4

74 2 0
                                    

Nang gabing iyon ay nasa balita sa TV ang tungkol sa ginawang dalawang beses na pagdalaw kay Barbara ni Dave at ng abogado ng lalaki. Nakuha ang impormasyon mula sa kanyang mga kapitbahay. At nahulaan ng mga ito na gumagawa ng out-of-court settlement ang kabilang panig. At tulad ng dati, naroon ang speculation tungkol sa namumuo raw na romansa sa pagitan nila ni Dave.
Nakasimangot na pinatay ni Barbara ang TV. Hindi siya makapaniwalang mino-monitor ng kanyang mga kapitbahay ang kanyang mga galaw at kung sino ang kanyang mga panauhin.
Nagpalipas siya nang isang oras bago tinawagan si Mavie. "Sino sa mga kapitbahay ko ang binayaran ninyo para bantayan ang bahay ko?"
Tumawa ito nang marinig ang kanyang tanong. "Kanina lang namin nalaman ang balitang iyon, Barbara. Isa sa mga kapitbahay mo ang tumawag dito sa office."
"Bakit hindi mo muna iyon itinanong sa akin?"
"Sasabihin mo naman kaya ang totoo? Akalain mo, dalawang beses na palang pumunta riyan si Dave at ni hindi mo man lang naibulong sa akin."
"Iniiwasan ko iyon, dahil ayokong lumabas ang balita."
"Kailan ka pa natutong itago iyon sa mga mamamahayag?" sarkastikong tanong ni Mavie. "Hindi ba't ikaw ang may gusto na gawing sensationalized ang laban mong ito kontra sa Lorenzo Air? Bakit tila nagbago na ang ihip ng hangin?"
"Iyon nga ang gusto ko. Pero ano ang nangyayari? Hindi iyong laban namin ang ibinabalita't isinusulat kundi iyong romance angle daw namin ni Dave Lorenzo. Nakakapika. Mahilig talaga ang Pinoy sa puwersahang pag-ibig."
"Magkano naman ang handang ibayad sa iyo ni Dave Lorenzo para iurong mo ang demanda?" tanong ng kaibigan na mukhang hindi palalampasin ang balita.
"Sasabihin ko sa iyo, pero ayokong isulat mo."
"Sa atin lang itong dalawa."
"One million."
Napasipol si Mavie sa kabilang linya. "Bakit nakikipag-out-of-court settlement ang Lorenzo Air?"
"Pinoprotektahan ang pangalan ng pamilya."
"Kunsabagay, buena familia kasi sila, eh. Pero alam mo bang na-meet ko kahapon si Dean Lorenzo, iyong sumunod kay Dave?"
"Paano naman napasok sa usapan natin ang Dean Lorenzo na iyon?" Nasa tono ng boses niya na wala siyang planong pag-usapan ang nabanggit.
"Gusto ko lang kasing malaman mong guwapo rin sa personal si Dean. Nag-open ako ng account sa Banco de Lorenzo at siya ang nag-entertain sa akin."
"Huwag mong sabihing na-in love ka sa kanya?"
"Parang ganoon na nga."
"Ang tanong ba'y kung interesado rin siya sa iyo?"
"Hindi. Pero at least, nakadaupang-palad ko siya."
"Kawawa ka naman." Hindi na napigil ni Barbara ang paghagikgik. "Mas marami ka pang makikilalang guwapo, Mavie. Magpa-charming ka kasi sa mga kilala mong artista para mapansin ka nila't ligawan."
"Balik tayo doon sa pinag-uusapan natin. Tinanggihan mo ba ang isang milyong offer nila?"
"Oo. Pero napag-isip-isip kong tapusin na ang lahat ng ito. Naapektuhan na rin kasi ako, eh. This time, handa ko nang tanggapin ang isang milyong piso para sa ikatatahimik ng lahat."
"Mukhang mabibigo ang lahat sa kanilang ipinagdarasal, ah?"
