The Sacred Land

114 7 0
                                    

Deja Vu. Mabilis na pumasok sa ala-ala ni Van ang nangyari noon. Nangyari na ito sa una nilang paglalakbay patungo sa Dragon Castle, mabuti na lang at marami sila kaya nalampasan nila iyon. Ngayon ay bahagyang alanganin ang kanilang kalagayan dahil dalawa lang sila at wala pang ala-ala ang kasama niya. Unang-una sa lahat ay lalaki ang puntirya ng evil sirens, more or less ay siya ang pakay nito. Baka naman panuorin lang siya ng kasama niyang malunod.


"Ano'ng klaseng amnesia ang mayroon ka at hindi mo matandaan?" Hindi na rin mapigilan ni Van ang magtanong sa bagay na 'yon. Nakakapagtaka kasi, tila gawa ng itim na mahika ang lahat.

"Ang alin? Wala akong maalala pero pamilyar ang lahat. Hindi mo alam kung gaano kasakit sa ulo 'yon." Tugon naman ni Celestial at tinakpan ang sariling tainga upang makapagtakip na rin ang Prinsipe ng sarili niyang tainga.

"Just cover your ears. Malapit na yata tayo sa Mermayde. This is a sign." Sa halip ay sagot ni Van.

Luminga-linga sila sa paligid upang maghanap ng daanan o sinyales ng sentro. Kailangan nilang makahanap ng kahit isang bahay lang upang magtanong kung nasaan na sila. Ang akala ni Celestial ay magiging maayos lang at malalampasan nila ang tinig ngunit nagulat siya nang bigla na namang huminto si Van. Pagkatapos ay tumuloy ito sa tubig nang walang pasabi.

Ganoon na lamang nalito si Celestial. "What are you doing? Where are you going? Are you fucking affected?" Sunod-sunod nitong tanong habang sumusunod rin sa Prinsipe. "Saan ka pupunta?" Hindi niya na maitago ang pag-aalala nang tuluyan na silang dumiretso sa tubig.

Walang pasabi niyang hinila ang Prinsipe pabalik ngunit masyado itong malakas at pwersahan siya nitong itinulak palayo, pagkatapos ay bumalik ito sa tubig. Hindi sumuko si Celestial, muli niyang hinila ang Prinsipe at itinulak sa ilalim ng puno ng sobrang lakas. Pagkatapos ay humila siya ng gamot ng halaman upang itali ang Prinsipe doon. Alam niyang makakatakas lang ito kaya naisip niyang patumbahin na lang ang pinagmumulan ng tinig.

Nang kapain niya ang kaniyang sandata ay ganoon na lamang siya nanlumo. Wala na siyang hawak na sandata. Hindi niya na rin maalala kung may dala ba siyang ganoon o sadyang naiwan niya lang ng hindi niya namamalayan sa gitna ng byahe, sa dami ba naman ng pinagdaanan nila at halos lagi siyang lutang, wala na siyang matandaan. Fuck, ang hirap kapag walang maalala at madaling makalimot.

Walang pasabi niyang kinuha ang espada ng Prinsipe at hinanap ang pinagmumulan ng tinig. She looked for the voice with her sensing abilities. Tila ba muscle memory ang nangyari at automatic na gumana ang abilidad niya gamit ang kaniyang mata at tainga. Pakiramdam niya'y mukha na siyang kwago sa linaw na kaniyang nakikita, tila rin umiilaw ang kaniyang mga mata o naeenhance ang magkaiba nitong kulay. Using her sight, her vision zoomed and found something behind the big rocks at the middle of the river. Gamit din ang matalas niyang pandinig ay kinumpira niyang doon nga nagmumula ang tinig.

She's impulsive and irrational, totoo ang sinabi ni Van dahil walang pasabi siyang tumakbo patungo roon at inatake ang mga sirena. Ang gusto niya lang ay maputol ang pagkanta nito upang makabalik sa dati si Van. She jumped through the boulders until she reached the place where the sirens were hiding. Nahinto ang mga ito sa pag-awit at mabilis na nagpalit ng anyo. They're not beautiful anymore, sila na yata ang pinakapangit na nilalang sa tubig. They have wide eyes and huge mouth with sharp teeth. Mahahaba rin ang mga kuko at matutulis ang buntot.

"Fuck you!" Sigaw niya at inatake ang mga ito sa tubig. She swam underwater with wide eyes open to fight the evil sirens. Since she's slower than the sirens, she waited for them to attack her. With proper calculation of their distance and the time of her movements, she execute her attacks properly. Galit na galit ang mga itong umaatake sa kaniya, ngunit mabilis ang kaniyang isip sa mga oras na 'yon at sumasabay ang kaniyang pagkilos.

LEGENDS: Mythical Glory (Season, #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon