What's with all the commotion? Bakit ang ingay ng paligid? Tila ba nagtatalo? Ano bang nangyayari? Ganoon na lamang nagulat si Celestial nang maalala ang pangyayari bago siya nawalan ng malay. Buhay pa siya? Hindi siya namatay? Hindi siya sinunog ng mga dumakip sa kaniya? Ano'ng nangyayari?
"She's awake." Isang tinig ang kaniyang narinig bago siya tuluyang napamulat.
Mabilis siyang bumangon upang sana ay tumakbo at tumakas ngunit napaigtad siya sa sakit ng kaniyang tiyan. Bigla siyang nahilo, sandali pa sana siyang matutumba dahil sa biglaang pagbangon ngunit hindi siya bumagsak sa sahig. Huli na nang mapagtanto niyang nakagapos siya sa pader at napapaligiran ng isang buong tribo. Siguro'y isa sila sa maraming tribo sa South, halata naman sa kanilang pananamit.
"Sa wakas, gising ka na." Sabing muli ng nagsalita kanina.
"Fuck!" Malakas siyang napamura at pilit na kumawala sa pagkakagapos. Mabilis siyang nanghina, halatang may bago na namang lason na pumasok sa kaniyang katawan. Hindi pa nga siya nakaka-recover may dumagdag na namang panibago, kailan ba 'to matatapos? Minsan nga ay napapaisip na siya kung paano pa siya nabubuhay sa gitna ng lahat ng 'to.
"Hindi ka pa magaling, kahit na pakawalan ka namin ay hindi ka makakatakas." Sabi ng isang babaeng tingin niya'y kaedad ni Elysian.
"Magsimula na kayong palitan ang kaniyang damit, hindi dapat pinaghihintay ang Alpha." Sabi ng isang matanda at mabilis namang kumilos ang mga naroroon na sa tingin niya'y mga katulong.
Ano? Ano'ng nangyayari? Alpha? What the hell is happening? What's with this alpha and why are they ripping her clothes?
"Stop! What the hell are you doing? This is illegal!" Sigaw niya sa mga babaeng nagpapalit ng kaniyang damit. Kahit na anong pagpupumiglas at sigaw niya'y walang nakinig sa kaniya. Tinanggal ng mga ito ang mga saplot sa kaniyang katawan at pinalitan ng isang kakaibang damit na tumutugma sa kanilang kasuotan.
"What the hell is that?" Bulyaw niya nang makitang isusuot ng mga babae ang damit na iyon sa kaniya. "I am not wearing that! Fuck you all, don't let me fucking wear that!" Walang habas niyang sabi, halata mong napipikon na rin iyong matanda at iyong babaeng nagsalita kanina.
Tila naman nagliwanag ang kanilang mga mata matapos maisuot sa kaniya ang masyadong revealing na damit. Hanggang pusod lang ang sleeveless na damit na gawa sa makapal na balahibo ng isang hayop na sa tingin niya'y tupa, sobrang kapal nito kaya mainit sa pakiramdam. Dumagdag pa ang maiksi niyang pambaba na hindi nga umabot hanggang tuhod ang haba. Masyado itong revealing, tumatambad ang kaniyang dibdib at hita.
"Puta, ano ito? Bakit niyo ako pinagsusuot ng ganito sa malamig niyong panahon?" Bulyaw niyang muli sa mga naroroon, "sana pinatay niyo na lang ako!"
"Ang Alpha ang magdedesisyon kung bibigyan ka ng magarang damit matapos ka naming ialay!" Sagot ng matanda at sinuotan siya ng makapal na boots na gawa rin sa makapal na balahibo ng hayop.
"Ano'ng pinagsasasabi niyo? Tama ba ang pagkakaintindi ko? Sinuotan niyo ako ng ganito upang ialay sa inyong Alpha?" Hindi niya makapaniwalang sabi. "Wake up, people! This is illegal! Hindi ito pwede, mali ito! You don't even know me, if my friends find out—"
Wait, does she have any friends? Itinuturing nga ba siyang kaibigan ng mga maharlikang 'yon? Bigla naman siyang nanlumo dahil sa matinding reyalisasyon. Siguro nga ay umalis na ang mga 'yon nang hindi man lamang siya iniisip.
Nahinto ang kaniyang pagmumuni-muni nang maibsan ang lamig na kaniyang nararamdaman nang balutin siya niyong babae ng kaniyang kapa.
"I'm sorry, we really have to do this. My name is Ice, I'm the leader of this tribe. Kailangan namin ng alay sa Alpha para sa proteksyon ng aming lupa at tribo." Sabi niyong Ice.
BINABASA MO ANG
LEGENDS: Mythical Glory (Season, #6)
FantasyAfter losing her memory to a curse, Celestial Beryl remains among the Royals in Eufrata as the Abyss hunts for the Prime Stones to grow its power. To defend their world, the Royals set out across Beryllus in a desperate quest to find the Stones firs...