Kanina pa ako nakauwe pero wala parin si Erika. tsk... Asan na kaya iyon.
Nagluto pa naman ako ng Adobo, lalamig na ito e.
Hindi ko maalala kung may sinabi ba siyang gagabihin siya o hindi. Enebe, tumatanda na ko nakakalimutan ko na.
Haaaaay nakooo. Hindi ko na talaga siya mahihintay at nagugutom na ako!
Habang sumasandok ako ng kanin sa kaldero nakarinig ako ng ugong ng sasakyan. Ah.. Baka si Erika na yan, Aba hinatid siya nung kikitain niya taraaaaay. Hmmmm.
Sumilip ako sa bintana, makikitsismis lang. Titignan ko kung sino ba yon. Curious ako bakit baaaaa.
Nakita kong parang nagmamadaling bumaba si Erika, Para siyang galit sino ba yon.
Biglang bumaba yung lalaki ng sasakyan. Sino ba ito.
OMG!!
SHIT!!
Binalibag ni Erika yung pintuan. Bigla akong napatalon at dali daling bumalik sa kusina.
"Ano ba? I told you I'm not going, I'm okay here. Can't you see?" Pasigaw na saad ni Erika.
"Erika, I'm not saying that you have to go back to the Mansion I'm just saying that you have to go in that family event."
"You know it's not a family event. Family event ba yong may media, mga business partners, at kung anong anong kaek-ek-kan meron doon." Grabe natatawa ako kay Erika kahit na seryoso siyang nagsasalita, Kakaiba talaga itong si Erika.
"Bakit ba kailangan ako doon? Ano bang gagawin ko don? Tutunganga lang naman ako don for sure"
"It's a Celebration because finally umuwi ka na after 2 years"
"So? At hindi lang din naman ako ang umuwi ah! ikaw rin naman." Inis na saad ni Erika.
"Atleast ako umuuwi kapag may family Event. Ikaw? Hindi kahit Holidays."
"So? Anong pinagkaiba?"
"Erika!"
Nako baka magkainitan dito, Tsk. Lumabas na ako para magpakita.
"Ahem" Pasaring ko para marinig naman ako ni Erika.
Lumingon sa akin yung lalaki. Nagulat na nandito ako.
"Jerraine? You are here!"
"Dito kasi ako nakatira, Sorry nakaistorbo ata ako sa pag uusap niyo nitong Kapatid mo"
"Oh I Didn't know that you are living with my sister"
"Sinabi ko sayo kanina kuya Lance na nakitira ako kay Jerraine ikaw lang itong hindi nakikinig"
"Because I'm too Occupied because Kasama mo kanina yung ex mo" Sabi ni Kuya Lance.
Ex? Who?
Huh??"Kuya Ilang beses ko bang sasabihin He's not my Ex okay! Wala kaming naging relasyon"
"Really?" Kuya Lance Smirked at her.
"Duh. I'm not inlove with that man and he's not inlove with me. And I know alam mo yan, Di ba Bestfriend mo yon dati" And this time it is Erika's turn to smirked to her Kuya.
This time hindi na sumagot si Kuya Lance. Kala ko magtatalo pa itong magkapatid na ito e.
Wait sandali lang alam na ba ni Glei—
"Kuya Alam na ba niya na nandito ka?" Nagulat ako sa diretsong tanong ni Erika. Wala na doon yong mapaglarong ngiti. Seryoso na siya ngayon
"No. Uuwi na ako. I'm sorry Jerraine for the mess and thank you na pumayag kang dito muna tumira ang kapatid ko."
Magkapatid nga. Magaling umuwis. tsk.
"Hay nako kuya sana pala kanina ko pa yon tinanong, yun lang pala ang mag papauwi sayo. Hahaha." At biglang tumawa ng malakas si Erika. Ito talagang babaeng ito ang galing magpalit ng Emosyon.
"Sige na Jerraine I'm going na. Pabayaan mo na yan, alam mo na Abnoy yang kapatid ko." Pilit na ngiti ni Kuya Lance at alam ko naaasar na ito kay Erika.
"Bye kuya Lance. Ingat sa pag uwi." Ngiti ko sa kanya.
Siniko ko si Erika na hanggang ngayon wala pa ring tigil sa kakatawa.
"Ahem. Bye kuya Lance. Ingat ah. Bagalan mo lang pagmamaneho mo malay mo makita mo siya. Joke! Eto naman hindi na mabiro. Hirap talaga pag nag mahal. Tsk. Sige na umuwi ka na." At hindi na hinayaan ni Erika makapagsalita ang kuya niya basta niya lang ito hinila palabas.
"Kuya Lance! Ingat!" Kaway namin pareho ni Erika habang tinatanaw ang kotse na papalayo.
Sinara ko na ang pinto.
"Hay nako nakakapagod ang araw na ito. Sige Jerraine akyat na ako. Inaantok na ako." pahikab ba sabi ni Erika.
Tumango na lang ako.
Paakyat na siya ng hagdan ng may naalala ako.
"Ah Erika?"
"Ano yon?" Lingon niya sa akin.
"Sino yung Ex na tinutukoy ni Kuya Lance?" Hindi naman sa tsismosa ako, Hindi ko lang maintindihan ang sarili ko gusto ko lang malaman kung sino. Hindi ako mapakali.
"Hindi ko yon Ex for the record. Wala pa akong naging Boyfriend. Alam mo yan. Hahaha. Well Kaibigan ko yon." Ngiting sagot niya.
"Ah ganun ba sige matulog ka na"
"Sige Good Night"
Bumalik akong kusina para ipagpatuloy ang pagkain pero para akong nawalan ng gana
Hindi ko maintindihan pero iniisip ko parin yung taong tinutukoy ni Kuya Lance. I don't know but something isn't right.
Mababaliw ako kung iisipin ko pa yon.
Hinugasan ko na yong pinagkainan ko at umakyat na ako ng kwarto.
Naligo't nakapagbihis na ako ng pangtulog hanggang sa mahiga ako sa kama iniisip ko pa rin yon.
Hanggang sa makatulugan ko na ang pag iisip non.
BINABASA MO ANG
PSS: The Smart Girl
RomanceJerraine Lopez is inlove with her best friend Vince Reyes.