Season 6 - Chapter 18: Moonlight Kiss

719 28 24
                                    

The alpha and the monarchs of Eufrata proceeded to their meeting without her.

Tahimik ang gabi, hindi pa rin tapos ang meeting ng leaders ng bawat pack dahil may nakadagdag sa mga dapat nilang pag-usapan. Hindi rin kasi natapos kaagad ang meeting ng Alpha kasama ang mga Maharlika kanina, at mabuti na lang ay madaling kausap ang Alpha. Ang problema ay hindi pa yata nabubukas ang usapin na kailangan nilang maiuwi ang hiyas na nasa kwintas ng Alpha. Kasama na rin sa ongoing na meeting ang paghahanap kay Van.

Everyone is busy including Chrys, kaya naman malaya si Celestial na pinagmamasdan ang buwan sa bintana ng kaniyang silid. Nasa itaas na bahagi ang kaniyang silid, at kahit na malinaw na kasama niya ang mga Maharlikang dumating ay hindi pa rin pumayag ang Alpha na lumabas siya. The alpha is indeed possessive and territorial, mukhang mahihirapan siyang makawala. Malaking problema iyon.

"Hi," untag ng isang tinig na nagpagulat sa kaniya.

Paglingon niya'y nasa pinto niya na si Damien. "Damien, akala ko ay may meeting kayo?" Tanong niya. "What about Van, alam niyo na ba kung nasaan siya?"

Ngunit tila wala sa tanong niya ang focus ni Damien, blanko ang mga mata nito, animo'y may ibang sinasabi na hindi niya maunawaan. Naglakad ito patungo sa kaniya, malakas namang kumalabog ang kaniyang dibdib sa hindi magpaliwanag na kaba.

"I've missed you, Celestial Beryl." Malumanay na sambit ni Damien. Tila naman nawalan siya ng hininga sa paraan ng pagkakasabi ni Damien niyon, hindi niya lubos maisip na maririnig niya iyon sa binata.

"What are you saying all of a sudden?" Kinakabahan niyang tanong. Napakapit siya sa bintana nang tuluyan na itong nakalapit sa kaniya. Tila wala itong pakialam sa kaniyang sitwasyon, buong pagkukusa nitong inangkin ang maliit na espasyong namamagitan sa kanila atsaka siya tinitigan sa mata.

"Fucking hell. Of course you wouldn't know about my confession, you were unconscious. We thought you were dead." He whispered, masyado itong malabo kaya hindi iyon gaanong maunawaan ni Celestial. She heard a part of it, ngunit talagang malabo ang pagkakasabi ni Damien.

Napataas ang kilay niya at pilit niyang itinulak ang binata. "Ano bang sinasabi mo?"

Hindi nagpatinag si Damien. Huminga ito ng malalim at muling tumitig sa kaniya ng mariin. "Damn, I missed you so damn much. You have no idea how much trouble and overthinking I've endured when you were separated with me. I've been holding back because I thought there's no chance between you and me, but it's getting harder for me to hold back." Tila nahihirapan nitong sabi.

Sumabog ang iba't-ibang tanong sa isipan ni Celestial. Ganoon na lamang kabilis na tumalon ang kaniyang puso, nagsimula na ring bumilis ang kaniyang paghinga. Who wouldn't be conscious? He just cornered her, her personal space was taken and she couldn't even do anything.

"Damien?"

Hinawakan nito ang kaniyang mukha, then he gently fondled her face na para bang matagal niya na iyong gustong gawin. "No matter what I do, I always find myself looking for you. No matter how much I stay away from you, I always find myself coming back to you. That confession is real, Celestial Beryl. I don't care if you heard it or not, I'm willing to confess again. Because this time, you're alive, you're awake, and you're aware." Makahulugan nitong sabi.

"Ano'ng ginagawa mo?" Nanginginig na tanong ni Celestial at pilit na itinulak si Damien.

Ngunit masyadong malakas si Damien at hinawakan ang kaniyang mga kamay ng mariin. "I like you, Celestial Beryl. I'm serious. Sigurado na ako sa nararamdaman dahil araw araw kong tinatanong ang sarili ko. Now I can finally conclude, I like you so damn much it hurts. And I can't let you go no matter what. I can't give you up. When I heard that you were offered to the alpha, I was really triggered. I can't give you up Celestial Beryl no matter what. I will fight for you." Naghahabol na ng hininga si Damien nang sabihin niya iyon.

Naghabol na rin ng hininga si Celestial Beryl. "Hindi kita maunawaan, ano bang ginagawa mo?" Tanong niya nang maglakbay ang mga kamay ni Damien sa likod ng kaniyang ulo. Is he going to fucking kiss her?

"Sa ngayon, tanggapin mo na lang. Dahil wala ka nang magagawa, gusto kita at wala ka nang magagawa." Matapang na sabi ni Damien.

Dumako sa kaniyang dibdib ang paningin nito at ganoon na lamang nanlaki ang kaniyang mga mata, walang pasabi niyang sinampal ang binata na agad namang nag-react na halata mong nasaktan.

"Masakit 'yon!" Maktol ng binata.

"Kung saan-saan ka tumitingin e!" Sagot ni Celestial.

"Just why the hell are you dressed like that?" Tanong ni Damien. Ngunit bigla itong natigilan nang dumako sa kaniyang labi ang mga mata nito. "He kissed you, right?" Mabilis nitong tanong.

Isang malakas na ihip ng hangin ang dumaan sa pagitan nilang dalawa, biglang napipi si Celestial. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na 'yon. Siguro'y dahil mariin ang pagkakahalik ng Alpha sa kaniya ay nag-iwan ito ng marka at napansin iyon ni Damien, grabeng talas naman ng paningin!

"What? What the hell are you talking about- what the fuck are you doing?" Nag-panic na si Celestial nang lumapit lalo si Damien upang titigang maayos ang kaniyang labi.

"He fucking kissed you, right?" Batid sa tinig nito ang galit.

"Stop!" Saway ni Celestial nang pindutin nito ang kaniyang labi.

"Then allow me to kiss you, too. I fucking liked you first, Celestial Beryl. I liked you first, I was holding back because I have a huge respect for you. But I can't hold back now. I can't let him take you away-" Damien was cut off when Celestial Beryl slapped and pushed him away.

Ngunit hindi iyon tulak na palayo, muntik nang mahulog si Damien sa bintana dahil doon siya itinulak ni Celestial. Kung hindi kaagad naagapan ay talagang mahuhulog doon si Damien. Pareho silang kinabahan, lalo na si Celestial na ngayon ay nilamon ng guilt dahil sa kaniyang ginawa. Muntik niya nang mapatay si Damien ng wala sa oras. Kung dati'y wala siyang pakialam makapatay man siya, ngayon ay nilalamon na siya ng konsensya. Ano bang nangyayari sa kaniya?

"I'm sorry-" Celestial panicked. "Shit, I'm sorry!" Halos maiyak na siya nang sabihin iyon kay Damien na ngayon ay nakayuko at nakahawak sa dibdib nito.

"Damn, you almost killed me. Akala ko mamamatay na ako. Ang sakit na ng pagkakasapak mo, itinulak mo pa ako. You're sorry?" Naghahabol hininga nitong sabi.

Tumango-tango naman si Celestial at marahang hinawak ang mukha nito. "Yes, I'm really sorry. I didn't mean to-"

"You're really sorry?" Tanong ni Damien.

Mabilis na tumango si Celestial. "Yes, I'm really-"

"Then allow me to kiss you."

Isang nakakabinging katahimikan ang muling bumalot sa kanila. Never, not even once did Celestial think that silence could be that loud. Nanlaki ang kaniyang mga mata, muli ay gusto niya na namang manapak ngunit nilalamon siya ng konsensya tuwing tititig siya sa mukha ni Damien na halata mong nagpapaawa.

"What?"

"Kiss me, Celestial Beryl." Sabi ni Damien at agresibong inilapit ang mukha sa kaniya.

"Fuck off-"

"Are you really sorry? Then kiss me." Muling sabi nito. "I'm going to kiss you, and if you're really sorry, allow me." Pagkasabi niyon ay sinakop ng labi ni Damien ang mga labi ni Celestial Beryl. Walang nagawa ang dalaga, para siyang na paralyzed nang tuluyang magtama ang kanilang mga labi.

Walang sinayang na oras si Damien. It's as if he's been waiting for that moment. He savored every moment of their kiss. Marahan ang kaniyang paghalik habang banayad na inaalalayan ang likod ng ulo ni Celestial upang huwag siyang makawala sa halik ni Damien. Nang makabawi ay itinulak ni Celestial si Damien, ngunit nangatog na ang kaniyang tuhod dahil sa sensasyon ng halik na iyon. Tuluyan na siyang nanghina habang si Damien ay mas lalong ginanahan sa paghalik sa kaniya.

"Wait-" reklamo ni Celestial. "I can't breathe!"

"Then breathe," ilang segundong sabi ni Damien at muling sinakop ang kaniyang mga labi. Mukhang wala talagang balak magsayang ng oras ang binata. He was holding her gently, kissing passionately under the moonlight in the open window of the moon castle.




---◻️---
Is the reverse harem finally in the room with us? Grabe, inabot tayo ng anim na season bago nagkaroon ng romance. Sabay-sabay tayong magtanong; Paano na si Chalcedony (at Sardius)? HAHAHAHAHA.

LEGENDS: Mythical Glory (Season, #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon