CHAPTER 2

479 8 1
                                    

CHAPTER 2



UMIYAK ako nang gabing iyon, ayaw kong may ganito ang anak ko. Ayaw kong mawala siya sa akin, Diyos, bakit ngayon pa? Gusto ko pang makasama ang anak ko, huwag mo naman po siyang kunin! Ang bata-bata pa ni Knox para magkaroon ng sakit na katulad noon!

"Ma'am, tawag po ni Master Darcker." Napukaw ako sa pagtawag at pagtapik ng babae sa aking balikat. "Mukhang ang lalim po ng iniisip niyo ah? Don't worry ma'am, matatanggap ka po!"

Ha? Wala e, blangko ang mukha ko.

Kumatok ako sa pintuan ng master nila na si Darcker. Master-master pa, ano siya, cooking master boy?

"Sir, tawag mo raw ako?" tanong ko sa master nila.

"Ahm, yes, here." Iniabot niya ang mga papel na napakarami. Napanganga ako.

"Aanhin ko ito?" tanong ko.

"Kainin mo, malamang ayusin mo iyan!" He glared at me. Wow, baliw to ah!

"Ito kakainin ko? Ikaw kaya kumain?" I murmured.

"Ano?" Tumalikod ako at tumakbo, dala-dala ang ibinigay niya sa akin.

Nang makalabas, nagtanong ako sa babaeng nilapitan ako kanina.

"Miss, saan ang desk ko?"

"Ow, doon ka sa tabi ni Ching." Tinuro niya ang babaeng mukhang mabait naman.

"Hi," sabi ko sa kanya, pero dedma siya.

Umupo ako at bumuntong hininga.

Napakadami nito ah, bumuntong hininga muli ako.

"Stop sighing, you're bothering me," she said.

Humingi ako ng sorry.

Nagsimula ako around 1 PM then natapos ko naman is mga alas-siyete ng gabi, marami kasi.

Napahikab at napatingin ako sa kisame.

Para sa anak ko, gagawin ko lahat. Itong lahat ay para sa kaniya.

Napatingin ako sa mga side ko, ako nalang pala ang natitira, wala na silang lahat. Bakit ako lang? Di ba nila ako pinagsabihan?

"Riley," himpit akong napasigaw at malapit pang napaupo sa sahig noong may tumawag sa akin. Jusko, papatayin siguro ako nito ngayon e!!

"Ohw? Sorry, am I looking scared like that? Para ba akong multo para matakot ka?" Conyo nitong cooking master boy niyo ah?

"Sorry sir, nagulat lang talaga ako," yumuko ako at napahimas sa dibdib ko.

Nang makatingin na ako sa kaniya, putik, nakatingin na pala siya sa dalawa kong dibdib, parang huhubaran na ako nitong hayop na ito ah?

Nang tignan ko siya ng matulin, ibinalik naman niya ang kaniyang tingin sa aking mga mata.

"You're so familiar to me—"

I cleared my throat and ngumisi.

"Sir, iba yata 'yon!" Tinapik ko siya.

No! Big no! Just don't! Ayaw kong malaman niya na ako ang katalik niya noong gabing iyon!

"No, you're just like her," tinuro niya ang dibdib ko. "Pareho kayo ng dibdib, and your face is small, it was really, really like her!"

Natawa ako sa kaniya.

Pinalaki ko ang mukha ko.

"Sir, malaki ang mukha ko," tiningnan ko ang relo ko. Naksssss!

It's already 9 PM! Ganon ba kami katagal nag-usap??

"Sir, pwede na ba akong umuwi?" I asked him politely.

Mafia Obsession Series  1: Darcker Kean LeonardosWhere stories live. Discover now