Chapter 4

16 4 1
                                    

Let the game started

Would she survive the Thevedell ways? Or not?

Ash POV

Agang-aga. Nakakainis natatae ako.

Ito ako ngayun nayayamot habang nakatingin sa bintana. Feeling main character kasi ako ngayun kahit hindi maganda ang tanawin.

Isang simpleng babae na nag undercover bilang isang lalaki.

Napapabuntong hinga na lamang ako, walang makikita sa labas kundi mga puno lamang, at mga nakatambak na basura.

Bat kasi nasa liblib pa nakalagay classroom namin? Pinag iinitan ba kami dito? ang g-gwapo ng mga kaklase ko oh? asan hustisya namin?

Isinandal ko na lamang ang ulo ko sa bintana. Natatae na nga at naantok na din.

Hindi na ako nakatulog kagabi, sa mga pinag iisip ko. Dahil na rin sa nabasa ko kagabi. Abah nadamay pa talaga ako sa mga kalokohan nila.

Sinong tarantado kaya sumulat nun? at kamusta na kaya yung may saltik sa ulo na Seth na yun? buhay pa siguro yun.

Bigla namang tumunog ang bell sa kabilang building. Sunog yata chariz

Hindi pa naman recess bat tumunog na yun?

Sa main building lang tumutunog ang bell at abot dito ang tunog. Napapaisip tuloy ako kong bakit nasa liblib kami at bakit parang takot , pati parang may galit ang mga teachers samin.

Napatakip ako bigla sa aking mga mata ng magsimula silang magsipag tanggal ng kani-kanilang damit at pantalon. AY wait ang abs!

Gago? Anyare?

"Bat ka napapatakip ng Mata mo diyan?" Sabi naman ng lalaking na sa hinala ko ay nasa harapan ko.

Napalunok naman ako sa aking sariling laway "E-eh malamang. N-naghuhubad k-kasi kayu ng inyung mga damit. Sa harapan ko pa talaga. Wala bang banyo dito? hello?"

Natawa naman ito sa aking itinugon "PE kasi at syaka naman ay normal Lang maghubad ang mga lalaki. Lalaki ka rin naman kaya pwede na yun" Sagot nito. "Maliban nalang kong babae ka"

Ay gsgi Oo nga pala.

Kaagad Kong tinanggal ang kamay sa aking mukha " Babae? Ako? Lalaki kaya ako at syaka san ka nakakita ng lalaking ganito kagwapo tulad ko?-" napatigil ako ng makita ang abs nito.

Taka nga lang. Siya yun. Yung lalaking nakasuot ng glasses na basag sa ospital kagabi. "Clyden Mateo Santiago." Pagpapakilala nito saakin sabay na iniabot ang isang damit.

"Bago ka palang dito kaya yan muna suotin mo" ngumiti ito ng malawak dahilan Para mas lalong gumwapo ito.

Kong babae lang Sana ako ngayun. Tiyak na maiinlab na ako eh.

Kaagad Kong kinuha iyun at tumungo sa banyo upang magbihis.

Malamang babae ako eh. Pagnaghubad ako sa harapan nila malalaman nilang isa pala akong babae na nagpanggap na lalaki.

He's A She And Her Seven BullyWhere stories live. Discover now