Chapter 15 Mission

17 0 0
                                    

KIMMY's POV

Thursday

Hindi ko alam kung tama ba o napasobra ako sa kinuha kong mga gamit. Nagpahatid ako kay mang nilo dahil sa sobrang bigat ng dala ko.

I've got a text message from Bianca, napaaga daw sila kaya nasa bus na sila kanina pang 6:45. Bilisan ko daw at baka wala akong mauupuan.

Mga 7:30 kasi ng umaga ay babyahe na kami papuntang bario kantasia kasi malayo layo daw at aabutin kami ng limang oras.


Pagdating ko sa bus halos magkaubusan na ng upuan. Sina Bianca , nakaupo na sa 2nd row. Hindi man lang ako nireserve ng upuan. Bawal daw kasi , first come first serve daw. Hindi ko naman alam na ganun pala.

So bale ang ang natitirang upuan sa akin ay sa likod ng bus. Kasya doon ang apat pero may nakaupo ng dalawa.


Buti nalang at bakante dun sa gilid malapit sa bintana.

Ah! fresh air thou. 

Naupo naman ako dun at ipinatong yung dala kong bag pack. Yung traveling bag ko pinalagay ko nalang sa cargo area ng bus.

Isa nalang yung hunihintay. Ang president ng mission event na ito.


Inilagay ko nalang yung headset ko at matutulog ulit ako . Ilang minuto lang ay naramdaman kong may umupo sa tabi ko . Siguro siya na yung hinihintay.

" Buckle up guys. So completo na tayo . Wala na ba kayong naiwan? " sabi ng nagsasalita sa harapan na hindi ko naman makita.

"wala nga akong naiwan pero bakit parang naiwan ang puso ko?" na sabi ko nalang.

Nagulat ako ng biglang may tumawa sa tabi ko. Holy cow! bakit andito si Jiro.


Bigla niyang itinaas yung kamay niya.


" Yes, President . Any Question.?" tanong ni Ms. Santos . Ang makwelang teacher pala ang Adviser  ng mission club.

" Maam , she said she forgot something." sabi niya refering to me.


" What was it?" concern na sabi niya.


" Yung puso niya daw" and then biglang nagtawanan lahat ng nasa bus.

Damn you Jiro!

" Don't worry sweetie. 3 days lang naman ang iwawala mo dito sa school  . Makikita mo rin ang lovey dovey mo sa saturday okay?"

Tumango nalang ako kahit hindi naman totoo.

Humanda ka sa akin mamaya  Jiro.


So bumyahe nga kami ng limang oras. My supposed to be oh so wonderful escape in my school had been an awful escape dahil kay Jiro.

Pagdating namin sa place maglalakad pa daw kami ng 30 minutes papunta sa bario.  Naisip ko nalang yung mga gamit na dinala ko.

Bumaba ako sa bus para kunin yung mga gamit ko . Hindi lang pala ako ang may problema kundi pati rin sina Bianca at Jenny.

"pffft hahaha. Akala ko ako na yung pinakamalaking bagahe ang may dala hindi lang pala ako." sabi ko .

Tumingin naman sila na problemado parin.

"Hi , Bianca . Pwede ko namang buhatin yang bag mo" si Nikko

"Hi , Jenny.Ako rin" si George. Sabay kindat effect pa.

Tumingin naman silang dalawa  sa akin ng parang nakakaloka at lumapit.

Genius Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon