NAGISING ako mula sa aking pagkakatulog, hindi ko alam kung ilang oras na ba akong natutulog. Pagkagaling ko sa School ay kaagad na akong nahiga ngunit hindi ko namalayan na nakatulog na ako. Kinapa ko ang cellphone ko sa side table, napamulagat ako nung makita na eighty-thirty pm na kaya naman kaagad na akong tumayo. Binuksan ko ang pintuan nang kwarto ko ngunit sinalubong ako ng nakakasilaw na liwanag, naglakad ako papalabas hanggang sa unti-unting nalulusaw ang liwanag sa paligid ko.
Nagpakurap-kurap ako habang nakatingala sa napakataas na gusali, hindi ko alam kung ilang palapag ito dahil sa sobrang taas. Bukod sa gusali ag meron ding ibat-ibang establishment na kung saan makikita ang mga hindi ko kilalang tao na nagtitinda na animoy tyanggean. Tumakbo ako papunta dun at nakisiksik sa napakaraming mga tao...namilog ang mga mata ko nang makita ang naggandahang mga bracelet, necklace, singsing, at maging mga hikaw. Napalingon naman ako nung marinig ang kalansing ng nagtitinda ng ice cream, tumakbo ako papunta sa direksyon ni manong at saka bumili ng ice cream na cream-O flavor.
Masaya akong naglakad papunta sa isang park kung saan may mga batang naglalaro, kumaway ako sa kanila at kumaway din sila pabalik sa akin. Naupo ako sa isang bench na nasa ilalim ng cherry blossom tree, tumingala ako at pinagmasdan ang pagpatak ng dahon nang cherry blossom. Masaya kong kinain ang ice cream na binili ko kay manong, maraming mga tao ang naglalakad sa harapan k----
" Emily! "nagpakurap-kurap ako nang marinig ang boses ni mama. " Emily, maaga ka na ngang natutulog pero late ka paring nagigising " napatingin ako sa ice cream na kanina lang hawak ko, bigla itong nawala sa kamay ko. I think its time to wake up. Another day, new day to face the Reality.
Iminulat ko ang mga mata, nabuntong hininga ako at saka tumayo sa maliit kong higaan. Nakatira lamang kami sa isang maliit na apartment sa bayan, malapit lamang din iton School na pinapasukan ko. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako ng uniform para pumasok...nagpaalam na ako kay mama at saka lumabas nang apartment. Sumakay ako sa Bus na tumigil sa tapat ko, luminga-linga ako sa paligid at halos lahat ng upuan ay punuan na kaya naman wala na akong choice kundi ang tumayo nalang.
Ano nga ba ang kaibahan nang panaginip sa totoong buhay? Para sa akin malaki ang pagkakaiba nilang dalawa; sa panaginip lahat nang makikita at makakasama mo ay hindi mo makikita at makakasama sa totoong buhay. Sa panaginip ko maraming mga lalaki ang gustong manligaw sakin, pero sa totoong buhay ay kabaligtaran iyon. Weirdos ang tingin sakin ng mga tao, wala din akong mga kaibigan at wala iyong problema sa akin. Fourth year highschool na ako sa St. Martine University, minsan naisip ko ng tumigil sa pagaaral para matulungan si mama sa pagta-trabaho pero hindi sya pumayag.
" Ms. Andrade.." napatigil ako sa pagsasalita at saka lumingon, nakita ko si sir Lyndon na nakangiti sa akin. Siya ang pinakabatang teacher sa St. Martine, gwapo, kaya naman kinababaliwan ng mga kababaihan.
" Good morning po sir Lyndon," magalang kong bati kay sir Lyndon.
" Balita ko napagtripan ka na naman nang grupo ni Astrid, kapag alam mong nasasaktan kana huwag kang magdalawang-isip na lumaban Emily." paano naman nalaman ni sir Lyndon ang tungkol dun. Kahapon lang ay napagtripan na naman ako ng grupo ni Astrid Hermosa, member sila ng dance club. Ikinulong nila ako sa storage room, pero mabuti nalang at narinig ng faculty staff ang mga sigaw ko.
" Thank you po sir sa concern," sagot ko naman. Nagpaalam na sakin si sir Lyndon ng makarating kami sa tapat ng first year class, habang ako naman ay umakyat pa sa hagdanan bago makarating sa classroom namin.
Nasa hagdanan palang ako ay dinig kona ang tawanan, asaran at kulitan sa classroom namin, ngunit kaagad iyong natahimik nang makapasok ako sa loob ng room at naupo sa armchair ko. Hindi na bago ang ganitong treatment sakin ng mga classmates ko, wala naman akong pakialam sa kung anong trato pa ang gawin nila sa akin dahil masaya ako sa buhay na meron ako.
" The weirdo is here!!! " palahaw ni Joseph Flores, sinundan naman ng sigaw nang kanyang mga kaibigan. " I didn't know how to come out in storage room, weirdo. Do you have a powers to open the door, like a witch..." muli silang nagtawanan pati ang iba ko pang mga kaklase pero dedma na sila sa akin.
" Everyone's quite! " napatigil sa pangaasar ang mga kaklase ko ng marinig ang boses ni ma'am Angeles; adviser namin. " And Mr. Flores, I expecting to see you in guidance office," kaagad nagreact si Joseph dahil sa sinabi ni ma'am Angeles pero wala din siyang nagawa.
Habang nakatingin sa labas ng bintana ay nakaramdam ako ng pamimigat nang mata, pakiramdam ko anytime ay bigla nalang akong aantukin. Pero mas mabuti pa nya sigurong matulog para makalimutan ko ang mga nangyare ngayon.
©ANNE_BERANIA
DREAMING OF YOU
![](https://img.wattpad.com/cover/381070284-288-k346628.jpg)
YOU ARE READING
Dreaming Of You
Romance"When the lines between dreams and reality fade, Asher and Emily must confront their deepest desires. Their love story is one of fate, chance encounters, and the unrelenting power of the human heart. Will they find their happily-ever-after or get lo...