Bisita ni Barbara si Marvie nang gabing iyon. Nag-dinner sila sa labas at dumeretso sila sa kanyang town house.
"May nadiskubre akong bagong lugar na dinarayo ng mga barako. Parang club, pero walang bold show or anything related to that. Doon nga rin tumatambay ang mga kilalang celebrities. Punta tayo roon bukas, mag-male hunting tayo."
"Na naman? Kanina lang ay nang-hunting tayo, pero wala pa ring resulta. Loveless pa rin tayo. Para tayong mga desperada, 'no? Naghahanap ng mga lalaking magmamahal sa atin." Natawa si Barbara. Naalala niya kung paano nila minasdan ang isang lalaki kanina sa restaurant. Napakaguwapo, iyon pala ay binabae, nawala ang pagka-macho nang makakita ng lalaking artista; pumilantik ang mga daliri!
"Ikaw naman kasi, kung bakit mo pa pinakawalan si Dave Lorenzo. Wala ka nang hahanapin pa sa kanya, bukod sa mayaman ay napakaguwapo na siyang hinahanap ng mga babae."
"Kung magsalita ka, para bang nagkaroon kami ng relasyon." Walang kaalam-alam si Mavie sa namamagitan sa kanila ng binata.
Noon may kumatok. Dahil naroon sila ni Mavie sa sala, hindi na hinintay ni Barbara na alamin ng kanyang katulong kung sino ang nasa labas. Siya na ang tumayo at binuksan ang pinto. Ganoon na lamang ang kanyang pagkabigla nang makita kung sino ang dumating.
"Hindi mo ba ako papapasukin?" nakangiting tanong ni Dave.
Hindi niya alam ang gagawin. Mabubuko sila ni Mavie. Mula sa binata, iginawi niya ang paningin sa kaibigan. Nakatingin ito sa kanya, halatang gustong malaman kung sino ang bagong dating.
Hindi ba nakita ni Dave ang kotse ni Mavie na katabi ng kanyang kotse? Hindi ba napag-isip-isip ng lalaki na may bisita siya? Bakit pa ito tumuloy?
"O, para kang ipinako riyan," puna ni Mavie. "Don't tell me, dumating ang Prince Charming mo? Papasukin mo na't nang makilala at makilatis ko."
Ibinalik ni Barbara ang pansin kay Dave. Obviously, narinig ng binata si Mavie. Pero sa halip na lumisan, iginiit pa ni Dave ang sarili papasok sa bahay.
Napakagat-labi na lamang siya. Wala nang kawala, bukong-buko na sila ni Mavie.
Biglang napatayo ang kaibigan nang makita si Dave. Halos lumuwa ang mga mata ni Mavie na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ng binata.
Bigla siyang bumaling sa bagong dating. "Bakit ka nandito? Ano ang kailangan mo?" malamig na tanong niya. Ngayon ay hindi na siya kayang takutin ni Dave. It was her right to stay away from his shadow, at ang palayasin ito mula sa kanyang pamamahay. "Puwede bang umalis ka na? Trespassing ka."
Bago nakasagot si Dave, lumapit si Mavie at gumitna sa kanilang dalawa. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila.
"That's not the proper way to treat a visitor, Barbara." Lihim na pinandilatan siya ni Mavie. "Oh, by the way, I'm Mavie Sagario, best friend ni Barbara," pagkatapos ay biglang pagpapakilala nito, tila ayaw palampasin ang pagkakataong iyon. "We've already met once, but were not properly introduced."
Tumango si Dave, pagkatapos ay ngumiti. "'Nice meeting you, Miss Sagario."
"'Mavie' will do just fine."
"Dave Lorenzo."
Nagkamay ang dalawa.
"Hindi siya bisita. He's an intruder," nagngingitngit na sabad ni Barbara.
Pero hindi siya pinansin ni Mavie. Hinila nito si Dave paupo sa sofa. Nagpupuyos sa matinding inis ang kanyang dibdib. Bakit kailangan siyang pangunahan ni Mavie na magdesisyon tungkol sa lalaking ito?
"It's so nice of you to pay us a visit, Dave," sabi ni Mavie na nakapagkit ang ngiti sa mga labi. "Actually, we've been discussing about you."
"Mavie!" Malalaki ang hakbang na lumapit si Barbara sa dalawa. "Ano ba talaga ang kailangan mo, Mr. Lorenzo? Ang pagkakaalam ko'y tapos na sa atin ang lahat."
Kumunot ang noo ng lalaki. "Friendly visit lamang ito." Halatang nagtataka ito sa reaksiyon niya. "So, kumusta naman ang mahal kong kaaway?"
"Ano sa tingin mo?"
"Barbara..." pagtatangka ni Mavie na sumabad.
"Strangers are not welcome here."
"He's not a stranger to us anymore, especially with you. Gusto niya tayong maging kaibigan, lalong-lalo na ikaw."
"Hindi ako nakikipagkaibigan sa taong walang-modo, Mavie. Alam mo iyan." Nayayamot na binalingan ni Barbara si Dave. "Puwede ka nang umalis dahil pakiramdam ko'y impiyerno na itong pamamahay ko."
"Mukhang mali ang tiyempo ko," sabi ng binata na tumayo, tumingin kay Mavie. "Mauna na ako sa iyo. Mainit yata ang ulo ni Barbara. Mahirap na, baka kumalat ang dugo ko rito. Wala pa naman akong asawa't anak."
"Pasensiya ka na."
"Okay lang." Nagkibit-balikat si Dave. "Goodnight, ladies." Tinungo nito ang pinto. Pagkalipas lang ng ilang sandali, narinig na nila ang ugong ng papalayong sasakyan.
"Ano ka ba naman, Barbara? Hanggang ngayon ba'y galit ka pa rin sa kanya? You're being irrational, treating him like dirt. Nakikipagkaibigan na nga iyong tao, eh."
Inaasahan niya na hindi na muling babalik si Dave. Wala na siyang intensiyon na makipagmabutihan pa sa lalaki pagkatapos na pagsawaan at pagpasasaan nito ang kanyang katawan.
"Dapat lang siyang tratuhing ganoon, Mavie. Hindi mo kilala kung gaano siya kawalanghiya." Naupo siya sa tabi ng kaibigan. "Manggagamit ang taong iyon. Walanghiya at makapal ang mukha."
"Mukhang marami akong hindi alam, ah?" Tumaas ang kilay nito. "May milagro bang nangyayaring nakaligtas sa pandama at paningin ko?"
Bigla siyang napailing. What had happened between her and Dave was a holy secret. Hindi niya iyon puwedeng i-share sa kaibigan. Ayaw niyang pagtawanan ni Mavie. Mabuti na iyong manatiling lihim ang lahat.
"I don't know what you're trying to prove. Pero isa lang ang masasabi ko sa iyo, you're getting demented!" Tumayo si Mavie at walang-paalam na lumisan.
Barbara simply stood there. Hindi niya hinabol o pinigilan man lang ang kaibigan. Right now, kailangan niya ang peace of mind. Gusto niyang mapag-isa.
Pagkaraan lang ng ilang sandali kung saan paakyat na siya sa silid nang biglang may kumatok. Bumalik si Mavie? May nakalimutan ba ito?
"Mavie—" Natigilan siya nang buksan ang pinto at makitang hindi ang kaibigan ang bumalik. "Bakit ka bumalik? Ano na naman ang kailangan mo? You know I'm fine kaya puwede ka nang lumayas."
Pero sa halip na sumunod ay sinambilat siya ni Dave sa baywang at marahas na inangkin ang kanyang mga labi. Sa umpisa ay nanlaban siya, pero habang lumalalim ang halik ng lalaki, tumitiklop na ang kanyang depensa.
Liyong-liyo ang pakiramdam ni Barbara hanggang namalayan na lang na ginagantihan na rin niya nang maalab ang nakalalasing na halik ni Dave.
"Let's go to my room," she whispered in between their kisses. "Nandito na ang katulong ko. Come." Hinila niya ito patungo sa kanyang silid.
Nang makarating sila roon, she initiated the first move by discarding her clothing, then kissed him again. Nang muling maglayo ang kanilang mga labi, nagmamadaling hinubaran niya si Dave, pagkatapos ay pinaliguan ng halik mula sa leeg hanggang sa dibdib.
Halata na siyang-siya naman si Dave sa kanyang ginagawa. Napapikit na lamang ito at hinayaan siya sa kanyang kapusukan. Hindi naman siya nagsasawa sa kapapaligo ng halik sa dibdib nito.
Nang matumba sila sa kama, he was both fierce and gentle, demanding and giving, as he had never been with her before. Tinatapatan naman ni Barbara ng kapusukan ang alab ng katawan ni Dave. When he had unleashed his soul, she gazed lovingly into his loving eyes, knowing, accepting the miraculous thing happening inside her.
Nang humupa ang init ng kanilang mga katawan, napatitig siya sa kisame. Bakit ganoon na lamang ang pananabik niya kay Dave? Bakit tila naging alipin ng lalaki ang kanyang katawan at damdamin? Bakit hindi niya ito magawang tanggihan?
Hindi siya makapaniwala na halos magmakaawa na siyang angkinin ni Dave. Mahalikan lang siya nito ay nawawala na siya sa sarili.
"Nakapag-dinner ka na ba?" tanong niya sa binata na nakasubsob ang mukha sa kanyang dibdib. Ang mainit na hininga nito ay humahaplos sa kanyang dibdib.
Dumilat ito at bumaling sa kanya. "Tapos na. Puwede bang dito ako matulog ngayon? Gusto lang kitang makatabi ngayon. Ang ikulong ka sa aking mga bisig."
"Wala bang magagalit?"
"Bakit? May nabalitaan ka bang babaeng bumubuntot sa akin?"
"Wala. Pero malay ko." Huminga nang malalim si Barbara. Ayaw niyang isipin na may ibang babae si Dave. Ngayon pa lang, nagseselos na siya. "Marami akong hindi alam sa iyo."
"Wala naman akong dapat itago sa iyo. Galing ako sa matinong pamilya. Walang criminal backgrounds."
"Ikaw lang yata ang hindi matino sa pamilya n'yo, eh."
"Babalik na naman ba tayo roon sa pagdala ko sa iyo sa bahay?"
"Talagang ganoon ka?"
"Ang alin?"
Marahang humimas ang kanyang kamay sa dibdib ni Dave. "Ang dinadaan sa paspasan ang laban."
Umungol ang lalaki. Her finger was working magic on his tiny nipple. "Hindi. Sa iyo ko lang naman ginawa iyon. Tigre ka kasi. Ang hirap mong pakiusapan..." Muli itong umungol.
Bumangon si Dave at pinulot ang pantalon. Kinuha roon ang wallet. "Ito ang dahilan kung bakit naparito ako." May inilabas itong tseke mula roon.
"Para sa ano 'yan?" Tinanggap ni Barbara ang tseke. Nakasulat doon ang kanyang pangalan. "One million pesos?"
"Dahil sa pag-urong mo ng demanda." Muli itong bumalik sa kama. "Hindi suhol iyan, out-of-court settlement fee 'yan. Puwede mo nang papalitan bukas."
"Hindi ko ito matatanggap." Ibinalik niya ang tseke. "Para mo na ring binayaran ang puri ko. Hindi ako bayarang babae, Dave. Higit sa lahat, hindi ko kailangan ng pera ninyo."
"Tanggapin mo na ito, Barbara. Huwag mo namang masamain ang pagbibigay namin ng pera sa iyo. Sige na, hindi intensiyon ng pagbibigay ko sa iyo ng tsekeng ito na bilhin ang anumang namamagitan sa atin."
"Hindi ko talaga matatanggap iyan. Mahalaga sa akin ang prinsipyo ko. At pakiusap, pagkatapos ng gabing ito, huwag ka nang bumalik. Huwag ka nang magpakita pa sa akin. Alam kong alam mong nagiging addict na ako sa mga halik mo, kaya pakiusap, lubayan mo na ako hanggang kaya ko pang kontrolin ang sarili ko."
"Nagiging addict na rin ako sa iyo, Barbara," pag-amin ni Dave. "Hinahanap ko ang mga halik mo, ang yakap mo. Gusto kong lagi kang nakikita. Walang sandaling hindi ka naging laman ng isip ko."
Napakagat-labi si Barbara. Pareho pala sila ng nararamdaman. Pareho silang nananabik sa isa't isa; kapwa naging alipin ng makamundong pagnanasa.
