"Gusto kita Vince!" Lakas loob kong sabi sa lalaking kaharap ko ngayon.
Nanlalaki ang kanyang mata na nakatingin sakin.
""Hahaha. Seriously? Ako gusto mo?" Tumawa siya ng malakas na para bang nakakatawa ang sinabi ko sa kanya.
"O-oo ma-matagal na. Highschool pa lang tayo." Gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa panginginig ng boses ko.
Matagal ko na itong plinano kaya dapat hindi ako kabahan.
"Jerraine, hindi kita gusto." Umiwas siya ng tingin nang sinabi niya iyong mga katagang unti unting winawasak ang puso ko.
"P-pero ba-bakit.." Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla na lang bumuhos ang aking mga luha.
"Si Erika." Bigla akong napatingin sa kanya. Si erika, oo nga pala si erika..
"Si Erika, siya ang mahal ko." Ang sakit. Ang sakit marinig sa taong matagal mo ng mahal na may mahal na siyang iba at ang malala pa, sa kaibigan mo pa.
"Oo nga pala. Si Erika ang matagal mo ng pinapangarap." Naiiyak kong sabi.
Bakit ko ba kasi kinalimutan iyon. Bakit kasi ako nagpadala sa pagiging sweet niya. Bakit ko ba kasi binigyan ng ibang meaning ang ginagawa niya sa akin. Ang tanga mo Jerraine! Ang tanga tanga mo!
"Jerraine I'm so-" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya bigla na lang akong tumakbo.
Ayoko ng marinig pa ang iba niyang sasabihin. Tama na. Sobrang sakit na.
BINABASA MO ANG
PSS: The Smart Girl
RomanceJerraine Lopez is inlove with her best friend Vince Reyes.