3

4 1 0
                                    

Magandang Umaga Pilipinas!

Hay ang ganda naman ng gising ko. Feeling ko ang dami kong magagawa ngayong trabaho. Dumaretso ako sa banyo upang maligo. Pagtapos kong maligo, nagbihis agad ako at bumaba na titignan ko si Erika kung gising na. Ang bagal pa namang kumilos nun.

"Goooood Morning Jerraine!" 

"Ay juskooo! Pusang gala! Ano ba yan Erika wag ka namang manggulat!" Gulat na sabi ko kay Erika na hindi ko namamalayan kung san man siya galing. 

"Grabe ka naman, Ganon ba ako kaliit para hindi mo ko mapansin? Nakakainsulto ah!" Nakasimangot na saad ni Erika.

"hahaha. Hindi naman, ikaw naman nilait mo naman ang sarili mo. Ikaw kasi bigla bigla ka susulpot"

"Nako ha, Diyan pa lang nagulat ka na paano pa kaya pag sumulpot na siya" Makahulugang sabi ni Erika.

"ha? ano bang pinagsasabi mo? Sinong susulpot?"

"May sinabi ba akong susulpot? Wala ah. Ikaw talaga, tara kumain na tayo! Nagluto ako ng Tuyo, itlog at hotdog" Sabay hila sa akin sa kusina.

 Puro prito naman ang niluto nito. Hindi talaga mawawala ang tuyo sa lamesa pag si Erika ang kasama sa pagkain. Jusko ang hilig talaga neto sa suka.

"Musta naman ang pagiging isang Fashion designer?" Biglang tanong ni Erika

"Masaya! alam mo naman ito talaga ang gusto ko di ba" nakangiti kong sabi sa kanya.

"Buti pumayag si Tita na yan ang kunin mo. Di ba ang gusto nila mag Doctor ka. Alam mo na sayang ang talino mo." 

"Wala naman siyang magagawa."

"Edi pwede na pa lang kitang designer ko."

"Oo ba basta malaki ang ibabayad mo sa akin"

"Grabe ka naman Jerraine! Parang hindi tayo magkaibigan niyan!"

"Hoy ikaw ang grabe! Ang yaman yaman mo pero andito ka't nakikitira sa akin kung pwede ka naman dun sa mansyon nyo."

"Mansyon yon ng mga De Vera hindi akin." Seryosong saad ni Erika.

"Ang seryoso mo ah. At ako ang kinakamusta mo dapat nga ako ang mangamusta sayo! Hello 2 years without communication? Nalalaman lang namin ang lagay mo pag may news about sa family mo at sayo."

"Nakikita mo naman di ba na maganda pa rin ako." Loko talaga itong si Erika.

"Alam kong maganda ka"

"Uyy sumang ayon siya ngayon."

"Seryoso. Kamusta ang isang Erika De Vera?" Seryoso kong tanong

Sinubo niya muna ang tuyo na sinawsawan niya sa suka bago magsalita.

"Eto nawawala at hinahanap ang kinakamusta mong si Erika De Vera." Nakangiti ngunit seryoso niyang sagot.

"Erika .." Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Alam ko sa sarili kong seryoso ang sinagot niya ngunit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya. 

"hahaha. Ang serious mo Jerraine. I was just joking a while ago. Don't be serious, loosen up Girl." Nangiti niyang sagot. Wala na dun yung Nakita ko sa mga mata niyang misteryoso.

"Ano ba naman Erika. Nagtatanong ng maayos." Sabi ko na lang kahit na alam kong Totoo ang sagot niyang iyon.

"So anong gagawin mo ngayon?" ngumunguyang saad niya. Iniiba na ang usapan. Erika talaga.

"I'm going to work. how about you?"

"May pupuntahan ako."

"Saan naman?"

"I'm going to meet someone"

"sino?" Takang tanong ko. Sino naman kaya ito. 

"Secret" Nakangising saad niya.

"May pasecret secret ka na ngayon ah"

"Don't worry makilala mo rin siya."

"Okay"  Weird.

Pagtapos naming kumain pumanhik pataas si Erika para maligo ako naman Paalis na para pumunta sa trabaho.

"Erika! Aalis na ko. Bye" Sigaw ko sa kanya.

Habang nasa biyahe hindi ko mapigiling isipin kung sino nga ba ang kikitain ni Erika. Sino ito? I don't understand why I feel this way. I feel nervous. I feel like I  already know that person. Shit.

Jerraine please stop this nonsense. O my god I know why I'm being like this again. Ang mga naiisip ko'y hindi dapat. Alam kong hindi siya ang kikitain ni Erika. Alam ko iyon kasi sasabihin naman ni Erika iyon diba?! Kung siya sasabihin iyon ni Erika. This is ridiculous, dapat hindi ko na naalala ang mga nangyari noon. Alam ko sa pagbabalik ni Erika, ang mga dapat kalimutan ay maibabalik nanaman. Bumabalik nanaman ang pait ng nakaraan. Shit Jerraine stop this. Please. 

Pinark ko ang aking sasakyan ang dumaretso na sa Boutique kung saan ako nagtatrabaho.

"Good Moring Ma'am." Bati ng aking empleyado.

"Good Morning" Bati ko rin at dumaretso na sa aking opisina.

This is insane. Ang ganda ng mood ko kaninang pagka gising ko, ngayon? hay nako.

Habang abala ako sa aking laptop, May kumatok.

"Pasok"

"Ma'am may nagpapabigay po sa inyo nito."

"Ha? sino naman?" tanong ko. Sinong magbibigay ng Chocolate na ito?

"Wala pong nakasulat na name ma'am.

" O sige akin na, salamat."

"Sige po, lalabas na po ako."

"Salamat"

May notes na nakalagay.

Smile please. That's makes you more beautiful

Napangiti ako bigla ng nabasa ko ito. Salamat kung sino ka man.

PSS: The Smart GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon