"Ms. Perry . . . . . . . . . .
Ms. Quizon . . . . . . . . . . . .
Ms. Sanchez . . . . . . . . . . . . . . . . ."
"Hmm. Ms. Sanchez" tawag ni Maam Rivera na kasalukuyang ibinibigay ang 2nd grading grade namin.
"Hoy! ikaw na ." sigaw ni Jenny sabay tapik sa aking balikat, isa sa mga kaibigan ko .
"Ako na?!" tanong ko ulit sa kanya.
"Ay , hindi hindi . Si Bianca . . . Si Bianca . . . " pamimilosopo niya .
Pumunta ako sa harapan at kinuha ang munting papel kung saan nakasulat ang grado namin . Hindi ko muna tinignan dahil ang usapan namin ay sabay sabay naming titignan nina Jenny at Bianca .
"Ms. Solidad . . . . . . . . .
"and Ms. Timothy ."
"Ok class , you're dismissed ! and don't worry I already send a copy of your grades to your Parents . "
"Whaaaat?!"
Halos kalahati sa aming classroom ang nagreact . Syempre kasama na kaming tatlo .
"Sabay sabay nating buksan . Magbibilang ako ng hanggang tatlo ha ? Isa . . . . . . . . . . dalawa . . . . . . . . .tatlo . . . "
O_O
Edi Wow !
Parepareho kami puro syete ang umpisa . Ang masaklap pa , hindi umabot sa 75% na average man lang yung iba.
"Ilan bagsak niyo?" tanong ko sa kanilang dalawa .
"One . . . . . .Two . . . . dalawa lang" sabi ni Jenny
"Ako tatlo." sabi naman ni Bianca
"eh ikaw?" sabay nilang tanong sa akin
"Ako? Hmn. Isa . . . . . . . dalawa . . . . . tatlo . . . . . .what? LIMA?! Unbelievable! " napasigaw nalang ako dahil sa resulta . Pambihira naman o . Walang pinagbago .
"Paano na yan? Ang problema mo ngayon ay kung paano mo haharapin Mommy mo." sabi ni Bianca
Buti pa kasi silang dalawa , tanggap na ng magulang nila na hindi talaga gumagana ang utak nila . Eh ako ? kahit saksakan ako sa pag-aaral at pagrereview eh wala pa rin . Hindi kasi matanggap ng parents ko kasi magaling naman daw ang kapatid . Matalino daw ako kaya lang meron akong "Tatamadtamad Syndrome" . Ansama!
"Good Afternoon Mom!" bati ko sa kanya pagdating ko sa bahay.
Mula pa lang sa facial expression niya , alam na this!
"Ano to ?!" tanong niya sa akin sa hawak niya papel na alam ko ay yung grade ko na iyon .
"Ma naman , nagbibiro ka ba edi yung grade ko."
"ALAM KO. Pero bakit ganito ang laman neto? Wala na bang itataas ang grade mo?" tanong ulit niya .
"Ma , alam mo naman na hanggang doon nalang yung kaya ko eh. Baka pag pinilit ko pa ay sasabog na ang utak ko." paliwanag ko sa kanya.
"Okay ganito nalang . Since i've warned you already , either past your subjects or you'll get married?" isang tanong mula kay Mommy habang nakapameywang at sinesermonan ako .
"But mom , "
"No more but's Kimmy , kailan ka pa matututo ha? Mamili ka total ikaw naman ang namili sa course na iyan . "
Nakakainis naman kasi eh , kasalanan ko ba kung bakit ang hina ng utak ko . Kung gaano kagaling ang kapatid ko si Hiro ganun din naman ako kabobo . B.S Psychology ang kinuha ko instead of Business Management .
"FINE." sabi ko at patakbo akong pumunta sa kwarto ko .
" Oh bakit na naman?" tanong ni Hiro , ang nakababata kong kapatid . Mas bata lang siya ng tatlong taon. Pagkatapos kong magbihis kasi ay kumatok ako sa pintuan ng kapatid ko .
"Pagawa ng assignment naman oh" sabay abot sa notebooks ko.
"Pambihira naman ate oh . Magagalit sa akin si Mama pag . . ." reklamo niya
"I'll give you half of my allowance." i offered him with an evil smile
"FINE. It's a deal" mhuahaha napapayag ko din ang kapatid ko . He's just 1st year college taking up Business Management . Ako naman nasa Second year pa lang .
"Just leave it on my table kapag tapos na." pautos kong sabi sa kanya .
Well . Well, all i have to do now is to relax . Muhahaaha. Hindi naman siguro totoo yung sinabi ni Mommy kasi I'm just 17 , eh 18 yung legal age for marriage . Hindi naman ako totally idiot :)
"Manang Sonny , pakisabi walang mang-iistorbo sa akin sa room ko ha? Magrerebyu po ako ." sabi ko habang kumukuha ako ng pagkain sa ref .
MOVIE MARATHON NA ITO !
Drama Special would be good . Aww . Selected "Bomi's Room"
Eh , ganun talaga . Mahilig akong magmovie marathon . I always bargain my sleep in watching movies. Kaya ang resulta , puyat na pumapasok sa school . Minsan pa nga nahuli ako ni Teacher Rivera na natutulog sa klase niya .
May tuitor ako noon pero hindi ata ako nakayanan kaya ayun free ulit akong manuod ng movies .
Nasa kalagitnaan na ako sa panunuod ng biglang may kumatok sa room ko .
"Sino yan?" tanong ko . Safety precautions , baka si Mommy . Hindi niya kasi alam na sa laptop ako nanunuod . Kinuha na niya kasi yung DVD player at yung T.V ko dito sa room.
"Si Hiro . Tapos na ." sagot naman niya
"WAIT!" patakbo akong pumunta sa pintuan at binuksan iyon.
"Hinaan mo boses mo baka marinig ka ni Mommy" sabi ko habang kinuha yung notebook ko sa kanya.
"Whatever." sabi niya at inilahad ang kanang kamay niya ,.
Ibinigay ko naman kung ano yung ibig sabihin nun.
"Basta secret lang to. Lagot ka saakin kapag nalaman ni Mommy." Tumango naman siya .

BINABASA MO ANG
Genius Next Door
Fiksi UmumWhen Kimmy's grade had literally fall into the ground, she had gone into the state of desperation. She had to make her grades better for she could not imagine herself to be a married woman without even finishing a degree. Then he met Jiro, the Geni...