Six

175 32 23
                                    

ISA

I keep on driving without knowing where I am going. My mind is really clouded. I can't think right, knowing na iniwan ko siya doon mag isa.

Nang makakita ako ng tindahan ay bumaba ako at bumili ng alak. Sabi nga niya dito daw ako magaling, uminom ng uminom. Little did she know, it's my sweet escape everytime we're fighting.

Pagkatapos kong bumili ng mga alak ay muli akong sumakay sa sasakyan at nag maneho. Mahigit isang oras din siguro akong nag mamaneho. Itinigil ko lang ang sasakyan ng mapansing wala na gaanong mga tao at bumungad sa akin ang isang magandang tanawin.

City Lights

Napakagandang tanawin at napaka liwanag ng buong syudad. I didn't know there's a place like this.

Umupo ako sa harapan ng sasakyan ko at inilabas ang mga binili ko. I'm in so much pain I'm starting to feel numb.

Ang hirap mag mahal. No matter how many sacrifices and love I can give, it will always not be enough.

Good thing walang tao ngayon dito. I can cry all night without anyone seeing.

Habang mas lumalalim pa ang gabi, unti unti ko nang nauubos ang alak. It's a good thing that this place have this kind of view, kahit papano ay gumagaan ang pakiramdam ko. Binuksan ko ang isang bote at ininom ito, napabuntong hininga pa ako dahil sa gulo ng isipan ko. Hindi nag tagal ay halos maka anim na bote na ako.

Humiga ako at napatingin sa kalangitan, ang ganda talaga ng buwan.

"Isa?"

I look at the person who called my name. Agad pa akong napatayo sa kinalalagyan ko dahil sa gulat.

Medyo nahilo rin ako dahil sa biglaang pag tayo.

"Leny?"

Sinubukan ko pa itong aninagin dahil nga madilim talaga ang paligid at ang tanging liwanag ko lang ngayon ay ang buwan. What the!?? anong ginagawa niya dito.

"Yeah it's me"

"What are you doing here?" I curiously asked, medyo nanlalabo narin ang paningin ko. Humawak pa ako sa hood ng sasakyan para siguraduhing hindi ako matutumba.

"Well I stay here once in a while and this is the first time that I have seen someone here" nag lakad siya palapit sa akin. "You drink?" itinaas pa niya ang mga bote ng alak.

"Yeah" ngumiti pa ako at umupo ulit sa hood ng sasakyan. Tinapik ko pa ang tabi ko para ayain siyang umupo.

"Well would you mind sharing a drink?"

Natawa ako sa sinabi niya, may anim na bote pa naman ako kaya ibinigay ko ang isa sa kanya. Pinag buksan ko rin siya.

Walang pulutan pero pwede na, sapat na siguro ang kwentuhan lang.

"How long have you been here?" tanong niya ng walang umimik sa aming dalawa.

"I don't know"

I really don't know, nawala na sa isipan kong tignan ang orasan. I'm distracted with the city lights.

"Mukang hindi mo napansin pero I'm guessing medyo matagal ka na dito."

Natawa ako sa sinabi niya, maybe she's right.

"Anong oras na ba?" I curiously asked

"It's almost 3 am"

THE FVCK!!

Ganon na ako katagal dito. Natawa siya sa reaksyon ko.

"So Ms. Isa what are you doing here?"

"Thinking" I shortly answered

Love Passed By Where stories live. Discover now