2

4 0 0
                                    

"Erika! Kamusta na" bigla ko siyang niyakap. Nakakamiss talaga itong babaeng ito.

"Ikaw babae ka! kung hindi pa namin nakita sa news na dumating ka na pala dito sa pilipinas ay hindi pa namin malalaman!" Pasigaw na sabi ni Mia.

"May balak ka bang sabihin samin ha!??!"

"Agatha yung boses mo! hinaan mo naman oh!" nakasigaw din naman si Mia. tsk.

"Parang hindi ka din sumigaw!" hay nakooo itong dalawa talaga oh.

"Oh tama nga kayong dalawa! hindi kayo ang bida dito ah nang aagaw pa kayo ng eksena!" nakangiting saad ni Laine

"Sorry po! Namiss ko kayo!" ito talagang si Erika dinadaan na lang sa pacute.

"So saan ka nakatira ngayon?" Nakangiting tanong ko.

"Nagtitipid kasi ako kaya kung pwede sainyo muna Jerraine. Pretty pleaseeee!"

"Jusko namam Erika ang yaman yaman niyo bakit mo kailangam magtipid?!" Tama nga naman ang sinabi ni Nica.

"Bakit yaman ko ba iyon? Hindi naman akin iyon " nakabusangot na sagot ni Erika.

"Oo na! Doon ka na sa akin tumira tutal ako lang naman ang mag isa sa apartment" nakangiting kong sagot kay Erika

"OMG! Thank you! O tara na punta na tayong apartment mo para makapag ayos na ko" excited na sabi ni Erika. Hila hila pa ang aking kamay.

" Hep hep hep! Ano to? Ganun na lang iyon? Pagtapos mo kaming paghintayin ng higit dalawang oras aalis ka na agad? Porket nakahanap ka ng matitirhan!" Pagalit na sabi ni Giezel.

"Ahh .. hehehe. Sorry na. Naexcite lang ako"

"Nako Erika ah! Wag mo kaming daanin sa papacute mo" nakasimagot na saad ni Agatha.

"Okay fine, I'm sorry. I am just excited you know. But I miss you all" 

"Nakss. English Erika!" Pang aasar ni Mia.

"Shut up Mia. hahaha. Well, Ano nang balita sa inyong lahat? Gosh ang gaganda niyong lahat! May mga Boyfriend na ba kayo ha?"

"Itulad mo naman kami kay Giezel, Erika! Kung kani kanino pumapatol!" natatawang saad ni Laine.

"Excuse me? I'm not! Sila itong naghahabol sa akin so pinagbibigyan ko lang naman sila" 

"Ako wala akong boyfriend, Erika. Bakit? May pakikilala ka bang boylet diyan?" saad ni Nica.

"Hoy Nica! Humahaliparot ka nanaman diyan ah!" pangangasar ni Lara.

"O siya siya tara na't kumain muna tayo mamaya na yang usapan na yan" saad kong nakangiti at umupo na.

"ikaw Jerraine?"

"HA? anong ako, Erika?" Nagtataka kong tanong.

"May boyfriend ka na ba?"

"Ano ka ba, Syempre wala! Yang pang si Jerraine akala mo ang dami dami pang lalaki sa mundo? Wala na oy! Porket maganda e gusto ka na nila jusko ang dami na kayang nagsisilabasang mga bakla sa mundo" Mahabang lintanya ni Giezel.

"Ikaw ba ang tinatanong at sabat ka ng sabat ha?" Nang aasar na sabi ni Lara.

"Tama na nga yan. Alam mo naman Erika na hindi ko pinagtutunan yan ng pansin." Saad ko.

"Oh edi maganda! Okay pala na sumabay siya sa aking pagbabalik" Sagot ni Erika na akala mo kausap ang sarili.

"Ha? Sino namang yang tinutukoy mo ha?" Tanong ni Rhein.

"Ha? wala wala" 

"E ikaw Erika? May boyfriend ka na ba? Pagbukas ko lagi ng T.V ikaw lagi ang bungad at ang daming mga balita na kung sinu sino dinadate mo at mga bigatin pa ha!" Sabat ni Laine.

"Wala namang totoo don. Ang bait ko kaya! Sila lang naman ang nagbibigay ng issue no"

"Sabagay isa ka nga pa lang De Vera, lahat ng galaw mo talagang tutukan" saad ni Agatha.

"Akalain mo yun isa ka nga palang De Vera hahaha. Nakakalimutan ko yun tuwing magkakasama tayo. Naaalala ko lang pag nakikita kita sa News." Nakangiting saad ni Nica

"Tama na nga yan. Kumain na tayo" Pag iiwas na sagot ni Erika.

Nagkatinginan kaming lahat sa kanya. Ganyan si Erika laging umiwas pag patungkol sa sarili na niya ang napag uusapan. 

"Oo nga! nakakagutom kaya!" Pag iiba ni Mia.

"Patay gutom" pang aasar ni Agatha.

Nagsimula nanaman silaaaa.

Habang tinitigan ko ang mga kaibigan naalala ko ang mga nangyari sa amin. Hindi ko maikakaila na talagang matatag na ang pagsasamahan namin. Nakakatuwa na nandito pa din kami at sama sama lalo na't andito na muli ang pinagmulan ng lahat kung bakit magkakaibigan kami.

At napalingon ako sa aking katabi . Hindi ko matanggal ang mga mata ko kay Erika. Gumanda talaga siya, sa aming lahat siya ang pinaka maliit pero pinaka matapang. Siya ang pinakaclose ko at siya rin ang pinaka kinaiingitan ko. 

Hay.

PSS: The Smart GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon