CHAPTER 1

9 1 0
                                    

Nong nag-karoon ng Covid-19 noong 2020, marami sating naka-discover ng mga bagay-bagay, pagkain, pagkakakitaan at iba pa.

Pero ang pinaka sumikat sa lahat ay ang mga social media na kung saan pwede ka mag-post ng videos mo, pictures mo at kung ano-ano pa.

Example na roon ang Tiktok, Insta atbp... rumami ang na-addict sa social media dahil sa lockdown non.

I was 13 nung nag-karoon ng lockdown. Lahat ng mga tao bawal lumabas, sa isang pamilya isang tao lang ang merong gate pass na pwedeng makalabas para pumunta sa palengke, mall, grocery store at kung saan-saan pa man.

Bahay-bahay sila nagbibigay ng groceries at ayuda. Pero nung medyo kumunti at bumabaw ang kaso ng Covid-19 pumayag na silang lumabas ang mga tao pero dapat naka face mask at face shield.

Pati nga kami pinayagan na rin lumabas pero since unang labas namin ulit nun as a family, pumunta kami sa church at unexpectedly bawal kami pumasok sa simbahan dahil ang pinapayagan lang na pumasok sa loob ay 16 and above.

Kaya nag-stay kami ng ate ko sa labas habang kasama namin si mama at nasa loob si papa.

Actually doon na ako nawalan ng gana na lumabas dahil nga sa sobrang higpit at nung time kase na iyon sobrang boryo na boryo ako dahil wala akong sariling gadget.

Like sa family kasi namin, di ka allowed na mag-karoon  ng sarili mong phone unless 18 kana.

Pero sobrang saya ko nung nabalitaan ko sa School namin na mamimigay raw ng Samsung Galaxy Tab A, dahil finally magkakaroon na ako ng gadget na magagamit (de joke lang), I mean namigay sila kase papaano nga naman ang mga students na walang gadget lalo na pag mag-oonline class? (yieee parang kala mo di procrastinator si anteh (di joke lang talaga, pero totoo yung sa part na procrastinator mwehehe).

Nung Grade 7 kase ako, andami kong kaklase na inaasar ako dahil wala akong sariling phone. Hindi naman ako nagtatampo or nagagalit sa parents ko na wala akong sariling gadget dahil naiintindihan ko naman sila. Hindi naman kami mayaman ni sobrang hirap. May kaya lang kami.

Grade 8 ako nung nag start yung online class, google meet, at nauso narin yung group chats.

Ang saya ko kase sobrang ganda nung tab, although ang hirap niyang hawakan sa sobrang laki.

At first puros aral-aral umano kahit never naman ako naging honor student o ni achiever man lang. And that's the time kung saan doon na ako mag-umpisa na galawin yung tablet like panonood sa youtube ng kung ano-ano at pagliban sa klase.

(Oh! Aminin niyo!! Di lang ako ang gumawa ng ganyan!)

Kahit kase nung face to face tamad naman talaga ako mag-aral, but lalo akong tinamad nung naging online class na. Kase wala namang pipilit sayo na pumasok ka diba? Unless gusto mo makapasa o makakuha ng matataas na grades.

Tsaka dun narin sa time na yon kase nauso yung puros google nalang lahat ng sagot. Oh diba! Easy pc. Joke langg!! Pero di ko talaga ugali yung gumamit ng google during ng online exam.

📌HUWAG NIYO GAGAYAHIN YON AH? LALO NA MAY MGA SCHOOL PARIN NA NAG-OONLINE CLASS, NAG-BAGONG BUHAY NA AKO, KAYA MAG-BUHAY NARIN KAYO HAHAHA!📌

So ayon na nga, back to the topic tayo, ako kasi yung type ng tao na pag na-attract ako sa sa mga ads na nagpo-promote ng mga apps, sige lang ako ng sige, try ng try hanggang maubos ang 1 month allowance na nilo-load ng gobyerno. (Hindi, joke lang to ah!)

Hanggang one time may na discover ako na game na gawa ng china (oh wag basher dyan ah hahaha). 2 words lang siya, yung first letter pag pinagsama yung two words ay I habang ang pinaka huli ay T.

To be honest hindi ganon kasikat yung laro, server 161 nga yung napasukan ko non eh, at dinurog lang ako ng mga halimaw gumastos ng pera don huhu.

Actually cultivation game siya, boring pakinggan diba? Pero nung nalaro ko siya, nasiyahan naman ako.

Hanggang dumating yung time na naka ascend na ako sa heaven na kung tawagin sa laro.

May mga nag congrats sa akin non. Syempre nag thank you ako kase napasaya ako for no reason eh.

Pero to be honest, since obob nga ako na tao hahahahha, hindi ako marunong mag English non. Kaya puros ako thank you, how are you, hello, hi etc... yung mga madadali lang ba na English words.

Hanggang sa beh! Yung pinaka una na nag congratulate sa akin na player na itago natin sa palayaw na Crush#01 (yiiieee ayan na ang kilig, ehem... eme) Filipino pala!

Syempre nagulat ako kase obob nga... de joke, kase inexpect ko kasi non na puros mga foreigner ang nandoon pero unexpectedly hindi pala.

So syempre pinatikim ko sila ng sermon hahahha, imaginine mo, di nga ako marunong mag English pero triny ko at my fullest para lang makipag communicate sa kanila.

(Pero kasalanan ko talaga yun kase di ako nagtatanong kung anong Nationality nila hahaha.)

Pero ayun na nga ang mas malala pa hindi lang siya nag-iisa, dalawa sila non. So syempre sa inis ko nag chat ako doon sa general chat na "Filipino pala kayo?". Hanggang sa may nagsabi sa akin na "Oo".

(I feel betrayed huhu, eme.)

Tas si Crush#01 kase non kakaiba ang typings niya, as in sweet type  na kung ano. Basta ma fe-feel mo na importante ka or something.

Tas nag send ako sa kanya ng mga apples para makapag gain ako ng 300 favor at makapag send ng friend request sa kanya sa game.

Sa game yung gamit kasi ng Apples is para sa friendship at marriage. Kailangan 5000 naman yung favors para ikasal kayo ng player na gusto mo pakasalan sa game. And syempre kailangan mo mag tanim ng Apples para may maisend ka as a gift sa isang player.

And then ayon panay usap kami in tagalog kase nga di ako marunong ng English.

Syempre diko sinabi sa kanya na di ako marunong mag English kase nakakahiya eh. At baka laitin ako.

Tapos dahil sa sobrang sweet niya diko inexpect na magkaka-gusto ako sa kanya. As in nagseselos ako ng sobra kahit na wala namang kami or ano.

At ang masakit kasi, he only see me as friend, so hindi ko pinagpilitan yon.

Until ng matapos ang aking isang taon sa 8th grade ay may masamang balitang ipinarating ang school namin.

Yon ay ipapa-reset raw yung mga tablet ng mga students.

Hanggang sa nagulat ako dahil biglang nag-react ng sobrang gulat yung ate ko. Kaya nagtanong ako.. kasi diko pa alam kung ano yung reset no  eh, hahhaa obob nga kasi...

At sabi niya..

TO BE CONTINUED
4N

The Discord Enigma: 4N's SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon