Three

482 33 6
                                    

ISA

"Thank you for accepting our offer" Ms. Leny stated

Ngumiti naman ako pabalik at nakipag kamay ulit sa kanya.

"It'll be our pleasure working with you Ms. Rodriguez" I answered

"Well then I guess we have to go, we still have other meetings. Again Ms. Rodriguez thank you" paalam naman ni Robin

Nag paalam na kami sa isa't isa at nauna na silang lumabas. Umupo uli kami ni Robin at inubos ang pagkain.

Our next meeting ay sa isang resort naman. Nag tagal ng mahigit isang oras ang meeting kanina. Mas napadami ang kwentuhan kaysa sa usapan mismo sa trabaho.

Magaan silang ka trabaho. I like the vibes. Hindi pilit at mahahalatang interesado talaga sila. Besides, hindi narin kami malulugi lalo na at malaki rin ang kumpanya nila.

I'll surely enjoy working with them.

"Tara na busog nako" pag aaya ko.

"Kita mong kumakain pako mag aaya ka na"

"Napakabagal" reklamo ko

Inirapan lang niya ako at mas binilisan ng kumain. Palibhasa masiyadong ninanamnam ang bawat pagsubo.

Nang matapos siya ay agad kaming lumabas. May twenty minutes pa naman kami para sa susunod na meeting.

Before driving ay nag update muna ako sa asawa ko. Ayokong mag away nanaman kami pag uwi.

I'll be late and I'm sure when I'm late, giyera ang mangyayari.

.
.
.
.

ALI

Six PM na.

Kanina pang tanghali ang huling update niya sa akin. Nag aalala na ako. Sinubukan kong tawagan siya pero walang sumasagot.

Inabala ko muna ang sarili ko sa pag ta trabaho. Ilang oras pa ang lumipas at patuloy ko paring inabala ang sarili ko sa pagta trabaho.

"It's late why are you still working?" tangina

muntik pa akong mapatalon sa gulat ng may biglang mag salita.

"Bakit ngayon ka lang?" tanong ko nakasimangot nang makitang dumating ang asawa ko

"I miss you" ang tanging sagot niya at nag lakad palapit sa akin, niyakap niya rin ako ng napakahigpit. Muntik narin siyang matumba, mabuti nalang at nasalo ko.

AMOY ALAK!!

"Lasing ka nanaman"

"Hmm"

Lasing nga

Lasing na lasing.

Ni hindi na makapag salita at makatayo ng maayos.

"Bakit ka nanaman uminom?" tanong ko ng makaupo kami sa sofa. Ako lang pala, kasi siya nakahiga na.

"It's part of the deal. Si Robin kasi eh kung ano anong pinag sasabi" nakapikit na aniya.

"At pumayag ka naman?"

"Of course, I love alcohols baby" bigla siyang bumangon at inilapit ang muka niya sa akin "I love getting drunk, lalo na kapag tungkol sa trabaho ang usapan"

Inirapan ko siya, trabaho o baka naman may ibang tina trabaho.

"What? nag dududa ka nanaman ba?"

"May dapat ba akong pag dudahan?"

"Nothing really, pero the way how you look at me. Parang ang laki ng kasalanan ko a."

Napapikit ako sa inis. Alam kong away nanaman ang kasunod nito. Maikli ang pasensya ko sa taong lasing, lalo na at hindi pa siya nag a update sa akin kanina.

Love Passed By Where stories live. Discover now