Ang Paanyaya
Aiden's Pov
Isang malamig na gabi ang pumukaw kay Aiden. Bumangon sya sa kanyang higaan at lumabas ng kwarto. Mahina at tila di maka basag pinggan ang naging aksyon nya ng pihitin nya ang doorknob ng kanyang pintuan. Dahan-dahan rin syang naglakad paalis sa kanyang kwarto.
Sa paglabas ay nadaanan nya ang kwarto ng nakakatandang kapatid na nag ngangalang Alexander. Marahan nyang sinilip ang kalagayan ng kanyang kuya, at ng makitang ito'y mahimbing na natutulog ay agad naman itong umalis.
Sila na lamang ng kuya nya ang magkasama sa buhay. Maagang nawala'y sa pamilya ang dalawa, hindi nya rin alam ang buong detalye ng pagkamatay ng kanyang mga magulang at tanging sa kwento na lamang ng kanyang kuya nalaman ang mga ito. Ngunit sa kabila ng lahat, ay panatag naman ang kanyang kalooban, may minsang pangungulila ngunit dahil sa presensya ng nag-iisang kadugo, ay ito'y lahat na napapawi.
Pagkarating sa kanilang balcony, isang malamig na hangin ang dumampi sa knyang muka. "Ang weird naman ng hangin ngayon" wika nya. "Marahil ay dahil ito sa natural na panahon, dahil February na ngayon". Dugtong nya pa.
Naglakad si Aiden sa may bandang likod ng kanilang bahay, malapit sa kumikislap na lawa na sanhi ng makinang at buong-buo na buwan. Katabi rin nito ang madilim na kagubatan na sa kabila ng madilim nitong tanawin, ay hindi naman sya nakaramdam ng takot dahil sa liwanag na taglay ng buwan at sa tumatapang liwanag na nag mula sa ilaw sa bahay nila.
Ngunit sa paglingon nya sa kagubatan, tila daan-daang mata ang naka kubli roon na matagal ng nagmamatyag sa kanya. "Ano kaya ang meron diyan sa loob ng kagubatang yan at hindi naman kailan man napuntahan ng kuya". wika nya
" Hayss... Imbes na magtaka ay makaupo na lamang dito... " Saad nya nang biglang may malakas na hangin ang puma-ikot sa kanyang kinaroroonan na tila ba ay tuluyan na nitong narating ang hinanap.
"Kuyaaaaaaa!! Tulong.... sigaw nya dahil sa biglang taranta, at sa nakakapangilabot na dala ng hangin.
" Kuyaaaaaaa... "
Sabay ng pagdating ng kanyang kapatid ay ang paglitaw ng natatanging papel na kawangis ng mga imbistasyong ginagamit noong unang panahon.
"Dumating na ang araw" may pangambang saad ng kanyang kuya.
"Anong araw kuya? Ano yang nakalutang nayan? Saan yan nagmula? " Sunod-sunod nyang tanong.
"Ikaw ang itinakda, ngunit maging ako ay naguhuluhan, paanong mortal ang nakatakda? "
"Anong itinakda kuya? Anong mortal na sinasabi mo? May alam ka ba sa mga ito?" Sunod-sunod ulit niyang tanong.
"Nakikita mo ba ang kagubatang iyan? Isang illusyon lamang iyan, sa likod niyan ay isang kakaibang mundo, mundo na kung saaan naglalantad ng mga kasagutan sa mga sabi-sabi at mga alamat."
"Hindi ko parin maunawaan lahat. Teka, may alam ka ba dito talaga? Na guguluhan ako sayo kuya, nakakaduda ka"
"Sabihin na natin minsan na akong nakapunta diyan, katulad mo ay nagkaroon rin ako ng misyon na bigo kong gampanan"
"Misyon? Nahihibang kana ba kuya, anong misyon saakin? Nakaka lito na" sigaw nya.
"Ang lahat ay naka sulat sa propesiya, hindi mo pwedeng takasan ang nakasulat sa hinaharap.
Sa bawat hakbang, nakatago ang anino ng propesiya, walang lihim na hindi magpapakita sa takdang panahon." Makahulugang wika ng kanyang kapatid
BINABASA MO ANG
Heart of the Fae
FantasiSimula pa lang, ramdam na ni Aiden na may koneksyon siya sa mahiwagang mundo ng mahika, pero hindi niya inakalang magkakaroon siya ng sariling lugar dito. Kaya nang mapili siyang mag-aral sa Elderglen Academy. Isang makalumang paaralan na nakatago s...