"Sa iyo lang ako nagkakaganito, Barbara. Oo, aaminin ko, marami nang babaeng dumaan sa buhay ko noon, pero mga one-nighters. Hindi ako nanabik sa kanila. I think I'm falling in love with you."
Sa halip na ma-flatter, bahaw na tawa ang namutawi sa kanyang mga labi. Kumunot naman ang noo ni Dave. Para itong nainsulto sa kanyang naging tugon.
"Ano ang nakakatawa sa sinabi ko?"
"Ikaw, in love sa akin?" Muli siyang natawa. "You're not in love with me, Dave. We simply lust after each other. Remember, magkaibang-magkaiba ang love sa lust."
Saglit na natigilan ang lalaki, walang kakurap-kurap na napatingin sa kanya. "We're not getting any younger, Barbara. Kung magsasama tayo, matututuhan din nating mahalin ang isa't isa."
Siya naman ang napakunot-noo. "You're proposing, Dave?"
Tumango ito. "Yeah. Sexually compatible naman tayo. Iyon ang magtuturo sa atin na mahalin ang isa't isa. One thing for sure, hinding-hindi kita paiiyakin."
"Kung magsalita ka ay para kang desperado. Aminado ako, sexually compatible tayo. Pero sa tingin mo ba'y magiging maligaya tayo 'pag nagsama? Huwag mong gawing ordinaryong bagay ang kasal. Baka nakalimutan mong panghabang-buhay na pagsasama iyon."
Pabagsak na humiga si Dave sa kama. "Pumayag ka na. Magpapakasal tayo sa lalong madaling-panahon, Barbara. Alam mong ako ang panganay. Hindi puwedeng mag-asawa ang mga nakababatang kapatid ko hangga't wala pa akong pamilya."
Kung ganoon ay gagamitin lamang siya ni Dave. Nape-pressure ito kaya nagdesisyong mag-asawa na lang. Pero ganoon ba iyon kadali? Ang basta na lang mag-propose ng kasal na hindi involved ang pag-ibig?
"Kung ngayon mo ako pinagdedesisyon, 'hindi' ang sagot ko. Hayaan mong pag-isipan ko ang proposal mong ito. At hindi ko kailangan ang isang milyong piso mula sa pamilya mo."
"Huwag mo naman akong biguin, Barbara." Hinayaan siya ni Dave nang ipatong niya ang tseke sa dibdib nito. "Hindi lang talaga ako sigurado sa damdamin ko sa iyo."
"Huwag na nating pag-usapan iyan," sabi niya na dinampian ito ng halik sa gilid ng bibig. "Ayokong pag-usapan natin ang bagay na iyan buong magdamag."
"I think you're right," ani Dave, sabay hila sa kanya at pinadapa siya sa kahubdan nito. "Pero minsan ba'y pinangarap mong maging ina ng aking magiging anak?" tanong nito bago muling sandaling naglapat ang kanilang mga uhaw na labi.
"Hindi. Sa totoo lang, hindi rin kita pinagpapantasyahan. At sa tanang buhay ko, wala akong pinagpantasyahang lalaki. Pinatunayan ko na sa iyong ikaw pa lang ang nakauna sa akin."
"Kaya nga ayokong pakawalan ka. Dahil alam kong matinong babae ka. At higit sa lahat, ako ang nakauna sa iyo. Frankly speaking, ang gusto kong mapangasawa ay birhen. Iyong maipagmamalaki ko."
"Paano pala kung hindi ikaw ang nakauna sa akin, eh, di kinalimutan mo na rin ako kagaya ng iba?"
"Depende." Iyon lang at muli siyang siniil ng halik ni Dave. Ang mga kamay nito ay naglilimayon sa kanyang katawan. "Stop talking now..." Nanginginig na ang boses nito.
Hindi na nga sila nag-usap. Hinayaan na lang nilang mag-usap ang kanilang mga katawan. Muli, kapwa nila ninamnam ang kakaibang sensasyon na tanging ang pag-iisa ng kanilang mga katawan ang makapagdudulot. Kung masaya si Dave, nakakalamang ang katuwaang nasa dibdib ni Barbara.
Buong magdamag na hindi nila sinayang ang sandali. Sinamantala nila ang pagkakataong magkasama. Pareho silang naging aktibo para mabigyan ng kasiyahan ang isa't isa.