Season 6 - Chapter 13: No Moon

425 16 1
                                    

Ganoon na lamang nagulat ang dalawa sa loob ng bakod. Naalarma si Van. "No, wait! We're going to fight the Socros!" Sabi ng Prinsipe at inihanda ang sarili upang harapin ang halimaw.

Umalingawngaw ang tinig ni Mayo. "Hindi tayo magtatagumpay sa ganoong paraan. Walang ibang paraan. Ito ang layunin ko, hayaan niyo akong tuparin ang nakatakda kong gawin." Determinadong sabi ng babae na animo'y sigurado na siyang ito nga ang nakatakda.

Ngunit matigas ang ulo ni Celestial at Van. Patuloy nilang sinira ang barrier. Ginamit ni Celestial ang lupa sa labas ng bakod upang atakihin ang Socros. Mas lalong nagwala ang halimaw at gumuho ang mga lupa sa paligid. Celestial used the roots of the tree in the middle to destroy the barricade. Gumuho ang lupang kanilang tinatakapan, nabuwal siya sa pagkakatayo mabuti na lang ay madali siyang nahila ni Van. Van flickered away from the rising root.

Celestial controlled the huge root, the tree walked towards the barricade and tried to devastate it as much as it can. Mas lalong umagos ang dugo mula sa ilong ni Celestial, hindi na rin mapigilan ang kaniyang pagsuka ng dugo. Libreng umaagos ang pulang likido mula sa kaniyang bibig.

"Huwag mo nang ituloy kung hindi mo na kaya," sabi ni Van habang pinagmamasdan ang kalagayan ni Celestial.

Tiningnan siya ng masama ni Celestial. "Kung hindi ko 'to gagawin, paano tayo makakalabas?"

"But fuck- lumalabas na ang dugo mula sa 'yong mga mata!" Nag-aalala nitong sabi.

Napasinghap si Celestial at kinapa ang kaniyang pisngi. Ganoon na lamang siya nagulat. Totoo nga ang sinabi ni Van, akala niya'y basa lang ito dahil nawiwisikan sila ng tubig. Lumuluha na pala siya ng dugo, tunay ngang nahihirapan na siya pero wala siyang balak tumigil. Hangga't hindi bumibigay ang katawan niya, gagawin niya ang lahat para makaligtas at makaalis sa lugar na 'yon.

"Tama na! Makinig kayo sa akin, wala nang ibang paraan!" Sabi ni Mayo mula sa labas. "Kasalan ko rin na nakulong kayo sa loob. Alam kong pwede kayong mapahamak, alam kong maaaring hindi na kayo makalabas ngunit hindi ko kayo pinigilan. Sa halip ay ako pa mismo ang naglagay sainyo sa ganiyang sitwasyon. Hayaan niyo na akong gawin 'to para sa kapayapaan ng lahat, para sa bato."

Ang lahat ay nahinto maliban sa Socros na patuloy na nagwawala. Nanlumo si Sora, alam niyang wala na siyang magagawa sa desisyon ng kaniyang kapatid. Nanghihina at umiiyak niyang pinanuod ang kaniyang ate habang tinatahak ang daa patungo sa halimaw. Wala ring nagawa sina Van at Celestial, hindi malinaw ang nangyayari sa labas ngunit ramdam nilang ang ganap dahil sa mabigat na ambiance.

"I'm giving you my life in exchange for the stone." Bilog ang tinig na pahayag ni Mayo.

"Wait! What are you doing? Baka magawan pa natin ng paraan-" pagtututol ni Van ngunit agad rin siyang napatahimik.

"Wala nang ibang paraan! This is my purpose, and I shall do whatever it takes to fulfill it!" Seryosong sabi ni Mayo. "Nice to meet you, Royals. It was also fun serving the people. Ikaw na ang bahala sa kanila, Sora..." Sabi nito habang nakatingin sa kapatid.

Mas lalong naiyak si Sora. "Ate..."

Everything has a purpose.

Ngumiti si Mayo at pumikit. Malinaw pa sa kaniyang ala-ala ang nangyari nang gabing iyon. Walang buwan, walang liwanag na nagmumula sa langit kaya doble ang lakas ng Abyss. Siya na ang nakasunod sa trono kaya naman inuna ng lahat ang kaniyang kaligtasan. Ngunit sa hindi inaasahan ay nahuli siya ng isang Abyssion. The Abyssion has the intention to kill her, and he was almost successful.

Nagsimula siyang maghingalo. Hinang-hina na siya noon habang naghahabol ng hininga. Akala niya'y mamamatay na siya, ngunit kinuha siya ng isang matanda o ang tinatawag nilang Elder at dinala sa Terra Sacratua. Doon ay nakita niya kung paano nakipag-usap ang matanda sa Socros. Inialay nito ang batong hiyas para sa kaniyang kaligtasan. Nang oras ding 'yon ay bumalik ang kaniyang lakas, ang kaniyang buhay. Ibinigay ng Elder ang bato para lang mabuhay siya.

LEGENDS: Mythical Glory (Season, #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon