Napapa-iling na lamang ako habang nakatayo sa harapan ng kwarto ni kuya, nagdadalawang isip pa rin akong kumatok. Pero kailangan ko talagang malaman kong anong nangyari sa kanila.
Kanina pa, hindi mawala wala saking isipan ang nangyari. Kong paano sinubukan ni Jacob magpakamatay nang dahil lamang sa akin.
Dahil lamang sa pesteng picture na yun!
Kailangang malaman ko na rin kong bakit galit na galit sila saakin. Lalong-lalo na si Clyden, bat saakin nila binubuga yung galit nila na hindi ko naman ginawa.
Kumatok ako ng tatlong beses, hindi ko alam bat kinakabahan ako. Bumukass naman ito at nakita kong kakatapos pa lamang maligo ni kuya.
Nagulat pa ito ng makita niya ako sa harapan niya "Oh? Ash may kailangan ka ba?" Napalunok naman ako saking sariling laway "May itatanong lang po sana"
Napataas naman ang kilay niya at ngumiti "pasok" turan niya na sinunod ko naman. Kinakabahan naman akong pumasok sa loob.
Ito kasi ang first time kong maka pasok sa loob ng kwarto ni kuya, hindi din ako nakapasok noon dahil pinagbabawalan ako ni mama.
Napamangha na lamang ako sa kong gaano kaganda ang kwarto ni kuya, partida subrang linis din. Meron rin itong gaming room na nakita ko dahil sa maliit na bukas ng pintuan.
Bongga naman neto! nahiya kwarto ko sayu!
Sadyang malaki talaga ang kwarto ni kuya keysa sa kwarto ko.
"'Hintayin mo lang ako dito sa kwarto tatapusin ko lang yung pagliligo ko" Napatango naman ako sa sinabi niya kasabay nun ang pagpasok niya sa loob ng banyo.
Umupo naman ako sa malambot na foam ng higaan niya at nagpalinga-linga sa paligid. Maraming anime poster na nakadikit sa dingding, hindi rin maipapagkaka-it ang mga collection ni kuya sa mga figurine. "mahilig pala si kuya sa anime?"
Naisipan ko naman mag explore sa kwarto niya dahil na rin sa pagkakayamot. Pumunta ako sa study table niya malapit lamang sa kama, na mayroong katabing maliit na bookshelf.
"Ang linis" Sambit ko sa aking sarili. Nakita ko namang nakabukas ang drawer nito at tila may roong maliit na picture frame, baliktad ang pagkalagay dahilan para hindi ko makita ang larawan.
Dahil sa aking pagtataka ay pinulot ko ito. Napangisi naman ako ng makita si kuya na nakahakbay sa isang magandang babae sa picture.
At sino namang magandang babae ito?
Napataas naman ang kilay ko nang makita ang pitong pamilyar na mga lalaki sa likuran na may hawak hawak na ice cream.
Sina Rain ba toh?
Nakasimangot si Rain sa litrato habang naka akbay sa kanya si Jhyro, napapatawa na lamang ako ng mahinna sa mga mukha nila. "Pati ba naman sa litrato ang sungit mong tingnan?"
Pero hindi pa rin maipapagka-it na kahit ganun ang kuha ni Rain ay subrang gwapo niya pa din. Sungit naman!
Pansin ko rin yung mga saltik na kasama sa kanila, magkatabi sina ni Lucas at Jacob, pati na rin si Kaisher na naka peace sign pa.
May isang gwapong lalaki sa unahan ni Kaisher at first time ko lang siya nakita. Wala naman siya sa section namin
Si Clyden na masaya ang ngiti sa larawan, si Seth na dinidilaan ang natutunaw na ice cream at si Theo na may roong kaakbay na babae sa kanyang tabi.
May pagkahawig ang mukha ni Theo at ng katabi nito, nagtaka naman kaagad ako ng dahil dito.
Mayroon palang kapatid na babae si Theo?
YOU ARE READING
He's A She And Her Seven Bully
RomanceA story where love is seek, in a person it speaks. As she joins her new school will she form a bond with them? Or something messy will happen? Love is forbidden so it kept hidden. "He's a man and I'm a man. We can't be together " A new family is for...