ISAAnother two years have passed, I can already say that I've moved on. Our divorce was granted last year. I'm back being single.
Since that day iniwan at kinalimutan ko na ang lahat. I let her stay in the company but I don't see her often anymore. Even our used to be house was sold. I don't know who bought it but I made sure that the money was sent to her.
I'm still busy but I've made sure that I still have time for myself. Madalas rin akong lumabas ng bansa para makipag negotiate sa ibang investors.
Well if ever our paths cross again, I will probably say hi to her at kung hindi man niya ako pansinin ay okay lang din. I chose to forget because it's what she wants. Yung mga nasayang na taon ay wala nalang sa akin. Wala akong naging kasintahan at lalong wala akong naging asawa.
During the process of my moving on, I realize that I am not really meant to love and to be love. I wasted years trying to please someone na dapat hindi ko ginawa.
"Isa aren't you tired? kadarating mo palang aalis ka nanaman ng bansa" reklamo ni Grace habang nakahiga sa kama ko.
Ni hindi pa siya naliligo pero andito nanaman siya nang iistorbo.
"It's part of my job Grace. Isa pa nandito ka naman so that only means na hindi ko kailangang mag alala sa kumpanya ko"
Inirapan niya ako sa sagot ko. She's the acting CEO for the meantime.
"Yeah right. Pero what if mag nakaw ako sa kumpanya mo?" pananakot niya
Tsk
As if she can do that
"Sure sure take whatever you want" I answered habang nag iimpake nanaman ng mga bagong damit.
Kakauwi ko lang noong isang araw at aalis ulit ako bukas. Sa ngayon ay pupunta muna akong opisina para i check ang mga bagay na dapat kong ayusin.
Kaunti lang naman dahil ang ilan ay naasikaso na niya.
"Umalis ka nga diyan ang baho mo" binato ko siya ng damit na naka kalat.
"Kung maka reklamo ka akala mo hindi mo ako niyakap mag damag a"
Eew
Lasing ako kagabi kaya siya ang nayakap ko. I thought it was my pillow, ka terno niya kasi ang higaan ko.
"Yuck"
"Maka yuck ka ang yummy ko kaya"
"Sinong may sabi?"
"Asawa ko" proud na sagot niya
Asawa niyang adik na adik sa kanya. Kulang nalang itali sila sa isa't isa.
"Alis na ginugulo mo lang higaan ko eh"
"Fine fine eto na tatayo na o" dahil nga makulit siya ay isinama pa niya ang kumot ko sa pag tayo
"Grace!!! yang kumot ko ibabalik mo o ikaw gagawin kong kumot!?"
"Napakaarte akala mo hindi kaibigan" bubulong bulong na aniya akala mo hindi naririnig.
Inayos naman niya ang kumot ko. "O ayan kamahalan maaayos na, makaalis na nga"
Inirapan ko lang siya at natawa ng padabog siyang nag lakad palabas. She's pregnant although hindi pa gaanong halata ay ako ang pinag lilihian niya.
While fixing my things ay inilagay ko na ang mga dadalhin ko sa opisina. Kaunti lang naman, laptop at ipad lang.
Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako ng kwarto. Kakain muna ako bago dumiretso doon.
YOU ARE READING
Love Passed By
Teen FictionWhen a used to be happy marriage slowly falls off. What will she do to resolve the conflicts between them. Will she stay? or Will she give up? Love Passed By Book 2 of ILYSM,YKI