Chapter 1

36 5 2
                                    

Ash POV

Isang araw nanaman kong saan magsisimula muli ang buhay ko. Ngunit pakiramdam ko parang ang sakit ng ulo ko.

Madilim ang paligid.

Asan ako?

Masakit ang lalamunan ko at ang hirap huminga parang ako'y sinasakal.

Natatakot na ako.

Ano ang nangyayari?

May dugong pumatak sa aking maputlang ulo.

Hindi ko alam kong saan ito galing o kanino ito.

D-dugo?

Ano ang nangyayari?

Pakiramdam ko nahuhulog ako sa walang katapusang madilim na butas.

Katapusan Kuna ba?

Napatingin ako kaagad sa aking kamay, unti-unti itong napupuno ng dugo.

Aking dugo.

Gusto ko namang mawala pero gusto ko pang mabuhay kasama sila...

May imaheng nagpakita saakin. Imahe ng mga taong hindi ko kilala.

Kay bilis at kay bagal ang kilos ng image. Tila ba'y pinapakita nito ang aking memorya.

Memoryang hindi ko alam kong totoo hindi ko kilala ang mga taong pinapakita nito.

Ngunit Tila ba pakiramdam ko ay naging parti sila ng buhay ko. Pero Sino sila?

Mukhang masaya ako nung nakakasama ko sila. Bakit ganun?

May imaheng huling pinakita saakin. Isang imaheng may ngiti ng isang lalaki na masaya.

Subrang saya.

Subrang saya niya at para bang abot langit na ang mga ngiti nito.

Naramdaman ko ang pagpatak ng aking luha at kirot na galing sa aking puso.

Kasabay nun ang pag gising ko sa walang katapusang panaginip.

"Nak gising kana bah?"

Napabangon ako sa aking higaan kasabay nun ang pagbukas ng pintuan ng kwarto.

Si mama...

Lumaki ng husto ang aking dalawang mata "Ma? Buhay ka?"

Hindi ako makapaniwala sa aking nakita at narinig. Nagtataka akong tumitig dito at ganun rin ang tingin niya saakin.

Ngunit bat ko ba nasabi yun? Naaaning na ba ako?

Ano bang pinagsasabi ko?

Nagkatitigan kami ng ilang sandali bago ako napabuntong hinga at yumuko sabay na napahawak ako sa aking ulo "May napaniginipan Lang po ako"

Masakit ang aking ulo.

Napasuklay naman sa ulo si mama "Ano ba yun?"

Inisip ko kaagad Kong ano iyun. Napatitig naman ako sa kisame ngunit wala talaga akong maalala.

Ngunit ramdam ko ang luhang pumapatak sa aking pisnge. Napa isip ako tuloy kong ano ba talaga ang napaginipan ko.

Hindi ko maalala.

Napangisi na lamang ako sa hiya. "Nakalimutan ko po"

"Ano bang mga sinasabi mo? Bumangon kana diyan dahil gugupitan ko yang buhok mo. Humahaba na, lalaki ka diba? Dapat gupitan mo yan" Sabi nito na ikinayuko ko naman ulit sabay na tumango.

Nag iba kaagad ang expression nito at napahawak na lamang sa sintido nito.

"Lalaki ka dahil anak kita tandaan mo yan Ash" dagdag nito bago tuluyang umalis sa kwarto.

He's A She And Her Seven BullyWhere stories live. Discover now