Mga Unang Hakbang sa Elderglen
Third Person's Pov
Pagkagising ni Aiden kinabukasan, halos nakalimutan niya kung nasaan siya. Ang silid ay punong-puno ng liwanag, na para bang hindi dumaan ang gabi. Napabuntong-hininga siya habang pinagmamasdan ang paligid, mga puno na ang mga sanga ay tila nagdadaluyan ng liwanag, at mga puno ng kristal na lumalaban sa batas ng gravity, nakabitin sa hangin at dahan-dahang umiikot.
Pagbangon niya mula sa kama, ang malambot na tunog ng mga pinto ay biglang bumukas. Pumasok ang isang matangkad na fae na nakasuot ng simpleng tunika, may dalang tray ng pagkain.
"Good morning, Aiden," bati ng fae nang may tipid na ngiti. "Ako si Leander, isa sa mga tagapangasiwa dito sa Elderglen. Ako ang maghahatid sayo sa unang araw mo."
"Salamat, Leander," tugon ni Aiden na may pilit na ngiti. Bagamat hindi pa rin siya ganap na kampante sa paligid, ramdam niya ang kabaitan ng lalaki.
"Narito ang agahan mo," ani Leander habang inilalapag ang tray. "Kailangan mo ng lakas para sa orientation mo mamaya."
Bago kainin ni Aiden ang pagkaing nakahain ay pinagmasdan niya muna ito ng mabuti, marahang sinuri kung may lason ba ito o may kung anong kakain na nilagay. Sininghot-singhot nya pa ito kung may kakaibang amoy ang mga pagkain.
Natawa naman sa kanyang kilos si Leander. "Ang mga pagkaing yan ay hindi pangkaraniwan, ngunit saaming mga fae, natural ang pagkaing iyan. Magkawangis lamang ang aming mga pagkain, sa pagkain ninyong mga mortal, ngunit malaki parin ang diperensya nito. "
"At isa pa, ang pagkaing nakahain sa harap mo ay hindi pangkaraniwang hapag ng mga fae. Ito’y hinabi mula sa mga bihirang ani ng matataas na uri. Ang bawat sangkap ay kinuha mula sa pinakabanal na mga hardin at kagubatan, mga bunga at bulaklak na tanging mga pinili lamang ang nagkakaroon ng karapatan. Isang pabor ng mga pinakadakilang fae ang makatikim ng tulad nito, at ikaw, bilang isang mortal, ay napakapalad na paghandugan ng bihirang biyayang ito.”
Tumango-tango na lamang si Aiden na senyales ng kanyang pag sang-ayon.
Habang kumakain si Aiden ng kakaibang prutas at tinapay na tila kumikislap, napansin niyang si Leander ay tahimik na nakatingin sa kanya.
"Ano pong... ano pong inaasahan niyo sa akin dito?" tanong ni Aiden, halos nahihiya. Hindi pa rin niya lubos maisip kung bakit siya napili sa kabila ng pagiging mortal niya.
Ngumiti si Leander, pero may kalalimang nakikita si Aiden sa kanyang mga mata. "Ang totoo, wala akong kasagutan diyan, Aiden. Ang mga desisyon ng council ay misteryo kahit para sa amin. Pero ang isang tiyak, hindi ka nila pinili nang walang dahilan."
Tahimik na sumimsim ng tubig si Aiden, iniisip ang mga sinabi ni Leander. Pagkatapos niyang kumain, sinamahan siya ni Leander palabas ng silid.
Habang binabaybay nila ang daan, muling nahulog sa pagkamangha si Aiden. Hindi nya ito labis na pinagkaabalahang pansinin lahat noong kakapasok niya palang kasama si professor Lira.
Inilipat niya ang kanyang tingin. Lahat ng sulok ay kaniyang tinitingnan. Sobra-sobra ang kanyang pagkamangha, hindi niya lubos na akalain totoo ang lahat ng ito na sa mga kwento-kwento at aklat niya lamang ito nababasa at naririnig.
Ang Elderglen Academy ay parang isang paraiso, mga halaman at bulaklak na naglalakad-lakad, mga puno na kumikislap at tila may sariling buhay, at mga ilog na may mga sirena at fae na naglalaro sa tubig. Habang naglalakad sila, hindi maiwasan ni Aiden ang pagkamangha.
Ngunit sa kabila ng kagandahan, naramdaman niyang may mga matang nakatingin sa kanya. Ang iba sa mga estudyanteng fae ay parang nagtataka, ang iba naman ay tila natatawa. Walang mortal na estudyante ang nagtagal sa Elderglen, at alam ni Aiden na kakaiba ang kanyang presensya.
BINABASA MO ANG
Heart of the Fae
FantasySimula pa lang, ramdam na ni Aiden na may koneksyon siya sa mahiwagang mundo ng mahika, pero hindi niya inakalang magkakaroon siya ng sariling lugar dito. Kaya nang mapili siyang mag-aral sa Elderglen Academy. Isang makalumang paaralan na nakatago s...