CHAPTER 17

176 3 1
                                    

CHAPTER 17



ITO nanaman ako, hinahanap si Riley na nababaliw na kung saan hahanapin. I was so frustrated. Hindi ko siya mahanap; paano kung nadala na siya sa ibang bansa? At hindi na ibabalik sa akin? What am I going to do?

"Budd, kailangan mong maging matatag. Mahahanap din natin si Riley; maniwala ka kay Sandro." Hindi ako kumibo sa kanya at patuloy na nag-isip kung paano hahanapin sina Riley at Knox.

"Halos mabaliw na nga yung isa, eh!" Biglang sabi ni Fedron.

"Iyun pa, noong tinakbuhan ni Clive ang kaniyang kinababaliwan at ang mga anak nito, naku, halos mabaliw!" Natatawang sabi ni Yohan.

"Hanep yung lalaki na 'yun, isang sagad, nakatatlo agad; e si Darcker, ilan ba? Mukhang isang sagad, at isa lang ang lalabas, e." Tumawa sina Fedron at Yohan, tsaka si Dereck kay Efren.

Pinanlilisikan ko sila ng mga mata. "Shut your mouth!" I raised my brow at him and glared.

"At pinagtatawanan ninyo pa?" Biglang singit ni Sandro.

Tumingin ako sa kanya at bumuntong-hininga. Hindi ko mapigilan ang pag-iisip nang sobra what if hindi ko na sila maabutan? -ah...

Napatingin kami sa dumating. Si Siecco, isa sa mga miyembro namin.

"Porket wala kayong mga asawa at anak, e pagtatawanan ninyo? Tsk, sana nga kayo rin ang mataguan." Sabi ni Siecco at dumeretso sa pangdalawahang sofa.

"Kailan ka pa dumating?" Tanong ko.

"Yesterday night. Noong tumawag ako sa'yo. Kaso sinigawan at pinagbintangan mo pa ako." I tsked at him and looked away. That wasn't my intention.

"Ano? Kumusta ka sa pinanggalingan mo?" Tanong ni Yohan sa kanya.

"Not okay." Umiling-iling pa siya. "Nahihirapan akong mag-stay doon lalo na't pinagbabawalan kami ni Ama na lumabas. Pati na rin si Crassa, ayaw niyang palabasin. Tumakas lang ako, e." Kwento niya sa aming lima.

"Nabalitaan kong nadisgrasya daw si Crassa?" Tanong ni Dereck sa kanya. Tumango si Siecco sa tanong ni Dereck. Tumingin siya sa kisame at nagsalita ulit.

"Sina Ms. Darisse at Darassa pupunta rito sa susunod na taon." Sabi ni Siecco. Nagulat ako at ang mga kasama ko.

What the f*ck!? Hindi pa naman iyon titigil kakasermon sa'yo kapag di ka humihingi ng tawad, tsaka ang titigas din ng ulo ng mga 'yon!

"What the heck?! Bakit daw?" Tanong ni Fedron.

"Alam ninyo na, 'yung Ama nila, naghahanap ng mapapangasawa nilang dalawa and you know what? Sina Darisse at Darassa ay mayroon nang nakitang mapapangasawa." Natatawang sabi ni Siecco. "And this makes me laugh, guys. The men they want to marry? Ang weird at nerd. Napakapangit. Gwapo pa ako sa mga lalaking 'yun."

"Baka gusto mo lang na ikaw ang pakasalan nila kaya mo hinuhusgahan ang mga pagkatao nila?" Dumilim ang mga mata ni Siecco, at galit na galit na nakatingin kay Fedron.

"What? Ako pa talaga? Sino ba itong unang nagkagusto kay Darisse?" Nag-iinit na ang ulo ko dahil sa kanilang pagtatalo.

"Kung ayaw mo sa mapapangasawa ni Darisse, edi mag-volunteer ka, gago ka!" Sabi ni Fedron, at ito ang ikinagalit ni Siecco.

Tatayo na sana siya nang magsalita ako.

"Kung mag-aaway kayo, doon kayo sa labas, huwag dito." Madilim ang mukha kong nakatingin sa kanila.

"Darcker," lumingon ako para makita si Sandro tinawag niya ang pangalan ko.

"What?"

"Na-locate ko na sila!"

Mafia Obsession Series  1: Darcker Kean LeonardosWhere stories live. Discover now