"Ang tagal niya! Anong oras na!" Naiinis na sabi ni Nica."Baka may jetlag pa. Di ba kahapon lang siya nakauwe." Tama nga naman ang sinabi ni Laine.
" Bakit kasi hindi niya sa atin pinaalam na uuwe na pala siya. Edi sana kahapon, tayo ang sumalubong sa kanya. Ikaw Jerraine alam mo ba na nakauwe na siya ha?!" Tanong sa akin Giezel.
"Hindi ko alam ah. Kaninang umaga ko rin nalaman nung binalita sa news at na kumpira ko rin nung tumawag siya." Totoo naman. Lahat kami nagulat sa pagbabalik niya and it's a good thing dahil halos dalawang taon din siyang nawala.
"Ano ba kayo! Hindi na kayo nasanay kay Erika! Dati pa naman ganyan na siya." Napabaling ako kay Lara na bigla na lang nagsasalita.
"Yeah, tama si Lara. Erika is always like that. She likes surprises." Mukang tapos ng magbasa itong si Rhein ha. Nakikisali na sa usapan ee.
"Hay nako! Ang tagal pa rin niya. Gutom na kaya ako."
"Hoy Mia! Para namang hindi ka kumain kanina! Ang takaw mo talaga." Ito talagang si Agatha hindi nabubuhay na walang inaasar na tao.
"Ako nanaman ang nakita mo!" Yan na po, umpisa na sila.
"Hoy kayong dalawa. Tumigil na kayo." Awat ko.
Ngayon lang ulit kami nagkasama sama ng kumpleto at mas magiging kumpleto na kami dahil darating na si Erika.
" Buti na lang umuwe na yung babaeng un" seryosong sabi ni Nica.
"For the past Two years wala man lang tayong alam kung ano nga ba ang dahilan kung bakit siya umalis ng bansa" natatawang komento ni Laine.
"I miss her" Napabaling kaming lahat kay Rhein.
"Sino ba ang hindi makakamiss sa kanya. Pati nga nanay ko miss na siya e. HAHAHA." Para talagang ewan itong si Agatha. seryoso na ang usapan sabay babanat ng ganun.
"kamusta na pala kayo? ilang months din tayong hindi nagkita ah! huling kita naten december pa?!" nakangiting saad ni Mia.
"Oo nga e. Kung hindi pa umuwe si Erika hindi pa tayo magkikita kita" Tama nga naman si Lara.
Siyam kaming magkakaibigan Nica, Laine, Agatha, Giezel, Rhein, Mia, Lara, ako at si Erika.
Nabuo ang pagkakaibigan namin noong High School kami. Hindi ko nga akalain na magtatagal ang pagkakaibigan namin.
1st year High school ko nakilala si Erika at Rhein. 2nd year naman sina Nica, Giezel, Lara, Mia , Agatha at Laine.
We all came from different family pero ang turingan namin ay parang tunay na magkakapatid.
Masaya kami noon kahit na magkakaiba kami ng kolehiyong pinasukan.
Nagbago lang noong may nangyaring hindi inaasahan. Pero dahil sa nangyari noon mas naging Strong yung pagkakaibigan namin.
Nagpromise kami na wala kahit sino man o ano man walang titibag sa pagkakabigan namin lalong lalo na pag lalaki na ang usapan.
"Hi Guys." Nagulat kaming lahat ng biglang may nagsalita sa likuran namin.
"Oh my gosh!"
"Erika!?!" Sigaw naming lahat.
"Miss me?!" Nakangiting sabi ni Erika
BINABASA MO ANG
PSS: The Smart Girl
Любовные романыJerraine Lopez is inlove with her best friend Vince Reyes.