CHAPTER 4
"NAKAINOM ka ba, Riley?" tanong sakin ni Yanie. Nakatunganga ako ngayon.
"Yanie! Alam na niya!" Naiinis kong sinabunutan ang buhok ko.
"Hala si OA."
"Hindi ka ba kinakabahan, Yanie?" tanong ko sa kaniya.
"Bakit naman ako kakabahan? Kung alam na niya, edi ipaubaya mo! Riley, nakakalimutan mo bang ama siya ni Knox—" agad kong tinakpan ng kamay ko ang bibig niya dahil paparating si Knox.
"My Knox! Baby!"
"Tangina, nakakabigla ka ah!" She slapped me, bruh!
"Mommy? Ano pong pinag-uusapan ninyo?" tanong ni Knox sa akin.
"Anak, wala 'yun, about 'yun sa aking work," sagot ko sa kaniya. Hindi ko hahayaan na may malaman siya tungkol sa kanyang dad. No way! "Matulog ka na, anak. You have to attend your class tomorrow pa."
"Mommy, tabi tayo please?" He pouted his small lips. Nacucutan talaga ako kay Knox every time he does that kind of cuteness.
"Okay. I will shower ha? And brush my teeth, okay?" He nodded and smiled.
"Okay, I'll wait for you in my bed!"
Agad akong dumeretso sa CR at nag-shower, pagkatapos ay nag-toothbrush.
"Yanie," I called her name, she turned her face to see me.
"Ano?"
"Kilala mo ba si Darcker?" Gusto kong tanungin siya ng isang bagay.
"Luh? Ginagago mo ba ako?" tanong niya. I crossed my arms and raised my eyebrow dahil sa sinabi niya.
"Anong ginagago?"
"Wala. Oo naman, kilala ko siya. Bakit mo natanong? May something na ba in you and him?" I glared at her.
"Mukha mo may something. Yanie, please respond to my question when I'm in serious mood? I am not joking though." Napataas ang kanyang kilay.
"Wow? Nakapasok ka lang sa kompanya niya, englishera ka na?" Tumayo at kumuha siya ng towel for shower siguro.
"Ano nga?"
"Bakit, ano bang gusto mong malaman about him?" I'm still thinking. Ah, yun!
"M-may babae ba siya? May girlfriend? May kung ano-anong babae?"
"Wow, ang daming tanong e, pare-pareho lang namang tinatanong?!" Aba, napaka ano talaga nitong babae na'to!
"Eyh! Sagutin mo nalang! Dalian mo!" Nagmamadali kong aniya sa kaniya.
"Oo nga, ito nanga!" Huminga siya at nagsalita na. "Ang sa pagkakaalam ko, meron siya palaging kinakama, and you know what? Gabi-gabi 'yun! Sa bar!"
"Saang bar?" I asked.
"Bar ng mga Torneo siguro 'yun?"
? It means di siya sigurado?
"Ano nga?"
"Iyun nga! Sa bar nina Torneo."
"Sino ba si Torneo?" seryoso kong tanong sa kaniya at umupo sa silya.
"Basta, kaibigan niya 'yan. Marami sila, Riley, kaya kung ako sa'yo, kung magkikita kayo, e dapat mag-ingat ka. They're desperate to fuck the woman who gets their attention. Kahit na si Darcker, ganon rin!" Napakagat ako sa aking labi at sa aking kamay. Ganon ba sila nakakatakot?
"At hindi lang iyan, Riley. Alam mo bang may pinatay na sila?" She sighed and continued talking. "Tapos chinachop-chop nila ang mga katawan..."
Napatayo ako unti-unti dahil sa kabang nararamdaman. Is that true?
YOU ARE READING
Mafia Obsession Series 1: Darcker Kean Leonardos
Romance(UNDER EDITING) Darcker Kean Leonardos the ruthless man. Wala siyang awa sa mga taong kalaban niya lalo na kung hindi niya ito nagugustuhan, kahit na sa mga babaeng inaakit nya ngunit sa kama nga lang. Mature content: R-18