Natukoy niya ang tinutumbok ni Mavie. "Talagang bigo sila noong una pa. Paano naman, 'no, the man has no appeal. He's just an ordinary guy on the block, an ordinary sight, and he's not that interesting to look at."
"Nasasabi mo lang iyan dahil galit ka sa kanya. Pero kung kakalimutan mo ang galit sa kanya nang limang minuto, sigurado ako, kusang titiklop ang mga tuhod mo."
"Ilang beses ko nang ginawa iyan," nakangiting tugon ni Barbara, na para bang nakikita iyon ng kausap. "Sige na, tama na'ng tsismisan na ito."
"Balitaan mo ako sa development ng kaso mo laban sa Lorenzo Air."
"Huwag kang mag-alala, ikaw ang unang makakaalam kung kailan matatapos ang kaso namin."

NANG sumunod na araw, nakatanggap ng tawag si Barbara mula kay Atty. Mendez. Ang tungkol pa rin sa out-of-court settlement ang nais i-discuss ng abogado ni Dave.
"Kung pahihintulutan mo, we can discuss it over dinner. Tayong dalawa lang para makapag-usap tayo nang maayos," suhestiyon nito. "Mabuti na iyong wala si Dave, hindi masisira ang diskarte ko para matapos na ang problemang ito."
Saglit siyang nag-isip. Mas mabuting silang dalawa na lang ni Atty. Mendez ang mag-usap. Okay na rin ang suhestiyon nito na mag-dinner sila. Wala siyang nakikitang problema sa bagay na iyon.
"Sige, Attorney. Pero tayong dalawa lang."
Tinawagan niya si Atty. Legarda at ipinaalam dito ang napag-usapan nila ni Atty. Mendez.
"Wala nang atrasan ito?"tanong ng kanyang abogado.
"Wala na."
"Ipaalam mo na lang sa akin ang magiging resulta ng pag-uusap ninyo ni Attorney Mendez, hija. Mabuting kayong dalawa lang para makapag-usap kayong mabuti at nang matapos na ang lahat ng ito."
"Good-bye, Attorney. Tatawagan ko na lang kayo first thing in the morning."
Hindi na umuwi si Barbara para magbihis. Sa opisina na siya nagpalipas ng oras at dumeretso sa lugar na usapan nila ni Atty. Mendez. Mukhang nauna siya ng dating dahil hindi niya makita ang bulto ng kausap sa sikat na kainang iyon.
"Miss dela Fuerte?" paninigurong tanong ng waiter na may tulak-tulak na food cart.
"Yes?"
Ngumiti ang waiter at mula sa food cart, inilipat nito sa mesa ang mga umuusok pang masasarap na pagkain, at walang ano-ano ay umalis na.
May tumikhim sa likuran ni Barbara, inaagaw ang kanyang pansin. Lumingon siya. Kasabay ng kabang bumundol sa dibdib ay nanlaki ang kanyang mga mata. Bakit nandoon ang lalaking ito?
"Good evening, Miss dela Fuerte." Umupo si Dave sa bakanteng silya. "Or shall I call you 'Barbara'?"
Hindi kaagad siya nakakibo. Diosme, kumukuribdib ba ang puso ko? "Bakit nandito ka? Hindi ikaw ang inaasahan ko," sa wakas ay nasabi niya.
"Nagka-conflict ang schedule ni Attorney. Kaya ako na lang ang nakipagkita sa iyo. Isa pa, hindi ba masagwang tingnan na nakikipag-date ang isang dalagang tulad mo sa isa nang very much married man?"
"Kaya ka nandito, come to my rescue?" nangungutyang sambit niya. "Sorry, Mr. Lorenzo, pero ayokong makipag-usap sa iyo." Pero bago pa makatayo, nahawakan siya nito sa braso para pigilan.
"Mag-dinner muna tayo, Miss dela Fuerte. I mean, no harm to you. Besides, nandito na ang pagkain. Sayang naman ang mga ito kung hindi natin kakainin." Mula sa kanyang braso, naglandas pababa ang kamay ni Dave hanggang sa pisilin nito ang kanyang palad.
Hindi siya manhid para hindi maramdaman ang kakaibang sensasyong dulot ng pagdadaop ng kanilang mga kamay. Naging sunod-sunod ang kanyang paghinga. Wala siyang lakas para hilahin ang kamay na nakakulong sa kamay ni Dave.
"Nakakahiya sa mga tao kung magwo-walk out ka," sabi nito na walang kangiti-ngiti. "Tignan mo, halos lahat ng mga mata ay sa atin nakatutok."
"Ano ba talaga ang kailangan mo?"
"Ano ba sa tingin mo? Nakikipag-areglo."
"For the last time, ayokong makipag-areglo," anas ni Barbara. Hindi pa rin binibitawan ni Dave ang kanyang mga kamay. Basta ang lalaki ang makipag-usap sa kanya tungkol sa out-of-court settlement, palaging nangingibabaw ang kanyang galit.
"Bakit ka nandito kung ayaw mong magpaareglo?"
"Kung si Attorney Mendez ngayon ang kaharap ko, baka tapos na ang pag-uusap namin."
"Hindi ko akalaing mahilig ka pala sa mga lalaking may-asawa," walang pakundangang sabi ni Dave.
"Wala ka talagang modong kausap."
"Okay, mag-usap tayo nang maayos."
"Ayoko nang makipag-areglo, Mr. Lorenzo."
"Just call me 'Dave.' Kumain na tayo at pagkatapos ay pakakawalan kita."
Natiyak ni Barbara na hindi nagbibiro si Dave. Para makauwi kaagad, napilitan siyang pumayag na makipag-dinner. Pero nasa isip na hinding-hindi na siya magpapabayad. Na tuloy ang laban nila sa korte. Kahit abutin pa ng mahabang panahon ang lahat.
Noon niya napansin na hawak pa rin ni Dave ang kanyang kamay at masuyong pinipisil. "Puwede bang bitiwan mo ang kamay ko? Hindi ako makakain."
"Sure." Pinakawalan nito ang kanyang kamay.
Nagsimula sila sa tahimik na pagkain.
"So, kumusta ka na?" Si Dave ang bumasag ng katahimikan.
Kumunot na naman ang kanyang noo. "Ano sa tingin mo?" she snapped, enough to create trouble; because until now, she despised this banana!
"You look good enough to eat," walang kakurap-kurap na sabi nito. "Too beautiful not to notice, too smart to challenge, and too valiant to start a fire."
Hindi niya malaman kung ano ang magiging reaksiyon sa compliments ni Dave. Pakiramdam niya ay tumaba ang kanyang puso. Iisa lamang ang ibig ipahiwatig ng lalaki—humahanga ito sa kanya!
"Hindi mo na kailangang bilugin ang ulo ko." Iyon ang namutawi sa kanyang mga labi.
Sa kauna-unahang pagkakataon ay ngumiti si Dave, ngunit matipid na matipid; pagkatapos ay umiling.
May lumapit na waiter at inilapag ang dalawang long-necked glass sa kanilang harap. May lamang pulang likido ang mga iyon na napagtanto ni Barbara na alak.
"A brave woman doesn't mind to have a drink, lalo na kung isang kopita lamang," sabi ni Dave nang mapansin ang disgusto sa kanyang mukha.
Nang makipag-toast ang lalaki, napilitan siyang sumunod. Inubos niya ang laman ng kanyang kopita kahit hindi gusto ang lasa niyon.
"Kumusta ang takbo ng negosyo mo?" mayamaya ay tanong nito.
"Bakit? Interesado kang bilhin ang kompanya ko?" Hindi niya maiwasang maging antipatika sa taong antipatiko rin sa kanya. "Sorry, pero hindi pa ako naghahanap ng buyer sa ngayon."
"Alam mo, may sense kang kausap."
Tumaas ang kanyang kilay. "Dapat ba kitang pasalamatan?"
Nagkibit-balikat si Dave. "Pero ang sarap mong kausap."
Lalong kumunot ang kanyang noo. Pero kasunod niyon, tila umikot ang paligid niya. Tinablan ba siya ng isang kopitang alak? "Gusto ko nang umuwi," anas niya.
"Yes, uuwi na tayo."
Akmang tatayo siya nang mapagtanto na naging tila gulay ang kanyang mga tuhod. Nang alalayan siya ni Dave sa pagtayo, kumapit siya rito sa takot na bumagsak. Sa nanlalabong isip, she knew something was wrong.
"I-I want to go home," muling anas ni Barbara. Ni hindi niya matukoy kung kaninong sasakyan ang sinakyan nila. But one thing was for sure, she was not capable of driving her own car tonight.
Habang tumatakbo ang sasakyan, lalong nanlalabo ang kanyang isip at namimigat ang talukap ng kanyang mga mata. Pero nang tumigil ang sasakyan at tinulungan siya ni Dave sa pagbaba ng kotse, may kamalayan pa siya. Sa katunayan nga ay nakita niyang puti ang kotseng sinakyan nila.
"Bed..." paungol na sambit ni Barbara. Antok na antok na siya. Gusto na niyang matulog para mawala ang sakit ng ulo na tila minamartilyo. Aware din siya sa nakahahalinang pabango ni Dave na kumikiliti sa kanyang isip.
Umakyat sila sa isang matarik na hagdan. Nagtaka siya. Hindi ganoon katarik ang hagdan ng kanyang bahay. Nang ihiga siya ni Dave sa kama, natuon ang kanyang pansin sa kisame. Bakit varnished wood iyon?
Bigla siyang napaigtad nang may maramdamang humalik sa kanyang paa. Gusto niyang magpumiglas pero wala siyang lakas na patigilin ang humahalik sa kanya.
Napapikit si Barbara nang maramdaman ang pag-akyat ng mga labi ni Dave sa kanyang hita. Kakaibang sensasyon ang dulot niyon sa kanya. Nais niyang magprotesta nang lisanin ng lalaki ang bahaging iyon. At muli niyang naramdaman ang mga labi nito sa kanyang mga labi.
She parted her lips and allowed his tongue to probe the sweetness of her mouth. Noon lang niya napagtantong nakapaikot na sa leeg ni Dave ang kanyang braso, urging him to keep on kissing.
Then she felt his hand on her breast, kneading. Napaungol siya. Lasing na siya sa mga halik nito.
"Do you want me stop, Barbara?"
"No!" pabiglang tugon niya at hinila ang ulo ni Dave hanggang sa muling maglapat ang kanilang mga labi. Wala na siya sa sariling katinuan. Her passion took over her senses.
Naging mainit na ang pagpapalitan nila ng halik hanggang maramdaman ni Barbara ang paghubad ni Dave sa suot niyang damit.
Muling nagtagpo ang kanilang mga labi. Parehong umaalab ang kanilang mga katawan sa labis na pananabik sa isa't isa. Kapwa mahigpit ang yakap nila.
She was also aware of his maleness against her thighs. And when his lips claimed the crown of her breast, napaliyad at napasinghap siya. The feeling that was bubbling within her was so alien, so inspiring, and she craved for more!
Nakagat niya si Dave sa balikat nang ganap siyang angkinin nito. Ang sakit ay panandalian lamang at nahalinhan iyon ng sensasyong ngayon lang niya naramdaman.
Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa maskuladong katawan ni Dave habang magkalapat ang kanilang mga uhaw na labi. Parehong habol nila ang kanilang mga hininga.
Nang marating ang rurok ng kaluwalhatian, kapwa pagod na pumikit sila. Nakaunan pa si Barbara sa matipunong braso ni Dave. Ang lalaking pinag-alayan niya ng katawan sa unang pagkakataon ay mahigpit niyang kalaban!
Sa labis na pagod ay nakatulog sila. Pansamantala niyang tinalikuran ang mga dagdag na problemang dulot ng namagitan sa kanila. May bukas pa naman para ayusin ang lahat.

Lorenzo Empire: Dave Andrew, The Barbaric Lover | PATT VALENTINOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon