANG TOTOO ASHVILLE!"

Napahawak naman ako sa aking pisnge at tumingin sa kanya "Ma. Hindi po ako nagnakaw I sweat. Ano po ba ang akala niyo saaking magnanakaw?"

Nagsalubong ang kilay nito at mangiyak ngiyak na lamang ako ng pingutin niya ang aking tenga "at  sumasagot kapa!" mas lalo niyang hinigpitan ang kapit saking taenga habang pilit akong nagmamakaawa sa kanya

"ma"

"ma tama na po"

"ma" ramdam ko ang dugong pumatak galing sa aking taenga at ang pagdidilim ng aking paningin.

"MA!" Rinig kong malakas na sigaw ni kuya kasama nun ang pagtakbo niya papalapit saakin.

Kaagad na binitawan ako ni mama at kasabay nun ang pagtumba ko sa sahig "ma ano nanaman po yung ginawa niyu kay Ash?" kasabay nun ang pag alalay niya saking makatayo.

"Yan, dahil kasi palagi mong kinakampihan yang si Ash nayan. GUMAGAWA NA SIYA NG MASAMA AT NATOTO PANG MAGNAKAW!" Napatakip na lamang ako saking dalawang taenga habang nag aaway sina kuya at mama.

ayaw ko

tama na

natatakot na ako

papa...

Natatakot na ako

Bigla ko na lamang naramdamang natumba ako at unti unting dumilim ang aking paningin.

........................

Nagba-bike ako papuntang school nanaman. Tingin dito at tingin roon ang ginagawa ko. Baka kasi may hahabol namaman saakin. Mahirap na ayaw ko nanamang masangkot ulit.

Lunes nanaman kasi, parang 5 minutes lang yung kahapon. Parang ang dali nga lang ng tulog ko eh, yung feeling na isang tulog lunes agad.

Nagpatuloy lamang ako habang nakasimangot ng biglang may sasakyang pumarada sa gilid ko.

He's A She And Her Seven BullyWhere stories live. Discover now