a/n: 3k reads tenchuu
ALI
6:30 PM
Nag handa na ako ng mga pagkain, niluto ko ang ilan sa mga paborito niya. Para pag dating niya ay makakain siya agad. May hindi man kami pagkakaintindihan ayoko paring nagugutom siya.
7:30 PM
Nakahanda na ang lahat, nag hihintay nalang ako sa kanya. Tinignan ko ang telepono ko kung may message na ba siya o tawag pero wala.
8:00 PM
Lumalamig na ang mga pagkain, napag isipan kong takpan muna ang mga nakahain sa mesa at mag hintay sa labas.
Sinubukan kong mag message ulit sa secretary niya, ang sabi ay nasa meeting pa daw. At least kahit na wala siyang tawag o message mag hapon mayroon siyang secretary na nag a update sa akin.
8:30 PM
Tapos na daw ang meeting, nasa loob na daw ng opisina ang asawa ko pero busy parin ito.
Gaano ba kadami ang trabaho niya at ni hindi niya magawang tawagan ako.
9:30 PM
Pumasok na ako sa loob at nauna nang kumain. Hindi ko na siya kayang antayin pa. Malamig na ang ilan sa niluto ko.
Masama ang loob kong kumain, pagkatapos ay itinapon ko na ang iba ang natira ay inilagay ko sa ref.
Nag sayang lang ako sa oras sa pag hahanda, wala rin palang kakain. Sana hindi nalang ako nag effort. Bumalik ako sa sala para mag hintay, nag aalala na ako sa kanya.
10:40 PM
Kanina pa ako nag hihintay pero hindi pa siya nakakauwi. Nakakainis lang na hindi niya nagawang tumawag o mag text manlang.
Ang huling sabi ng secretary niya ay may ginagawa pa ito pero patapos na daw pero heto at wala parin siya sa bahay.
Humiga ako at inabala ang sarili sa panonood.
12:00 mn
Nagising ako sa lakas ng pag kakasara ng pintuan. Agad akong bumangon para tignan ito.
Ang asawa kong hindi makapag lakad ng maayos ang bumungad sa akin. Dere deretso siyang lumapit sa akin. Agad akong tumayo para sana alalayan siya pero umiwas siya.
Amoy alak nanaman
"Oh you're still awake" parang walang ganang sabi niya
"Bakit ngayon ka lang?" walang ganang tanong ko pero ang totoo naiinis ako.
"Work"
"Alam kong nasa trabaho ka pero bakit ka inabot ng hating gabi?" galit na tanong ko "At bakit ba lasing ka nanaman?"
Nakatitig lang siya sa akin tila nag iisip ng malalim. Walang emosyon ang mga mata niya.
"Ano? Bakit hindi ka mag salita?"
nag lakad ako palapit sa kanya at galit na tumingin sa kanya. Araw araw umuuwing lasing hindi na nag bago.
"Ang sabi ng secretary mo kaninang 9:30 pa patapos ang trabaho mo. Bakit ka umabot ng madaling araw?"
"Trabaho lang ba talaga ang ginagawa mo o baka may iba ka nang trabaho?" galit na tanong ko sa kanya.
Hindi parin siya nag sasalita at nanatiling nakatitig sa akin.
"Do you still trust me?" mahinang tanong niya
"Ano bang klaseng tanong yan."
"I am only asking love if you still trust me, hindi mo kailangang magalit"
YOU ARE READING
Love Passed By
Teen FictionBOOK 2 OF ILYSM, YKI When a used to be happy marriage slowly falls off. What will she do to resolve the conflicts between them. Will she stay? or Will she give up? Love Passed By Date started: Nov. 4, 2024